V

2 0 0
                                    

FATHER'S DAY

---

“WALANGHIYA KA! SINO NA NAMAN ANG KAUSAP MO? ‘YONG BABAE MO?” sigaw ni Mommy na halos marinig ng mga kapitbahay namin.

“Ano ba?sino bang nagsabing may kabit ako?”

“EH ANO YONG SINABI NG KAPATID MO NA MAY ANAK KA RAW SA LABAS? KAMUMUKHA MO RAW WALANHGIYA KA!”

“Kung anak ko ‘yon edi sana dinala dito sa ‘kin."

“WALANGHIYA KA TALAGA!!!”

Sunud-sunod na nagliparan ang mga gamit naming matapos ihagis ni mommy papunta kay daddy. Tahimik lang akong nakikinig sa away nila. Sanay na ako. Lagi na lang ‘tong nangyayari. Minsan nga sa harap ng hapag-kainan pa sila nagsisigawan. Hindi ako kumikibo tuwing nagsisigawan sila.

Idol ko si daddy noon. Noon ‘yon, hindi na ngayon. Minsan naririnig ko siyang may kausap na babae sa telepono. Hindi ko ipinapaalam kay mommy. Ayokong makitang umiiyak at nasasaktan ang mommy ko.

---

Alas dose ng gabi, nagising ako. Kinuha ko sa aparador ang isang mahalagang gamit ni Daddy. Tinungo ko ang kwarto niya. Hiwalay sila ngayong matulog ni Mommy dahil parati silang nag-aaway. Tulog na tulog siya. Ipinahawak ko sa kanya ang gamit niyang iyon. Itinutok ko iyon sa ulo niya at kinalabit ang gatilyo. Umalingawngaw ang isang putok ng baril.

Napangiti ako. Ngayon hindi na muling iiyak ang Mommy. Hindi na siya paulit-ulit na masasaktan. Matatahimik na ang bahay namin. Matatahimik na ang buhay ko.


“Goodbye Daddy. Happy Father’s Day.”

***

©️All rights reserved 2021.

Forgotten HumorWhere stories live. Discover now