Prologue
I'm Twaine Aly Gonzaga, 19 years old. And I am so super duper excited na! May trabaho na ako at excited na rin ako makita ang alaga ko. Siguro ang cutie cutie niya!
Ang swerte ko talaga kasi makakapag-ipon pa ako para makapag-aral sa collage.
Kung tinatanong niyo nasaan ang magulang ko na dapat gumagabay sakin? Masasagot ko ho n'yan, ay wala na akong magulang na gumagabay sakin.
Iniwan nila ako noong naghiwalay sila at pinabayaan nila ako, ni hindi nga nila ako inaalagaan man lang o binigyan ng pera para makatulong sakin sa pag-aaral, na parang basura lang nila ako iniwan.
Ano ba 'yan! Nalulungkot ako pagnaiisip ko na ganito ang sitwasyon ko... ngayon na ako lang nagtatakuyod sa sarili na nag-iisa na lang ako sa buhay.
Kakayanin ko, marami na akong trabahong pinapasukan para tustusan
Ang pag-aaral ko at pagkain ko araw-araw, hindi madali pero kakayanin ko kahit nakakapagod. Lahat naman ata ng trabaho ay nakakapagod naman talaga.
Kahit mag-isa lang ako ay nasasanay naman ako na ganito, mag-isa sa buhay at sa pagkakataon nakahanap rin ako ng trabaho na malaki ang sahod.
40,000 weeks! Ang laki na ng tulong sakin n'yan at paniguradong malaki ang maiipon ko para sa pag-aaral ko sa college! Yey! Excited na'ko mag-aalaga ng cute na cute na bata!

YOU ARE READING
Babysitting the Childish Gay
RomancePaano kung ang akala mong aalagaan mo ay isang batang bubwit na cute na cute ay kabaliktaran sa inaakala mo dahil isa pala itong maarte at isip bata na Bakla.