Inabala ni Roni ang sarili sa iba pang Gawain sa bahay.Ok naman talaga ang sarili Niya Wala Naman siyang sakit na nararamdaman.Mabuti na lang at effective ang pagdadahilan Niya Kay Kuya Yuan.Ayaw nga Lang talaga Niya ang lumabas.Hindi Niya maiwasan ang biglang maisip si Borj.Naghihintay pa Rin siya ng tawag nito Kaya Lang talagang tahimik ang telepono.Kung nagalit si Borj dahil ni reject Niya ito,Sana Naman ay makahingi man Lang siya ng sorry sa nangyari.Pero Sana Naman di ba malawak din ang pang-unawa ni Borj.(Napapikit siya.Bakit Kasi kailangan niyang mahirapan ng ganito.Buong akala pa Naman Niya ay magiging masaya na siya Kay Borj dahil Malaya na siya.Haiiii..iiyak na naman ba ako..-Muli siyang tumalima at ipinagpatuloy n lang ng ginagawa.Tama na Roni.Kasalukuyang nag-uusap -usap Sina Missy,Jelai,Junjun at Yuan nang biglang mag ring ang cellphone nito.
"Oh hellow pare.dito kami kina Jelai".-
"Ok sige.punta ka na Lang dito".at naputol na Ang usapan.
" Sino yun?"-tanong ni Missy.
"Si Borj".Ilang sandali pa ay nasa bahay na nina Jelai si Borj.
"Oh kumusta pare,sa wakas nagpakita ka" -bungad ni Yuan dito sabay appear.
"Pasensiya na kayo pare ha,Kung Hindi ako nakakasama sa mga lakad ninyo,may importanteng bagay lang akong inaasikaso."-paliwanag ni Borj.Habang inilibot ang paningin sa paligid na tila may hinahanap.
"Eh ano ba Kasi Yung inaayos mo?" -tanong muli ni Junjun.
"Ahm.. kwento ko na Lang sa inyo pare kapag ok na. Ahmm.. Pare, asan si Roni? "-seryosong tanong nito Kay Yuan.
" Hayun nasa bahay. Masama daw ang pakiramdam.Ewan ko ba dun.!"-sagot muli ng kanyang Kuya Yuan.
" Hinahanap ka sakin eh,bakit Kasi Hindi ka nagpapakita" -dugtong pa ni Yuan.
Humugot nang malalim na buntong-hininga si Borj bago umupo sa sofa.
"Siyempre pare.ayoko naman na ako na naman 'yung magiging dahilan ng away nina Roni at Basti."-malungkot na paliwanag nito.Halatang matamlay ang boses nito pati ang anyo.
"Eh paano Naman napasok sa usapan si Basti?".-takang tanong Naman ni Jelai.
" Eh di ba nagkaayos na sila?"-sagot nj Borj.
"Borj naman.wala na si Basti noh.Nasa Canada na yun.Naka flight na sila ni tito Ric last week pa."-kwento muli ni Jelai.
" Ha,di nga..totoo ba?!"-tanong muli ni Borj na parang nabuhayan ng dugo.Nakangiti na din ito at napatayo sa sobrang saya.
"Oo Borj naku huling-huli ka na talaga sa balita.Kung ako sa iyo puntahan mo Kaya si Roni sa bahay .Bibigyan Kita Ng 30 minutes para makipag-usap .After 30 minutes uuwi na kami dun para mag lunch"-Tulak ni Yuan sa kaibigan.
(Yun Lang Ang narinig ni Borj at patakbo na itong lumabas ng bahay.Walang paalam at walang lingon-likod itong umalis.Kailangan niyang makausap si Roni.at Mabilis siyang tumakbo at tinungo ang bahay nina Roni.)SAMANTALA lalabas naman si Roni para magtapon ng basura.Nakita Naman niyang papasok sa gate si Borj.Nagulat siya.Kung kelan nga Naman Hindi Niya ineexpect Makita si Borj saka Naman ito pahara-hara sa dadaanan Niya.
SHIT! Sigaw ng utak ni Roni.Matataranta ka na Naman Ba?no way!Hindi dapat.bulong ng isip Niya.Mabilis niyang itinapon ang basura sa basurahan at nagtangka na ulit pumasok sa loob ng bagay pero pinigilan siya ni Borj.
"Roni,sandali!" - hawak nito sa braso Niya.Noon Niya naramdaman ang kakaibang init sa kamay ng binata.Para siyang napaso sa pagkakahawak nito. Pilit siyang kumawala sa pagkakahawak nito.
"Wala dito si Kuya" -halatang irita ang tinig niya.
Pero humarap Naman sa binata.
"Hindi Naman si Yuan ang gusto kong makausap eh,kundi ikaw" -mahinahong Sabi Ng binata.
" Yan ka na naman Borj,dadating ka Lang para mang gulo.Babalik-balik ka,tapos,Hindi ka na Naman magpapakita,tapos Hindi ka magpaparamdam Kung nasaan ka or Kung ok ka Lang ba.Effective Kasi Yung ginagawa mong pagpapamiss eh"-hindi namalayan ni Roni na sa sobrang galit Niya,ang Dami na pala niyang nasabi.At may mga salita na siyang naibulalas na Hindi Naman dapat sabihin sa binata.Pero mukhang Hindi Naman napansin ni Borj Yung mga sinabi Niya.Dahil blangko ang ekspresyon nito at tila naguguluhanan Kung may dapat pa bang sabihin.
"I'm sorry Roni ha,Kung yun ang naramdaman mo" -panimula nito na direkta na namang tumingin sa kanya.
" Mayroon lang akong inasikaso Kaya Hindi ako nakapunta sayo.Saka-sinadya ko talagang Hindi muna tumawag o magpakita sayo"-kwento nito.
" Bakit Naman?!"-mataray pa din na tanong Niya.
" S-sorry Roni ha.Nakita ko Kasi kayo ni Basti nung Gabi na magkausap.Sobrang sweet ninyo nga eh,ang saya ninyo pa nga.Tapos nakita ko pa na -na-niyakap mo siya.Kaya buong akala ko,naayos ninyo 'yung problema.Roni,halos mamatay ako sa selos sa nakita ko.Akala ko Kasi nagkabalikan kayo."-buong tapat na pag Amin ni Borj sa dalaga.
Humalukipkip si Roni saka nangingiting nagsalita.Kinikilig Kasi siya.Ramdam Kasi Niya na nagseselos si Borj Kaya ganun.
"Alam mo Borj,madaming namamatay sa maling akala."-sagot Niya dito.
" Oo nga eh,Alam mo ba na torture para sa akin 'yung mga nagdaang araw na gusto Kong Makita at makausap ka pero pinipigilan ko Ang sarili ko Kasi ayaw Kong makagulo sa inyo ni Basti"-pag-amin muli nito.
(Jusku Roni.Totoo ba ang mga naririnig mo.Nananaginip ka Lang ba.Kaharap mo si Borj ngayon at eto inaamin ang Lahat sayo.feeling mo girl ang haba Ng hair mo noh)nangingiti siya sa isiping 'yun.
"Pero wala na si Basti" -balita Niya dito.
" Oo nga eh.Actually,Kanina ko Lang nalaman."-at ngumiti ito sa kanya.
(OMG Roni...ang ngiting iyon..ang ngiting tila ba kaytagal tagal niyang hinanap at hinintay na Muling Makita.Pero ngayon ramdam ni Roni na mas komportable na siya kapag kausap at kaharap Niya ang binata.Kung pwede nga Lang ba niyang yakapin ito malamang kanina pa Niya ginawa.
"Roni, Tutal waLa na Naman si Basti,baka Naman pwedeng si Borj na lang ang maging boyfriend mo!?"-ngiting-ngiti ito habang nagsasalita.Talagang weakness Niya ang ngiting iyon ni Borj.yung tipong magpapahina ng kanyang mga tuhod.'yung ngiting tipong magpapaamo sa kanya kapag nagagalit,at higit sa Lahat ang ngiting iyon ang patuloy na nagpapabilis ng tibok ng kanyang puso.
"Oh Roni,anong sagot mo.Pwede bang si Borj na lang"-wika ulit nito na nakangiti.
" Alam mo Borj,I think we can talk about it over dinner." -natatawa na Rin niyang sagot dito.
" Talaga Roni??!"-halos mapalundag ito sa sobrang Tuwa.
"' Di ba sinabi ko Naman sayo noon,na next time babawi ako .So,gusto mo ba!?"-nakangiting tanong Niya.
" Aba siyempre noh...game ako diyan Roni".-
At nagtawanan na silang pareho.Ang eksenang iyon ang nadatnan nina Yuan,Missy,Jelai at Junjun."Teka,teka,anong Nangyayari dito ha" -puna agad ng Kuya Yuan Niya pero nakatawa.
"Wala kuya!Jelai,Missy Tara na sa loob,Kain Tayo!"-hila Niya sa mga kaibigan.Iniiwasan Kasi Niya na magtanong si Yuan ng tungkol sa kanila ni Borj eh.
" Anong development dito ha, Borj magtapat ka nga!" -dinig pa Rin Niya ang pangungulit na iyon ng kanyang Kuya Yuan Kay Borj .
"Wala pare,Alam mo Naman na Hindi ako magtatago ng sekreto sa inyo di ba!"- matapat na sagot Naman ni Borj.
" Oh Tara Kain na Tayo.Food is ready " -sigaw ni Missy matapos nilang
makapaghanda ng pagkain .At sabay-sabay na kumain ang magkakaibigan.Feel free to give your comments,suggestions and reactions!
Enjoy reading😁😁😁

YOU ARE READING
💖BORJ💖
FanfictionTo all the readers.. ito po Yung gusto ko sanang maging ending ng G-MiK.. Hindi man Sana laging happy.. at least happy ending naman.. Roni-Borj.. 4-ever.. 💖💖💖