WALANG FOREVER!

377 23 2
                                    

This one shot was supposed to be my entry to psydem's activity "forever, meron o wala" but this ain't that great so let me put it here instead.

AllaineYsa dude pahiram ng pangalan mo ㅋㅋㅋ

Enjoy my first update hihi.

*******

/WALANG FOREVER/

******

"I remember the day when i first met you inside the church."

"You're wearing a white plain shirt paired with black skinny jeans."

"You were crying so loud that people around you see you as a nuisance."

"Well i have to do something to make you stop so I approached you."

"Miss? Okay ka lang?" tanong ko sa isang babae na mukang kasing edad ko lamang. Mga mid 20's. Kanina pa kasi siya umiiyak habang nakaluhod sa gitna ng malawak na pasilyo ng simbahan.

Hinintay ko ang tugon niya pero hindi ako sinagot sa halip ay humagulgol lang lalo siya.Dahil sa paghagugol niya ay sandali kong nakita ang muka niya. Katat na ang eyeliner niya hanggang sa pisngi niya at sobrang itim na ng ilalim ng mata niya. Muka na siyang zombie sa hitsura niya ngayon.

I don't want to be rude but, she looks terrible.

Kinapa kapa ko ang bulsa ko para kuhanin ang panyo ko at iniabot ito sa kanya. Pinantayan ko ang lebel niya at unti-unting inilapit ang panyong hawak ko sa may muka niya sapat para makita niya ito.

"Miss pany--

"WALANG FOREVER!"

Nagulat ako sa biglaang pagsigaw niya at kasabay noon ang pagtakbo niya palabas ng simbahan.

I just stood there..

Confused..

And at the same time frightened. Seriously, I almost had a heart attack.

"Noah"

Napalingon ako sa likod ko at doon lang ako nakagalaw dahil tinawag ako ng isang madre.
Bumuntong hininga muna ako at inayos ang aking sarili bago ko lapitan ang madreng tumawag sa pangalan ko.

"It didn't end just there."

"Every sunday you were there at the church. Looking desperate. Damaged. Weak."

"Lagi siyang nandito una hanggang sa huling misa. Hindi ko maiwasan ang mag-alala sa kalagayan niya" bulong ng isang madre sa kapwa niya madre ng may tono ng pag-aalala habang nakatingin doon sa babae na pinagbubulungan ng mga taong lumalabas at pumapasok sa simbahan.

Napatingin ako sa babaeng mukang sirang-sira na.
Kung sino man ang may kasalanan nito sa kanya ay sana nakikita niya ang naging resulta ng pagkakamali niya.
Maraming konklusyon ang pumapasok sa utak ko na maaaring gawin ng babae sa sarili niya. And one of that is killing herself..

I won't let that happen..

Without any hesitations I approached her for the second time. Yes, i don't know her. I don't even know her name. But that will not stop me for helping her, nor anyone that needs help. Hindi lang naman ang mga kakilala ko ang puwede kong tulungan. Kahit ang mga hindi ko kakilala o kilala ay dapat ko ring tulungan.

Hinawakan ko ang braso niya dahilan para mapatingin siya sa akin.

There goes her damaged facade.

Dead's One shots and PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon