Vint-huit

59 2 0
                                    

"Ok na po Ma'am, Sir." mahinhin na sabi ni Jeseah, tinignan ko ang pulso namin ni Brix kung saan naka tattoo 'yung alibata.

"Hala! Kuhang kuha talaga!" manghang sabi ko kaya pinamulahan ito ng pisngi, kung kapatid ko lang siya paniguradong magkaibang magkaiba kami ng ugali.

Nag bayad at nag pasalamat kami bago tuluyang lumabas, kumain din kami sa isang takoyaki stall na nakatayo sa field kasama ang iba pang food stall. Sobrang sarap lang ng pag kain nila kaya gusto kong balik balikan. Pag katapos no"n ay inubos na talaga namin ang lahat ng oras sa pag tatry ng iba't ibang booths na pwede pa naman sa age namin. Umuwi kami ng may ngiti sa labi, masasabi ko na nag enjoy talaga kami.

"Napagod ka ba?" tanong nito sa'kin, hindi ko na ito sinagot pag kapasok namin sa loob ng kwarto dahil isinalampak ko ang sarili sa kama. "Take a shower" utos nito kaya tinatamad akong tumayo at nag tungo sa banyo para maligo.

"Brix! Towel!" sigaw ko mula sa banyo dahil na iwan ko pala doon ang towel ko noong nag mamadali akong pumunta sa school.

"Here" kinuha ko ang towel mula sa kamay nito, hindi na ako nag abala pang sawayin siya nang deretso itong pumasok sa loob, we're used to see ourselves naked so it doesn't bother us anymore. Pag katapos ko mag bihis, hinintay ko lang ito at bago kami matulog.

Nagising ako ng mag aala-sais ng umaga, hindi dahil sa asawa ko kun'di sa phone ko na hindi tumitigil kakaring. Hindi naman ako nag set ng alarm dahil din sa pagod kahapon miski nga rin si Brix ay hindi na nag abalang gisingin ako dahil alam nga nito na masiyado kong naubos ang lakas ko sa date namin. Kinapa ko ang phone ko ma nasa tabi lang ng lampshade, malabo pa ang paningin ko kaya kinailangan ko pang kusutin ang mata pala makita ang caller.

"Mommy?" takang tanong ko sa sarili, hindi naman kasi ako nito tinatawagan ng ganito kaaga at kadalasan ay tumatawag lang ito pag may kailangan, okasyon o problema. Dapat na siguro ako mamili ng raso sa tatlong bagay na nasabi ko.

"Francine, may problema" napapikit ako ng mata dahil sa bungad nitong saad mula sa kabilang linya, hindi nga ako nag kamali.

"Ano po 'yon?" tumayo ako para pumunta sa banyo at nang makapag hilamos na rin.

"We need money" napahinto ako sa pag lalakad dahil sa sinabi nito.

"Money? For what, Mom?" may pera kami mula sa kompanya kung saan si Dad ang namamahala. Kaya hindi ko nakaligtaang isipin na baka may kung anong nangyari kay Daddy.

"Ang Daddy mo kasi ay nakapay invest ng sobrang laking pera but he get scammed." napaawang ang labi ko dahil sa sinabi nito, hindi nanaman na ako nagulat doon dahil kilala ko na sila. Basta pag dating sa pera at may kalakihan ang halagang matatanggap nila hindi na nila pag iisipan pa. Isa na nga rin 'yung pag papakasal namin ni Brix, dapat ang pamilya ng lalaki ang pupunta sa bahay pero nabaliktad. Agaran kasing nag desisyon sila Mommy na pumunta kila Brix, hindi ko na nga napigilan lalo na noong nalaman nila ang apilyedo ng asawa ko.

"Po? Hindi niyo ba nacheck muna 'yung company na pinag investan niyo? Mommy naman kay—" napatigil ako sa pag sasalita dahil lumalabas nanaman ang ugali ni Mommy na tinatago niya sa tuwing kasama ko si Brix.

"Sinisisi mo ba sa'min ang mga nangyayari? Dahil ba maayos na ang buhay mo kasama si Brix, gan'yan na ang iuugali mo?! Just help us, Francine!" napayukom ako sa kamao ko, I don't have any choice but to help them.

"Mag tatransfer po ako ng pera sa account ni Daddy, mag kano po ba ang kailangan?" mahinahon kong tanong dito.

"35 million" kamuntikan ko ng maibagsak ang phone ko dahil sa sagot nito, I don't even have five million.

"Ang laki naman po ata..." hinanda ko na ang sarili sa susunod nitong sasabihin, money can easily change her behavior and no one can handle that.

"Nasaan ang pera na kinikita mo sa museum? Pati ang pag bebenta sa mga sculptures mo? If you can't remember, we are the one who supported you to pursue that nonsense job!" sinuportahan nila ako nung pumunta ako sa France dahil kinunsulta ko sila kasama ang mga parents ni Brix kaya paiguradong papayag sila pero noong pag dating ko sa France, na pressure ako nang pilitin nila akong balikan si Brix. At iyon ang dahilan kung bakit pinutol ko na ang koneksyon namin, iyon din ang dahilan kung bakit ako masiyadong na stress at nauwi sa depression.

"Ga-Gawa po ako ng paraan" namuo ang luha sa mata ko nang mag balik nanaman lahat ng pinag daanan ko sa France.

"We need it asap, to make it easier for you, get money from Brix." pinatay ko ang tawag at tuluyan nang dumeretso sa banyo para makapag bihis.

"Iha hindi ka ba muna mag aagahan?" tanong sa'kin ni Nay Solia.

"Nag mamadali po kasi ako Nay" sagot ko rito, kailangan ko kasing tignan ang pera sa bangko at kailangan ko ring isipin kung anong pwede kong gawin para makahanap nang idaragdag sa pera na kailangan ng pamilya ko.

"Bumalik ka ng tanghali rito ha? Sabihan mo rin ang asawa mo na umalis ka, parehas kayong hindi pa nag aagahan." tumango na lang ako sa sinabi nito bago kuhain ang phone sa bulsa para mag tipa ng mensahe.

Good Morning Baby! Pupunta ako ng bank today! Ichecheck ko lang 'yung account ko. Make sure you're going to eat your breakfast there! Hindi pwede 'yung coffee lang.

Binalik ko ang phone sa bulsa bago nag abang ng taxi para maihatid na ako sa bangko. Nag sabi na rin ako kay Danlia na hindi ako papasok at ang dinahilan ko ay masama ang pakiramdam ko. Hindi ko naman na kailangan pang isama sila sa problema ko.

Inabot pa ako ng isang oras dahil sa sobrang haba ng pila, nakalimutan ko kasi kanina na kailangan ko na palang iwithdraw ang pera ko dahil kailangan na daw ang pera. Hindi ko man alam ang eksaktong pangyayari kinakailangan ko paring sundin si Mommy, kapag sinabi niya kasing problema, problema talaga.

Lalabas na sana ako ng Mall kung nang mapadaan ako sa isnag botique at may nakita akong isang pamilyar na babae. Mabilis ang lakad kong tinungo ang kinaroronan niya at tama nga ang hula ko. "Ithalia!" hindi lang ito ang napalingon sa'kin pati rin ang iilang customer.

"What?" nakataas ang kilay nitong tanong sa'kin. Marahan kong kinuha ang dress na hawak hawak niya at binigay iyon sa nag aassist bago siya hilahin palabas. "What the hell is your problem?!" iritable niyang saad at piniglas ang kamay kong nakahawak sa pulso niya.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" nanatili akong mahinahon kahit inis na inis na ako, pa'no niya nagawang mamili pa ng mga bagay bagay kung ang kompanya namin ay may posibilidad ng mawala.

"Bumibili lang naman ako ng damit, sorry ha? Hindi mo kasi ako kagaya, kung ako sa'yo mag ayos ayos ka na kasi baka mamaya o sa makalawa wala ka nang aabutang asawa" napagiit ako dahil sa sinabi nito, pati ba naman sa ganitong sitwasyon si Brix parin ang iniisip niya na ngayon ay asawa ko na?

"Pwede ba Ithalia?! Hindi si Brix ang tinutukoy ko ngayon! Wala ka bang alam tungkol sa company natin?!" kahit galit na ay pinilit ko paring gawing mahinahon at kalmado ang boses ko.

"Oo alam ko kung anong nangyayari! 'Diba dapat sarili mo lang ang pinapakialaman mo? You need to find money as soon as possible, Ate..." diniinan niya ang huling salita na sinabi, alam ko na ako ang panganay sa'ming dalawa pero hindi lang naman ako ang obligadong saluhin lahat ng problema.

Bago pa man ako makasagot sa sinabi nito, nag simula na siyang mag lakad papalayo. When will she stopped acting like a princess? Anak rin naman ako nila Mommy pero bakit kailangan nila akong ituring na parang alipin rito. Kulang na lang ay isipin ko na ako si Cinderella in true life. Marami akong pinuntahan na bank na kung saan pwede akong humiram ng pera pero halos lahat hindi pwede dahil hindi naman daw sila nag papahiram ng gano'n kalaking halaga ng pera. Halos mag dilim na nung maisipan kong umuwi ng bahay, nakalimutan ko nang kumain kaya nanghihina na rin ako.

"Francine, narito ka na pala. Umakyat ka muna sa kwarto niyo at kanina ka pa hinahanap ni Brix." bungad sa'kin ni Nay Solia. Tinanguan ko na lang ang matanda dahil sa pagod, mahabang buntong hininga ang pinakawalan ko matapos huling hakbamg sa hagdan sa taas. Pinihit ko ang sendura ng kwarto namin at nakita ko si Brix na palakad lakad habang nakatapat sa tenga nito ang phone niya.

Chasing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon