I

8 0 0
                                    

"HAPPY FATHER'S DAY PA!"

"Di ko kayang tanggapin na mawawala ka na sa akin~Hapdi at kirot ang dulot sa 'king damdamin🎶🎶🎶 ayoko nang mabuhay sa mundo kung🎶---"

Napatigil sa pagkanta nang batukan ako ni mama.

"Tumigil ka nga! Ang aga - aga nambubulabog ka ng natutulog na butiki."

"Theme song nyo naman ni papa yon eh."

"Gaga, sintunado ka kaya tigil - tigilan mo ako. May papikit - pikit ka pang nalalaman, mukha kang tuleg."

Napasimangot na lamang ako. Hmp. Sintunado raw ako? Tsss, kanino ba ako magmamana??? Edi syempre sa kanila ni papa. Si mama talaga kala mo naman hindi basag ang boses.

Ipinagpatuloy ko na lang ang pagluluto ng pang - almusal namin. Syempre masarap ngayon ang niluluto ko kasi sosorpresahin ko si Papa. Father's Day ngayon at gusto kong maging isang mabuting anak. Ngayong araw lang naman. Bwahahaha!!!

"Ma? Tulog pa ba si papa?"

Sakto namang lumabas mula sa kwarto nila si papa.

"Ayan tanungin mo kung tulog pa ba siya," wika ni mama tsaka inirapan ako.

Waw. Apakataray ng nanay ko. Nanay ko ba talaga to??
'Oo neng nanay mo yan, sa kanya mo namana ang pagiging pilosopo at ang boses mong makabasag pinggan. Tch'

"Morning Pa," nakangiti kong bati kay Papa.

"Anong masamang espiritu ang sumapi sayo Jam??? Ngayon ka lang nagising ng maaga ah?"

Kita niyo yan? Napagkamalan pa akong may sanib. Hindi ko na lang pinansin ang sinabi ni papa.

"Kain na po tayo Ma, Pa," wika ko at inihanda ang pang - almusal namin.

Nagtatakang tiningnan nila ako. Alam ko na to.

"Hep! Wala akong sapi. Happy Father's Day Pa! Halina na po kayo't mag - almusal. Masarap po tong niluto ko. Hehehe."

"Ang sweet naman ng anak ko ngayon.," nakangiting wika ni Papa. "Wala ka talagang sapi "nak?"

Ayos na Pa eh, dinagdagan mo pa. >_< Tch. Napasimangot ulit ako.
"Pa naman eh."

"Walang sapi yan, may saltik lang," nakangising wika naman ni Mama.

"Kumain ka na nga lang Ma," naiinis na wika ko.

"Waw, tinolang manok at may fried chicken pa. Hmmmm, mukhang masarap nga."

Masaya at magana kaming kumain ng aming almusal. Sarap na sarap si Papa sa mga niluto ko. Sabi na eh, masarap ang luto ko, hehehe.

*** A few moments later.....

"Hmmmm, busog na busog ako anak. Salamat ha?"

"Syempre lab na lab kita Papa. Happy father's Day po," nakangiting wika ko.

"Hayst, napakasipsip ng bruhang ito," parinig ni mama.
Binelatan ko lang si Mama. Hahaha astig ng pamilya ko no??

"Ay teka lang, napakain mo na ba si jun??? may lakad pa naman kami ngayon."

Umiling lang ako. Sinimulan ko nang ligpitin ang pinag - kainan namin. Agad na nagtungo sa likod bahay si Papa.

"Lara!" humahangos na bumalik sa loob ng bahay si Papa. "Nasaan si jun??!!" tanong niya kay Mama.

"Aba, malay ko. Sino ba yon?" wika naman ni Mama.

"Kinain niyo Pa kanina," wika ko na may alanganing ngiti.

"JAMRYIE!!!!" galit na sigaw ni Papa at dinambot ang walis tambo.

"Waaaaahhhhh!!! Happy Father's Day Pa! Labbyuu!" wika ko at patakbong lumabas ng bahay namin.

Paampon muna ako sa kapitbahay namin. Galit na galit si Papa eh kala mo naman di nasarapan sa manok niyang pangsabong.



 Galit na galit si Papa eh kala mo naman di nasarapan sa manok niyang pangsabong

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


: sya po si jun bago maging tinola...

****

©️All rights reserved 2021.

Forgotten HumorWhere stories live. Discover now