Chapter 17

488 30 1
                                    

Muling bumalik ang sigla at saya ni Roni matapos maayos at mapag-usapan nila ni Borj ang problema.At dahil nalalapit na ang kasal nina Jelai at Junjun,nagpasya silang dalawa na bigyan naman ng time ang mga kaibigan.Stop muna sa work.Enjoy at relax muna at siyempre bigyan na din ng time ang isa't-isa.Sa araw na iyon, nagkasundo silang puntahan si Jelai sa bahay.Simula kasi ng magka problema,hindi na niya ito nagawang puntahan at itanong kung ano ba sana ang isasangguni nito sa kanya.

"Oh,Roni.Borj tuloy kayo!"-ngiting-ngiti si Jelai.Batid nito na nagkasundo na silang dalawa ni Borj at natitiyak niyang masaya ito para sa kanilang dalawa.

"Mabuti naman at ok na ang sister ko,siguro naman eh pwede na akong magtanong sayo di ba Roni?"- nakangiti pa rin si jelai.Nasa loob na din pala ng bahay sina Kuya Yuan,Missy at Junjun.Medyo nahihiya pa siya at naiilang na ipakita sa mga ito na magbfgf na sila.Pero ewan ba niya kung bakit,napakataklesa ni Junjun.Hindi niya inaasahan ang magiging tanong nito.

"Roni ,Borj,baka may gusto kayong aminin samin"- at gumuhit ang mapanuksong ngiti nito.

Hindi niya alam kung nag-blush ba siya sa harap ng tropa.basta ang alam kasi niya,hindi siya sanay sa mga ganung biro.

"Ahmmmm.Guys,siguro naman alam ninyo na."-sagot na lang niya.

"Oo nga guys alam ninyo naman na kami na ni Roni"-salo naman ni Borj at nagulat siya nang hawakan nito ang kamay niya.Nahiya tuloy siya siyempre andun pa si Kuya Yuan kaya talagang naiilang siya ng sobra.

"Oh basta 'wag mo lang lolokohin 'yang kapatid ko,wala kang problema sakin Borj."-nakangiting sagot naman ng kuya niya.At nagtawanan ang buong tropa.Para siyang nabunutan ng tinik sa sinabing 'yun ng kapatid.Malinaw na sa kanya na talagang boto na si Kuya sa relasyon nila ni Borj ngayon.

"Eh..teka sis"-sabay tingin niya kay Jelai."Ano nga ba 'yung ipapakita mo sakin?"-muling tanong niya.

"Eh kasi sis,ikaw 'yung may taste pagdating sa bouquet,ipapakita ko lang sana sayo kung alin kaya 'yung magandang bouquet para sa wedding"-at ipinakita nito ang brochure kung saan makikita ang iba't-ibang arrangement.

"Teka B-bakit ako..ikaw 'yung bride so dapat ikaw 'yung pumili"-wika ni Roni sa kaibigan.

"Eh kasi nga sis,alam ko na mas ok ang taste mo kesa sakin...Bouquet Expert ka kasi...'Diba ikaw yung nakasalo nung bouquet ni Tita Marla nung kasal nila ni daddy."-natatawa pang wika ni Jelai.

"Oo nga Roni,saka itong si Borj"-dugtong naman ni Junjun.

"Ano namang connect nung pagpili ko ng bouquet para sa wedding mo sis ,dun sa pagsalo ko sa bouquet nung kasal nina Tita marla"-kunot noong tanong niya.Pero natutuwa siya sa mga kaibigan.Kahit pala ilang taon na ang lumipas,naaalala pa rin pala ng mga ito ang mga ganung moment sa buhay niya.Nag flashback na naman 'yung dating kilig sa puso niya noong panahong 'yun.At dahil sa isiping yun,may malikot na idea na naisip si Roni.

(Kung anuman 'yun....samin na lang muna ni Roni).

Matapos ang ilang oras na masusing pagpili para sa bouquet ng bride na si Jelai,nagkaroon din ng unity ang desisyon nila kung alin ang maganda.Inabot na sila ng lunch.Nakakamiss ang samahang iyon.'Yung puno sila ng tawanan at biruan.Nung mga bata pa sila,madalas nagkakaroon din ng problema ang samahan nila.Pero sabi nga,walang problema ang hindi nalulutas sa magandang-usapan.

Kasalukuyan silang kumakain nang makarinig sila ng boses sa may pintuan ng bahay nina Jelai.

"Hello Guys"- sabay-sabay silang napalingon sa pinanggalingan ng boses.Lahat ay nagulat nang makita kung sino ang dumating.

💖BORJ💖Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt