Chapter 11

568 29 0
                                    

Maagang nagising si Roni sa araw na iyon. pero Hindi muna siya lumabas ng kanyang kwarto. Nakangiti niyang pinagmasdan ang gwapong mukha ni Borj na nasa picture frame. Hindi na 'yun nakataob ngayon. Maayos na ulit itong  nakalagay sa side table ng kama Niya.
"Goodmorning Borj" -nakangiti niyang bati sa  picture ng binata. Nasa ganun siyang sitwasyon nang marinig Niya ang katok sa kanyang kwarto.
"Uy Roni labas na diyan,magbreakfast na Tayo" -sigaw na Naman Ng kuya Niya.Binuksan Niya ang pinto at ngumiti sa kapatid.
" Goodmorning kuya" -bati agad Niya.
"Wow.Mukhang maganda ata Ang gising nitong dear sister ko ah," -at nakatawa itong umalakbay sa kanya.
" Tara Kain Tayo"-sabay hila nito pababa ng hagdan.
" Kuya saglit lang may sasabihin pa ako" -pilit siyang kumawala sa pag-kakaalakbay ng kapatid.
"K-kuya pwede bang favor ulit" - naiilang na  -panimula Niya.
" Ano na Naman"-kunot noong tanong ng kapatid.
" Pwede bang 'wag muna akong  pumunta sa resto" -sa wakas ay nasabi Niya.
"Ano na Naman ba 'yan Roni,'wag mong sasabihin sakin na maglilinis ka na Naman Ng bahay,ano pang lilinisin mo?"-wika ni Yuan.
" Hindi..Hindi Naman ako maglilinis eh.ganito Kasi yun kuya.Ahm...pero I promise mo sakin na Hindi ka magagalit."-pakiusap agad Niya.
" Eh ano ba 'yun ha." -
"K-kasi kuya,ahmmm...Si Borj Kasi eh-"medyo nahihiyang Sabi Niya.
" Oh ano Naman ang problema Kay  Borj" -seryoso na namang tanong ng kanyang kapatid.
"Di ba nagyaya siya dating mag dinner,Kaso na reject ko Naman siya.Ok lang ba sayo Kung,,k-kung pagbibigyan ko siya tonight"-nahihiyang paalam niya sa kapatid.
Nakita niyang sumeryoso ang kapatid.Akala Niya aasarin siya nito.Muli itong umalakbay sa kanya at niyaya siyang umupo sa may hagdan.
"Natatandaan mo ba nung mga Bata pa Tayo,ayaw ko na liligawan ka Niya.sinapak ko pa nga 'yun eh.kasi ang bata ninyo pa.Ayaw Kong masasaktan ka,or lolokohin ka ng kahit sinong lalaki.Kahit pa ng Bestfriend ko.Pero ngayon Roni,nakita ko si Borj Kung paano nag grow bilang  tao.Napakabuting tao ni Borj.Nagtataka din nga Lang ako bakit parang Hindi Rin swertihin sa love life 'yun eh.Baka Naman ikaw Lang talaga ang hinihintay Roni-"
" So payag ka na mag date kami?!"-
" Oo naman.ok na ok sa akin.Kung...Kung magkakasundo kayo,Kung may nararamdaman kayo sa isa't-isa,Hindi ko na kayo pipigilan pa.Kasi nasa tamang edad ka na Roni.Ikaw na lang ang makakapagdecide ng Tama para sa sarili mo".-seryosong Sabi nito sa kanya.Parang gusto niyang maiyak sa sinabi ng kapatid.
"Salamat kuya" -at akma Niya itong yayapusin at halikan nang biglang-
"Teka mamayang Gabi pa Naman yun di ba,so  bakit aabsent ka pa" -takang tanong ulit nito.
" Eh Kasi Kuya,kaming mga babae kapag makikipag date sa mga lalaki dapat beauty rest.para relax ang beauty.Para maganda kami sa paningin ninyo.Para Hindi mukhang pagod"-natatawang paliwanag Niya.
" Ganun ba 'yun.Sus,sabihin mo excited ka Lang".-kulit ni Yuan
"Hindi ah"- at hinabol na niya ang kanyang Kuya Yuan pababa ng hagdanan.

Pagkaalis nina Yuan agad siyang pumasok ng kwarto at hinagilap ang mga dress na pangmalakasan ika nga.Isa-isa niya itong itong isinukat at tiningnan mabuti kung bagay ba sa kanya o kung perfectly fit.Talagang ilang oras ang ginugol ni Roni para lang sa paghahanap ng dress na sa tingin niya ay magpapaganda sa kanya sa paningin ni Borj.Hanggang sa nakatagpo naman siya ng dress,na sa palagay niya ay akmang-akma sa kanya.

"How about my hair?"-tanong niya sa sarili habang nananalamin at tinitingnan kung ano kaya ang magiging pinaka magandang ayos ng buhok niya.

"Oh my God kailangan ko pa bang magpa-parlor.-" natatatarantang tanong niya sa sarili.

"No need Roni"--sagot ng kabilang utak niya."Mas gusto ng lalaki ang mga babaeng simple.Sabi nga nila,Simplicity is beauty".-

"Pero Roni si Borj iyan.Pagdating kay Borj hindi dapat tipidin ang ganda.''-sigaw naman ng kabilang utak niya.

Haiiiii ano ka ba Roni, makikipag-date ka lang pero ang laki ng problema mo.Tama bang magbaliw-baliwan ka para lang sa damit at buhok mo.Determinado siyang tumayo at saka nagsalita sa harap ng salamin.

💖BORJ💖Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon