[ Third person's point of view ]"WHAHAHAHA!" malakas na tawa ni Aly habang nakahawak sa tiyan niya at panay parin siya tawa dahil nakaganti siya sa Bading.
Hindi niya na namalayan na pakembot kembot na ito patungo sakanya.
Nang makalapit ito sakanya ay agad nito hinila ang buhok niya na agad niya ikinatigil sa pagtawa at bigla napangiwi.
"Bitawan mo ang buhok ko." madiin na sabi ni Aly sa Bading nang hindi talaga nito binitiwan ang buhok niya kaya hinawakan niya ang kamay nito na nakasabunot sa buhok niya at pilit na inalis.
"Ano ba?! Bitawan mo ang buhok ko!" banas na sabi niya sa Bading nang inikotan lang siya ng mata nito na ikinakulo ng dugo ni Aly sa katawan.
Napaatras atras silang dalawa dahil ayaw talaga bitawan ng Bading ang buhok niya hanggang sa nawalan bigla ng balanse si Aly na ikinatumba nito at napahiga sa kama na ikinapatong ng Bading sakanya at hindi inasahan ang nangyari nang magdikit ang labi nilang dalawa.
Parehong nanlaki ang mata nila at natulala ng ilang sigundo.
Nang nabalik si Aly sa ulirat ay agad niya ito tinulak at wala sa sariling napahawak siya sa labi niya.
Ito ang pinakaunahang may humalik sakanya kaya napaawang ng kunti ang labi niya dahil sa gulat ng pangyayari sa kanila ng Bading.
[ Twaine Aly's point of view ]
Napanganga ako at hindi makapaniwala sa nangyari ngayon. Ito ang pinakaunahang may humalik sakin at dito pa talaga sa labi ko.
Ramdam ko parin kung paano dumampi ang labi ng Bading sa labi ko at napakalambot ng labi niya. Nalasahan ko ang labi niya ay lasang strawberry.
Bigla ako nabalik sa ulirat nang malakas na tumili ang Bading na ikinatayo ko sa pagkakahiga sa kama.
"Kyaaaaaaahhhhh! Mommmyy! Oh, my gosh!" malakas na tili ng isip bata na Bading
Napaismid nalang ako, tsk! Napaka-Oa! Nakita ko naman nangilid ang mga luha niya sa mata niya habang nakatingin sakin.
Nakatayo na kasi siya ngayon sa harap ko mismo habang nakahawak sa labi niya at ang mukha niya ay hindi maipinta.
Nagulantang ako bigla nang bumukas ang pinto at pumasok sila Lola, Ma'am Brina at Sir Blaze kaya naramdaman ko ang panginginit ng magkabilang pisngi ko.
"What's going on here?" seryosong na may diin na sabi ni Sir Blaze kaya agad bumilis ang tibok ng puso ko.
Kinakabahan ako. Shit! Nanginginig ang mga kamay ko kaya pinagsiklop ko ito at naramdaman kong tumulo ang pawis ko sa noo.
Sobrang kaba ang nararamdam ko kasi baka matanggal na ako sa trabahong ito.
Napatingin ako bigla kay Ma'am Brina at nakita kong siniko niya si Sir Blaze at masamang tiningnan kaya napanguso si Sir Blaze at yumakap sa kanyang bewang.
Binaling niya naman ang tingin sa anak niya na isip Bata na Bading at agad nasapo ng dalawa niyang kamay ang bibig niya.
"Oh, my ghad! Anong nangyayari sa noo mo Blake?" sabi ni Ma'am Brina na ikinalaki ng mata ko.
Ang noo niya na namumula at may maliit na bukol dahil sa pagkakabangga niya sa pinto.
"Mommy, sob* Shupangit na tweet tweet, may keshelenen (kasalanan) nito! Huhuhu..." umiiyak na sabi ng Bading nato at tinuro ako kaya nahihiyang napayuko ako bigla.
Napakawalanghiya niya talaga! Ako pa ang pinagbibintangan niya kung bakit namumula ang noo niya at may maliit na bukol!
"Di lang 'yan, Mommy. Sob* kish (kiss) niya ako! Kish niya ako dito. Gaya gawa sob* niyo ni Daddy, kish dito sha lips." narinig kong sabi ng Bading kaya napaangat ang tingin ko sakanya at nakita kong nakaturo ang daliri niya sa labi niya kaya agad ko naramdaman ulit na uminit ang magkabilang pisngi ko.

BINABASA MO ANG
Babysitting the Childish Gay
RomancePaano kung ang akala mong aalagaan mo ay isang batang bubwit na cute na cute ay kabaliktaran sa inaakala mo dahil isa pala itong maarte at isip bata na Bakla.