Ilang araw ang Mabilis na lumipas. Wala na ngang Basti na nagpaparamdam at nangungulit sa kanya. Pero Ang ipinagtataka Niya. Wala ding Borj na tumatawag at nagpapakita . Ilang araw na Hindi Niya nakikita si Borj.At Hindi din Niya maiikaila na namimiss na Niya ito. At damn you Borj, paasa ka na Naman ba.. pinaaasa mo lang ba ako? -bulong na naman Niya sa sarili. Naisip tuloy Niya kausapin si Kuya Yuan Niya at itanong dito Kung nakikita ba nito si Borj. Perfect timing naman dahil saktong lumapit ito sa kanya para yakagin siyang mag-lunch.
"K-kuya may itatanong Sana ako sayo?" -bungad Niya sa kapatid ng nakalapit ito.
" Ano Naman 'yun?".-tanong nito at umupo na para magsimulang kumain.
"Nakikita mo ba si B-borj?" -sa wakas ay naitanong Niya dito.
"Ah- Si Borj ba.Naku ilang araw nang Hindi ko nakikita si Borj eh.Nung isaw araw tumawag ako sa bahay Nila eh Sabi ni Lolo maaga daw umaaalis ng bahay,Gabi na kung umuwi..Mayroon daw inaasikaso eh.Ayaw Naman sabihin ni Lolo Kung ano yun Kaya respeto na lang"-mahabang kwento ng kapatid.
(My God -bulong ng utak Niya.Anong inaasikaso ni Borj.Si Trisha ba,o si Leslie Kaya o baka Naman si Jane.-napakagat labi na Naman siya sa isiping yun..Mannerism na Kasi Niya Yung kinakagat ang labi kapag disappointed siya o Kaya ay natetense siya).
"Bakit mo ba Kasi natanong ha" -kulit ng kuya Niya.
"Eh Kasi kuya,iniisip ko baka nagalit si Borj sakin.Kasi ganito yun,nag invite siya sakin for dinner Kaya Lang,ni reject ko siya dahil nung time na 'yun eh makikipag-usap ako Kay Basti-"mahabang paliwanag Niya sa kapatid.
" Ah so iniisip mo pala na nagalit sayo si Borj dahil na reject mo siya-"
Marahan siyang tumango.
" So iniisip mo din na ganun ka kaganda para dibdibin ni Borj 'yung ginawa mo sa kanya"-at sinundan nito nang nakakalokong tawa.ang sinabi sa kapatid.
"Kuya Naman eh nakakainis ka talaga!" -irap Niya sa kapatid.
" Haba Ng buhok mo sister huh!"-pang-aasar pa ulit nito.
"Ewan ko sayo!"- At tinapunan Niya ito ng matalim na tingin at itinuloy na lang ang pagkain.
Nakita pa Rin Niya ang mapang-asar na ngiti ng kuya Niya at naiiling -iling pa ito.Hindi na Rin siya nakatiis.Napatawa na Rin siya.Wala na siyang magagawa talaga sa husay mang-asar ng Kuya Yuan Niya.
"'wag mong isipin si Borj,magpapakita din 'yun..may inaasikaso lang daw Hindi yun makakatiis" - Sabi Ng kuya Niya MAya-maya.Hindi na siya kumibo.Ipinagpatuloy na lang Niya ang kinakain.Umasa na lang siya na Sana nga magpakita na si Borj.Ilang araw pa lang Niyang Hindi nakikita ito,parang mababaliw na siya.
"Haiiii Borj,,Kung Alam mo lang Sana" -sabay hugot ng malalim na hininga.Sumapit ang Gabi subalit walang Borj na nagpapakita sa kanya.Talagang naiinis na siya.Pag-akyat niya ng kwarto muli niyang tiningnan ang picture ni Borj.Galit Niya itong kinausap.
"Paasa ka Lang Borj,paasa ka...!hmmmmp" -at sa sobrang galit Niya.Itinaob Niya ang picture ng binata.Hanggang sa pagtulog Niya,hinayaan niyang nakataob ang picture na 'yun.KINAUMAGAHAN:Sunod-sunod na katok muli sa kwarto ang nagpagising sa kanya.
"Ano ba Roni,breakfast is ready Tara Kain Tayo" -sigaw na Naman Ng kuya Niya sa labas ng kwarto.Wala sa mood na binukasan Niya ang pintuan ng kwarto at saka sumagot sa kapatid.
"Kuya,pwede bang ikaw na lang muna ang bahala sa resto.Napansin ko Kasi na medyo madumi na Naman 'tong bahay,Kung ok Lang sayo linisin ko na lang muna"-palusot Niya sa kaptid.Dahil ang totoo Lang Naman talagang dahilan ay wala siya sa mood.at totoong nakakatamlay ang mga araw at orAs na Hindi Niya man Lang nasisilayan ang gwapong mukha ni Borj.
"Tsk.Yun ba talaga ang dahilan Roni.Oh baka Naman magpapakamongha ka Lang talaga!"-hindi na Naman nawala ang pang-aasar ng kuya Niya.
"Kuya Naman kahit kailan talaga,grabe ka" -sagot Niya dito.
" Oh sige ako ang bahala sa resto Basta maglilinis ka Ng bahay,pakidamay na Ng kwarto,saka kung pwede.lang linisin mo ng ayos ok,maglaba ka na din saka magprepare ng dinner para ready to eat na lang kami mamaya pagdating.-"Sunod-sunod na utos nito.
" Ok sige,sige na nga".at magkasunod na silang bumaba para kumain.
Pagkaalis ng Kuya Niya,inabala Niya ang sarili sa paglilinis.Naghihintay din siya ng tawag sa telepono,pero tahimik Lang maghapon ang telepono Nila.Minsan Hindi Niya maiwasan ang sumilip sa may gate dahil talagang one hundred percent umaasa ang puso Niya na makikita at makakausap Niya si Borj.Pero napagod na siya sa paglilinis,wala pa ring Borj ang nagpakita sa kanya.Umabot ang lunchtime,merienda time,dinner time .Hanggang sa dumating ang kuya Niya at si Missy wala pa ring Borj na nagpakita at nagparamdam sa kanya.
Ipinaghanda lang Niya ng food Sina Missy at Kuya Yuan at umakyat na ulit siya ng kwarto.Malungkot.Malaungkot na malungkot.Muli niyang kinuha ang nakataob na picture pa Rin ni Borj at gigil na gigil na Naman niyang kinausap ito.
"Ghost ka Borj,paasa.kala mo napakagwapo.hmmmp.Kung anuman yang inaasikaso mo.pagbutihin mo lang.Tingnan Lang natin"-at muli na Naman niyang itinaob ang picture ng gwapong binata.Inis na inis na talaga siya.Kinabukasan:Malakas na katok na naman ng kuya Niya ang nagpagising sa kanya.Pagbukas Niya ng pintuan nagulat siya dahil nakabihis na Ang kuya Niya.
"Oh Roni,ikaw na muna ang bahala sa resto,nagpapasama lang si Missy Kasi may kailangan siyang tapusin tungkol dun sa gagamitin nina Jelai at Junjun.
"Ha.Kuya favor Naman,Hindi Kasi ok ang pakiramdam ko ngayon.baka pwedeng dito na Lang ulit ako sa bahay-"matamlay na wika Niya sa kapatid.
" Ah ganun Ba.Naku Roni,paano ngayon 'to" -saglit na nag-isip ang kapatid.
" Ok tawagan ko na lng si Kuya Jerry,siya na lng muna papupuntahin ko sa resto"-solusyon agad nang kuya Niya.
"Sure ka ba Roni na ok ka Lang dito mag-isa baka gusto mo dito na lang ako,Hindi na lang ako sasama Kay Missy"-pag-aalala ng kuya Niya.
" Hindi kuya ok Lang ako,napagod Lang siguro pero I'll be fine"-dahilan Niya.Dahil wala Naman talaga siyang kakaibang nararamdaman.Wala Lang talaga siya sa mood lumabas ng bahay at makiharap Kung kani-kanino dahil nga ang iniisip Niya ay walang-iba kundi si Borj.
"Oh sige sis.may breakfast na diyan kumain ka na lng.aalis na kami.Kina Jelai lang muna kami.Tumawag ka pag may problema."-paala-ala pa nito bago tuluyang tumalikod sa kanya.
Bumalik siya sa kama.Muling tiningnan ang nakataob na picture ni Borj.Malungkot na kinuha Niya ang larawan at Muling kinausap ito.
"Asan ka na ba Borj?magpakita ka na please!"..mahinang dasal Niya habang nangingilid ang luha na tinitigan ang larawan ng binata.

YOU ARE READING
💖BORJ💖
FanfictionTo all the readers.. ito po Yung gusto ko sanang maging ending ng G-MiK.. Hindi man Sana laging happy.. at least happy ending naman.. Roni-Borj.. 4-ever.. 💖💖💖