Quarante-cinq

81 2 0
                                    

Nang unti unti akong makalayo mula sa bahay dahan dahang rumehistro ang sakit sa puso ko, napaupo ako sa gilid ng daan kaya mabilis kong kinuha ang phone ko na nasaloob ng bag ko. Idinial ko ang number ni Brix at hinintat siyang sagutin iyon.

"Baby?" tumikhim ako bago ko siya sagutin.

"Sunduin mo ako" bakas sa boses ko ang panginginig kaya hindi na ako mag tataka kung mag aalala iyon sa'kin.

"I'll be there" narinig ko ang pag tunog ng phone ko dahil binaba nito ang tawag.

Makalipas lang ang ilang minuto, may huminto na sasakyan sa harapan ko kaya napatayo ako. Akala ko hindi si Brix 'yon dahil ibang sasakyan ang dala nito pero nang bumukas nag pintuan at iniliwa siya patakbo ko siyang tinungo at niyakap. Umiyak lang ako ng umiyak sa bisig nito.

"Tell me what happened to you" malambing nitong tanong habang hinihimas ang buhok ko.

"Ang saya at ang sakit, Brix"

"Why? Sinong nanakit sa'yo?"

"Alam ko na ang dahilan kung bakit n-namatay ang anak natin dati, pinagtanggol at pinaglaban ko 'yung sarili ko sakan'ya Brix. Sinabi ko n-na hindi pa kami ta-tapos, ipaglalaban ko ang a-anak natin." mas humigpit ang pagkakayakap nito sa'kin. Nanatili kami sa gano'ng posisyon hanggang sa tuluyan ko ng naikalma ang sarili.

Habang nasa biyahe pauwi sa bahay naikwento ko sakan'ya lahat ng nangyari, sinabi nito na huwag akong maging madalos dalos.

------------

Lunes ng umaga, maaga kaming nagising para bumiyahe papuntang isla. Saglit lang kami dahil hindi kami sumakay ng barko kun'di sa helicopter na isa sa pag mamayari ni Brix, hanggang saan na kaya ang naabot ng kayamanan niya?

"Mama pupunta kay Lola Mina?" tanong nito sa'kin habang nilalaro niya ang buhok ko, paharap kasi itong nakaupo sa hita ko.

"Oo mahal, tapos babalik din tayo sa bahay pero kasama na si Nanay" paliwanag ko sakan'ya. Napatango ito sa'kin at pinag patuloy ang ginagawa niyang pag tatali sa buhok na buhol naman talaga.

"Kinakabahan ako" rinig kong saad ni Brix kaya napalingon ako rito.

"So nararamdaman mo na rin 'yung naramdaman ko nung pumunta tayo kila Mommy?" mas lumukot ang mukha nito dahil sa sinabi ko, totoo naman kasi! Nakakakaba lalo na't parehas kaming may ginawang mali na maaring maging dahilan ng pag kaayaw nila sa'min.

"Bawiian ba 'to?" natawa ako sa sinabi niya. Bumaba ang sinasakyan namin sa tabing dagat, doon lang kasi ang patag na daan.

"Halika na, paniguradong hindi alam ni Nanay na nandito tayo." binuhat ni Brix si Gwen bago kami nag lakad papunta sa bahay. Hindi na ako mag tataka kung maraming mata ang nakamasid sa'min, halos buhay probinsiya ang pamumuhay ng mga tao dito kaya hindi sila sanay na makakita ng isang tao na sa itsura pa lang alam mo ng may kaya sa buhay.

"Jasmine nakabalik ka na!" sigaw ng isang kapit bahay namin kaya nginitian ko. Nag silabasan na rin ang iba para makita kung sino ang kasakasama ko.

"Mina! Ang anak mo ay nandito na, lumabas ka na riyan!" habang nang bubuksan ko na ang kahoy na gate namin bigla namang lumabas si Nanay. Patakbo akong tinungo nito kaya sinalubong ko siya ng yakap.

"Ang anak ko" hawak nito ang mag kabilaang pisngi ko. Umatras ako para makita nito sila Brix, mabilis namang gumalaw ang asawa ko dahil nang makalapit ito kay Nanay. Nag mano si Gwen sa lola niya na sinundan naman ni Brix. "Ito na ba ang asawa mo anak?" tumango ako, kitang kita ko ang tensyon na nararamdaman ni Brix, may iilang butil pa ng pawis sa sentido nito.

Chasing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon