Vingt

71 2 2
                                    

"Nay aalis po ako, parating na rin naman po si Danlia para samahan ako" paalam ko kay Nay Solia, pupunta kasi kaming mall para bumili ng regalo. December 24 na kaya iilang oras na lang ang natitira para sa pagsapit ng pasko, hindi kasi ako maka hanap ng panahon para bumili ng regalo para sa mga katulong, pamilya at lalo na kay Brix, mabuti ma lang at tulog pa ito dahil iinabot siya ng madaling araw sa pag tatrabaho. Sinabi niya kasi na hindi na raw siya papasok hanggang sa mag bagong taon dahil oras daw namin iyon para magpahinga at mag enjoy.

"Sige, sasabihan ko na lang ang iyong asawa. Mag iingat ka ha?" tinanguan ko ang matanda bago lumabas ng bahay, sandali lang akong nag hintay hanggang sa may tumigil na taxi sa harap ko, pumasok ako roon at nakita ko na busy si Danlia sa pag kakalikot ng phone niya.

"Ano ba 'yan? Mukhang busy na busy ka a?" sabi ko rito.

"May chinecheck lang, marami ka bang bibilhin? Kung kailan desperas na ng pasko tiyaka mo lang naisipan mamili ng regalo."

"Masiyado kasing busy at alam mo naman na wala sila manang noong mga nakaraang araw kaya walang tatao sa bahay. Huwag ka ng mag reklamo bibilhan din naman kita ng regalo." natatawa kong saad, nag bago kasi ang reaksyon nito nung sinabi ko na bibilhan ko rin siya.

"Manong pakibilis nga po nang makabili na kami ng regalo." mas lalo lang akong natawa sa sinabi nito sa taxi driver, kahit kailan talaga ay hindi ito nahihiya.

Lumipas ang limang minuto at nakarating din kami agad sa mall, sobra ang binayad ko sa driver akmang susuklian pa nga ako nito pero tinanggihan ko lang din at sinabing pamasko ko na para sakan'ya, nakasanayan ko na kasing tumulong tuwing pasko at mas lalo na 'yung pag babalot ng regalo.

Inabot lang kami ng halos dalawang oras sa pamimili ng regalo para sa pamilya ko at ibang kaibigan pero hanggang sa ngayon ang pinaka mahalagang tao na kailangan kong regaluhan, hindi ko pa nabibilhan. "Ang sakit na ng paa ko, Francine. Ano ba kasing bibilhin mo para sa asawa mo ha?" hindi ko naman masisisi si Danlia sa pag rereklamo kasi miski ako ay pagod na rin sa pag lalakad.

"E kung nag susuggest ka sana ng pwedeng bilhin edi na tulungan mo ako? Pagod na rin ako pero gusto ko talagang bilhan si Brix ng regalo." napabuntong hininga si Danlia at nag isip kagaya ng kanina ko pang ginagawa.

"Ayst! Dapat 'yung may effort para damang dama ng asawa mo, ang kaso ano bang pwede?" suhestiyon nito.

"Effort? Wala rin akong maisip e!" bagsak ang balikat na sabi ko, ayoko naman kasing regaluhan si Brix ng wrist watch, damirt, sapatos at kung ano ano pang materyal na bagay na kayang kaya niya namang bilhin. Gusto ko 'yung bagay na ibibigay ko ay 'yung wala pa siya, hindi naman required 'yon pero iba ang epekto sa tao.

"Katawan mo na lang kaya?" kamuntikan ko ng maibuga ang iniinom kong milktea dahil sa sinabi niya. Ramdam ko rin na pinamulahan ako ng pisngi, we made love a lot pero hindi parin ako nakakalimot sa kung paano namin ginagawa iyon.

"Napaka galing mo talaga mag suggest ano? Nakakatulong ng sobra..." inirapan ko ito samantalang tawa naman siya ng tawa.

"Magandang regalo naman iyon kung sakali, kahit itanong mo pa sa mga lalaki iyon paniguradong sasangayon sila." pabiro ko siyang hinampas sa braso.

"Na try mo na ba? Ikaw ha! Baka mamaya buntis ka na kaagad dahil diyan sa mga nalalaman mo." mas lalo lang siyang natawa sa sinabi ko at kumapit na lang sa braso ko.

"Alam ko na!" lumingon ang iilang tao sa gawi namin dahil sa ginawang pag sigaw ni Danlia kaya ngumiti ako humingi na lang sakanila ng paumanhin, may pagka baliw din itong si Danlia bigla bigla ba namang sumisigaw akala mong may kaaway.

"Ano ka ba! Ang dami tuloy lumingon."

"Tara doon sa Jewelry shop may nakita akong karatula" sana naman sa pagkakataong 'to mabilhan ko na talaga ng regalo si Brix dahil kanina pa man din ako nito tinatawagan at pinapauwi.

Chasing YouWhere stories live. Discover now