Random Poem

83 7 5
                                    

/Random poem/

Sayo'y pasulyap sulyap sayo'y patingin tingin
Mariing iniisip anong dapat sabihin
May lakas ba ng loob na ika'y kamustahin?
Ngunit kung magawa nga iyo bang papansinin?

Matagal na ring ika'y aking pinagmamasdan
Puso ko ay tumibok, unang kita ka palang
Hindi ko na rin nagawa ang magmaang maangan
Talagang may'ron ako sayong nararamdaman

Lumipas ang mga araw ika'y mas nakilala
At sa'king mga nalaman ako ay napanganga
Lubos na pagkagulat  ay s'yang aking nadama
Sa dahilang hanap mo ay lalaki rin pala

_____

Project lang sa filipino. Maggawa daw ng sariling tula. hahaha hugot na hugot eh ㅠㅠ

Dead's One shots and PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon