IV

4 0 0
                                    

ANG TUNAY NA ANAK NI MAMA

"Ano bang gusto mo???!!!" naiinis na wika ko.

"Ikaw... Ikaw ang gusto..."

Tila nanghina ang aking mga tuhod dahil sa sinabi niya. Nahinto ang aking paghinga, medyo nakakamatay kasi. Tila takbo ng kumakaripas na kabayo ang pintig ng aking puso. Sheemmms, usto kong himatayin. Waaahh! Umamin na sa akin ang aking sinsinta♡‿♡. Crinushback na ako ni crush, pero ikaw na nagbabasa? Oo ikaw! Usto mo ng crushback? Luh, asa ka! Bleeeeehh!

Hinaplos ng malambot niyang palad ang makapal at magasoang kong mukha. Umindak naman nang umindak ang aking mga pilik kasabay ng paglabas ng sinusupil kong mga ngiti. Ayan na! Shems! Papalapit na nang papalapit ang kanyang mukha sa akin. Napako ang tingin ko sa mapupula niyang labi. Naipikit ko na lamang ang aking mga mata, kasabay noon ang paglapat ng matigas na bagay sa aking mga labi. Teka, matigas na bagay?? Matigas ang kanyang mga labi??

"OH ANO? MASARAP BANG GAGA KA?? BWAHAHAHAHAHA!!!!!!"

Nagising ang buong diwa ko at naimulat ko ang aking mga mata ng wala sa oras. Sino bang hindi magigising sa halakhak ng isang bruha??

ー_ー

Inilayo ko ang dulo ng hawakan ng mop sa aking bibig at sumigaw ng ubod ng lakas.

"NELDA!!!!!!"

Kumakaripas at humahalakhak na lumabas si mama ng kwarto ko. Shokkiiiee!! Ang ganda na ng panaginip ko tapos nabulilyaso pa. Nyemas! Naihilamos ko sa mukha ko ang aking mga palad. Padabog na bumangon ako sa kama ---- charr sa papag pala. Hindi ko naabutan sa sala si Mama. Hindi ko rin nahagilap si Papa. Baka nagluluksa pa iyon sa pagkatay ko kay Jun. Napangiwi ako.

Lalabas sana ako para lumanghap ng sariwang hangin nang may marinig ako ng di sinasadya.

"Ay mare ang ganda niya naman", parang boses yon ni Aling Marites.

"Eh saan pa ba magmamana mare, syempre sa akin. Tsaka higit na may pakinabang yan kesa doon sa isa kong anak na batugan", wika ni Nelda --- este ni Mama.

Anak na batugan?? Ako lang naman yong anak nila ah. Ako ba yong batugan??!!! Hmmpp.

"Ang ganda talaga mare", tinig ni Marites.

"Isang tunay na anak ang pagturing ko sa kanya mare, kaya alagang - alaga ko ang isang yan".

Tuluyan na akong napanganga. May ibang anak si Mama??!!!

*** A Few moments later***

Buong tiyaga kong hinalo ang niluluto kong gulay dito sa malaking kawali. Balak kong maging isang huwarang anak para di ako mapalayas dito sa bahay lalo pa't tila nag-ampon si mama ng papalit sa akin huhuhuhu. Nang masiguro kong luto na, inihanda ko na ang hapag at tinawag sila mama at papa.

"Anong nakain mong bruha ka??" tila gulantang na wika ni Mama na nakanganga pa, literal na nganga.

"Wala, kakain pa lang".

"Jamjam, mvp ako sa laro namin, Whooooo!!!!" tuwang - tuwa na sigaw ni Papa. Akala ko pa naman nagluluksa siya kay jun. Naglalaro lang pala siya ng ML sa kwarto nila. ー_ー

"Kain na po, niluto ko yong paborito mong ulam Ma".

Kita ko ang pagkislap ng mga mata ni Mama. Tsss... Pagkain lang pala ang katapat nito.

"Nagluto ka ng ginatang gabi Jamjam?" Napatango na lang ako. "Ang ganda - ganda talaga ng anak ko", nakangiti yang wika at dali - daling chumibog.

Ang masasabi ko lang, apakaplastik ni Mama. Naging magana ang pagkain nila lalo na ni Mama. Kumain na lang din ako. Well, masarap ang luto ko pero pass ako sa gabi, ayaw baka may uod hezhezhez. Pagkatapos naming kumain, syempre ako ang nagligpit at naghugas ng pinagkainan namin. Bumalik si Papa sa kwarto niya at di inalis ang mata sa paglalaro ng ML. Si Mama naman lalabas daw ng bahay at uusisain ang kanyang anak. Teka, bakit nga pala di sumabay sa amin kumain yong tinatawag niyang anak??

"WAAAAHHHHHHHH!!!"

Muntik ko nang mabitawan ang hinuhugasan kong plato at matumba dahil sa palahaw ni Mama. Dali - dali akong lumabas ng bahay.

"Waaahhhhh!!! Ang anak ko!!! wahhh!!! Anong nangyari sa anak ko?!!!", tuloy sa pagpalahaw si Mama habang hawak ang isang paso. Huh? Nakalagay sa paso ang magiging kapatid ko?? Aaluhin ko sana si Mama, nang mapansin ko ang hawak niyang paso.

"Plantita pala yon??! Akala ko gabi", wala sa huwisyong wika ko. At kung minamalas ka nga naman, halos patayin na ako ng titig ni Mama. Narinig niya pala.

Unti - unti akong humakbang papalayo kay Mama.

"JAMRYIE!!!!!!!"

Kumaripas ako ng takbo at nagtago sa bahay ng kapitbahay namin. Shuta! Kailangan ko na atang mag-impake sa susunod.


:Siya ang tunay na anak ni Mama, ampon lang daw ako ー_ー

***

©️All rights reserved 2021.

Forgotten HumorWhere stories live. Discover now