VI

1 0 0
                                    


PAREKOY

---

“Parekoy, kain ka na.”

“Teka, parekoy may lagnat ka ba??? Sandali lang bibilhan kita ng gamot.”

“Parekoy tubig oh.”

"Parekoy, binilhan kita ng paborito mo."

Parekoy.

Yan yong callsign natin as bestfriends. Oo, bestfriend lang dapat kita pero lumagpas ako sa boundary. Maalaga at sobrang sweet mo kasi sa ‘kin kaya unti-unti akong nahulog sayo. Tinago ko yong damdamin ko para sayo.

Bakit?

Nakakahiya mang aminin, pero naduwag kasi ako. Natakot rin ako na masira ang pagkakaibigan natin, na magbago yong lahat sa atin.

“Tara parekoy hatid na kita.”

Hatid-sundo mo ako araw-araw. Ang swerte ko sayo. Akala nga ng iba tayo na pero ang lahat ng ‘yon akala lang. Sa bawat araw na lumilipas mas lalo akong nahuhulog sayo.  Hanggang sa isang araw, may ipinagtapat ka na tuluyang nagpabago ng mundo ko, nagpabago sa ating dalawa.

“Parekoy, gusto kita…….”

“Parekoy, gusto kita…….”

“Parekoy, gusto kita…….”

“Parekoy, gusto kita…….”

“Parekoy, gusto kita…….”

******

Narinig ko ang busina ng motor mo sa labas ng bahay namin. Itinuloy ko lang ang panonood ko ng anime sa sala. Hindi na ako nag-abala na silipin ka pa. Hindi na ako nag-abala na kausapin ka o harapin ka simula ng araw na yon.

Nakita ko ang paglabas ni ate sa kwarto niya.

 
“Lex pasabi na lang kay mama na may pinuntahan lang ako.”

Tumango lang ako bilang tugon kay ate.

***

“Parekoy, gusto kita……. Hahahaha!!! Di joke lang. Parekoy crush ko ate mo, patulong naman ako oh.”

Napangiti ako ng mapakla. Oo, naging kayo ni ate. Ako ang naging tulay para makamit mo ang matamis niyang “oo”. Taenang tulay.


***

©️All rights reserved 2021.

Forgotten HumorWhere stories live. Discover now