/Bias/
Kami'y nagsisigawan, sila'y inaabangan
Kahit hindi pa simula, paos na'ng lalamunan
Para kaming mga baliw, at mga nagtatalunan
Tila sabik na sabik na sila'y masilayanSari-saring mga papel, ang s'yang aming mga dala
At ang mga nakasulat, ay ang pangalan nila
Oh ito na, ito na at magsisimula na
Tila mga puso namin para bang sasabog naHindi mapaliwanag ang aking nadarama
Kasiyahan ang naghari, nang sila'y lumabas na
Kusang kumakawala, ang aking mga luha
Na lalong rumagasa nang sila'y magsalitaIto ay ang pangarap ng isang tagahanga