[ Twaine Aly's point of view ]Napaawang ang labi ko habang nakatitig sa malaking mansion na nasa harap ko ngayon, agad ako lumapit sa gate at nag-doorbell.
"Sandali lang, sino ho kayo?" rinig kong sabi ng matanda habang binubuksan ang malaking gate.
"Hello po, ako po pala ang bagong Babysitter." saad ko habang nakayuko.
"Ganon ba, iha. Hali ka at pumasok." aya nito sakin kaya napangiti ako.
"Salamat po, Lola." magalang na sabi ko habang papasok.
Nang makapasok ako sa loob ay mas lalo ako namangha. Halatang napakayaman talaga nila.
Halatang halata sa mga kagamitan nila, kumikinang pa nga sa sobrang linis! Niyaya naman ako ni Lola paupo sa sofa kaya umupo ako.
"Maghintay kalang d'yan, iha. Tatawagin ko lang si Madam." saad ni Lola kaya tumango ako at ngumiti ng tipid.
Nilibot ko naman ang paningin ko sa paligid. Napakaganda at napakalinis!
"Hi, ikaw ba ang bagong Babysitter?" napabaling bigla ang tingin ko sa nagsalita at patungo sila sa direksyon ko.
Napatulala agad ako sa ganda ng babaeng nagsalita, para siyang dyosa habang si Lola ay nasa likod lang niya nakasunod.
Napatayo ako bigla at yumuko. Nakakahiya! Baka nakita niya ako paano tumulala na nakatingin sakanya!
"Opo, Ma'am." agaran na sagot ko sa tanong niya, naramdaman ko naman na naupo sila sa harap ko sa kabilang sofa.
"Take a sit, iha. Bakit ka nakayuko? Chin up." mahinhin niyang sabi kaya naupo ako at napaangat ang tingin ko sakanya.
Nagkatinginan kami nang bigla nanlaki ang mata niya at namamangha na nakatingin sakin.
"So beautiful! Ikaw ba talaga ang bagong Babysitter, iha? Bagay na bagay kayo ng Anak ko!" tili nito at pumalakpak kaya agad nangunot ang noo ko.
Naguguluhan ako, huh? Ano ba ang pinagsasabi niya?
"Huh, po Ma'am? Ano po ang sinabi niyo po?" naguguluhan kong sabi pero ngumiti lang ito na ikinaganda niya ng sobra.
"Nothing, iha. Sisimulan mo naba ang trabaho mo ngayon, mismo?" tanong niya sakin kaya ngumiti ako ng tipid at tumango.
Pursigido ako sisimulan ko agad ang trabaho ko ngayon.
"Kung gano'n ay mabuti 'yan, iha. Manang, ikaw na bahala sa isang magandang dalaga na ito." sabi nung magandang babae na Amo ko.
Ngumiti muna ito sakin bago tumalikod paalis. Lumapit agad si Lola sakin at inaya ako patungo sa kitchen.
Nang nasa kitchen na kami ay agad niya tinuro ang tray na nakalagay sa mesa at may nakalagay na itong pagkain.
May baso rin na ang laman ay gatas, agahan ata 'to para sa batang aalagaan ko.
"Ito ang agahan niya ngayong umaga, iha. Dalhin mo sa kwarto niya na nasa pangalawang palapag at ang kulay ng pinto niya ay pink." sabi ni Lola sakin habang may ngiti sa labi niya.
"Opo, Lola." sagot ko sakanya at ngumiti rin. So babae talaga yung aalagaan ko kasi pink ang pinto, diba?! Siguro sobrang ganda niya at cute.
Mommy pa nga niya kanina na nakaharap ko na parang dyosa, eh. Siguro manang mana siya sa Mommy niya.
"Iha, ang kwarto mo ay nasa tapat lang ng kwarto niya at nando'n narin ang mga gamit mo." sabi ni Lola kaya tumango ako.
"Salamat po, Lola." nakangiting sabi ko sakanya at agad kinuha ang tray.

YOU ARE READING
Babysitting the Childish Gay
RomancePaano kung ang akala mong aalagaan mo ay isang batang bubwit na cute na cute ay kabaliktaran sa inaakala mo dahil isa pala itong maarte at isip bata na Bakla.