13: Practice Match

546 40 17
                                    

CHAPTER 13: Practice Match

Ice’s Point Of View

“MAGAGALING ba talaga ang Dreamers Baseball Team?” Narinig kong tanong ni Yulo.

Nandito kami ngayon sa loob ng bus ng baseball team para puntahan ang Dylle University para maglaro. Dalawang oras ang byahe at sa palagay ko ay malapit na kami.

“Oo. Kasali sila sa mga powerhouse,” sagot ng isa sa mga kasamahan namin. Nakikinig lang ako sa usapan nila at walang planong sumabat. Napatingin na lang ako sa labas ng bintana habang ang mga tainga ko ay nakikinig lang.

Magagaling talaga ang Dreamers and I can’t wait to have a battery with Yulo while playing against a powerhouse.

“Powerhouse?” Hindi ko maiwasang mapailing dahil sa tono ng boses ni Yulo. Para siyang isang batang nasasabik na matututo kaya napatingin ako sa kaniya.

Nakita kong tumayo si Dave habang ngumunguya ng chips. “Malalakas na baseball team.”

“Ang dami nating practice game kahit na hindi pa nagsisimula ang season.” Napatawa na lang ako sa inasta ni Yulo. Para talaga siyang bata.

“Alam mo ba kung kailan ang UBA season?” tanong ni Martin habang ang mga mata niya ay nakatutok lang sa laptop na dala.

“UBA season? Bakit may UBA?”

“Hindi mo rin alam ’yon? Wala ba kayong TV sa bahay?” hindi makapaniwalang tanong ni Dave.

“Mayro’n naman pero hindi ko hilig mangialam sa mga bagay na hindi ako involve.”

Namangha naman silang lahat sa sagot ni Yulo pero ipinaliwanag pa rin ni Dave kung ano ito. “Ang UBA ay ang abbreviation ng University Baseball Association. Sila ang nagha-handle ng season ng baseball ng mga university at ang mas maganda ay puwedeng sumali ang babae sa team!”

Tama, may patakaran ang UBA kaya hindi na kami magtataka kung may mga babae man ang team na makakalaban.

“Ilan ba lahat ang makakalaban natin?” This Yulo is really unbelievable. Sumali siya sa team na walang kaalam-alam.

“Depende. May mahigit 20 colleges around the county ang sasali.”

Nakita ko kung paano lumaki ang tsokolate niyang mga mata sa sagot ni Martin. “G-ganoon ka rami?”

“Oo, pero huwag kang mag-aalala. By blocks naman at maraming field na magagamit. Iyong iba ay hindi sasali dahil sa sobrang dami pero sulit kapag sumali ka na lalo na kapag championship.”

“Wow. Nakaabot na kayo sa championship, Captain?”

Napakamot si Martin sa ulo niya. “Hindi pa. Nanonood lang namin.”

Inakbayan ni Dave si Martin. “Kaya ang goal natin ay makaabot sa championship pero ang apat lang na mga university na ’yon ang nakakaapak ng paulit-ulit.”

“Apat?”

“Dreamers, Seekers, Scavengers, at ang Offenders.” Napangiwi ako nang marinig kong sumagot si Levi na ngayon ay nasa tabi ko. Akala ko tulog ang isang ’to.

“Bakit halos ers ang huli? Isali mo pa ang Aimers. Napapaghalataan na walang maisip.”

Napatawa ang iba sa sinabi ni Yulo.

“Sa totoo lang ay ang mga coach ang nakaisip ng mga pangalan. Silang lahat ay magkakaibigan, ang problema nga lang ay ang Aimers pa ang hindi nakakapatong sa championship level.”

Ilang minutong katahimikan ang nabuo dahil sa pahayag ni Martin hanggang sa dumating na kami sa destinasyon namin, ang Dylle University.

“Bakit wala kang alam sa UBA pero kilala mo si Dente Ostin?” tanong ko kay Yulo habang pababa kami sa bus.

Blame it on the Rain - [BL]✓ [UNDER MAJOR REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon