Quarante-trois

84 1 0
                                    

Nang umalis ang matandang mag asawa sa harapan namin kasama si Gwen doon lang ako nag karoon ng paraan para sawayin si Brix pero ang loko ay tatawa tawa lang.

"What's the problem with that?" nakangisi nitong tanong sa'kin.

"Siraulo ka talaga, pa'no 'pag nakita nila 'yon ha?" pinalo ko pa ito sa braso pero parang wala naman itong naramdamang kahit ano.

"Mag asawa tayo, Francine. Walang masama sa ginawa ko sa'yo, kung tutuusin ay pwede pa nga tayong gumawa ng bata dito mas matutuwa pa sila Mommy" napairap ako at tumayo na lang para sumunod kila Gwen.

"Hey! I'm just kidding okay? Pero kung gugustuhin mo ay ayos lang din naman sa'kin"

"Tumigil ka nga!" nakarating kami sa sala.

Pag dating ng hapon ay nakatulog na si Gwen kaya niyaya na rin ako ni Mommy sa kusina para mag luto ng meryenda. Naabutan namin si Nay Solia at Diday doon na nag hahanda na ng mga gagamitin namin.

Gagawa kami ng crepe cake na palaging ginagawa ni Mommy, tuturuan niya rin daw ako para kapag nagustuhan ni Gwen ay pwede ko na itong gawan.

"Nay Solia, nasaan po si Alicia?" tanong ko rito, kung kanina kasi ay nakapag usap na kami ni Diday si Alicia naman ay nawawala. Simula rin noong dumating kami kanina sa bahay ay hindi ko na rin ito nakita.

"Nako kasabay mong nawala iyang si Alicia buong akala ko nga ay mag kasama kayo pero nakita ko siya noong namalengke ako, malaki ang tiyan. Mukhang buntis nga ata pero may kasama ng lalaki, hindi ko nga nakamusta kahit sandali." napatango na lang ako sa sinabi nito.

Inabot kami ng halos mag dadalawang oras na rin sa paggawa at kalaunan ay nagising na rin si Gwen kaya pinatikim na namin rito ang cake. Nakakatuwa naman dahil nagustuhan niya iyon.
.
.
.

"Sa'min muna matutulog itong apo ko ha? Huwag kang mag alala dahil maaga na rin naman kaming natutulog gawa ng pagtanda."

"Sige po, susunod na rin ako sa kwarto ni Brix." dapat sa guests room kasi kami matutulog pero nasabi ni Mommy na pinalinis niya raw ang kwarto ni Brix kaya doon na kami tumuloy, tapos na kami sa pagkain kaya mag hahanda na sa pag tulog.

"Kumuha ka na lang ng pamalit sa cabinet, naihanda ko na ang bathtub para sa'yo." saad ni Brix pag kapasok ko pa lang sa loob nang kwarto.

"Ikaw na lang ang mauna, dadalhin ko pa itong damit ni Gwen sa kwarto nila Mommy" damit lang ni Gwen ang tangi kong nadala dahil wala naman sa plano namin na dito matutulog. Palaging may pamalit si Gwen dahil ayoko siyang matuyuan ng pawis, kaya heto ako kailangang manghiram ng damit kay Brix.

"Ako na ang mag dadala, take a shower" wala akong nagawa nang inusog ako ni Brix papasok ng banyo. Napabuntong hininga ako at sinimulan na ang pag hubad ng damit bago lumusong sa bathtub. Maligamgam ang tubig kaya nakakarelax.

Pinikit ko ang mata kaya hindi ko na narinig ang pag tunog ng pintuan "Is it relaxing?" napamulat ako ng mata at awtomatikong napalingon kung saan nanggaling ang boses na 'yon.

"Brix!" napatayo ako ng hindi man lang iniisip na wala akong suot na saplot.

"Woah! Are you really showing your naked body?" dahil sa sinabi niyang 'yon ay bigla akong nag madaling gumalaw kaya kamuntikan pa akong madulas mabuti na lang at mabilis nitong nahapit ang bewang ko.

"Muntik na ako!" singhal ko rito, natawa naman siya bago inayos ang pag kakatayo ko.

"Hindi kita ipapahamak, Francine"

"Umalis ka na nga, bakit ka ba kasi nandito?" masungit kong saad bago bumalik sa pag kakaupo sa bathtub at hinayaang matakpan ng tubig ang hubad kong katawan.

Chasing YouWhere stories live. Discover now