Chapter Thirteen: Trending

78 3 2
                                    

KATULAD nga ng inaasahan ni Mavis, walang masyadong tao sa mall, sandali lang na ipinataas ng security ang suot niyang facemask at bullcap. Hindi kaila na agad na nakilala siya ng mga guard at binigyan siya ng maluwang na ngiti na isiniukli din niya.

Hindi rin binitawan ni Anthony ang kamay niya kahit na pilit niyang binabawi, kaya kahit na nasa pila sila ng babae ay hinayaan na lang ito ng mga security guard tutal naman kasi ay walang masyadong tao. Tatawa-tawa na lang ang mga gwardiya sa ginawa nito.

Pero ilang hakbang pa lang ang nagagaw nila papasok sa mall ay pinagtitinginan na sila ng mga tao. Paano naman kasi walang kahit na anong saklop sa mukha ang kasama niya, paano naman kasi hanggang ngayon ay kilala pa rin ng mga tao ito dahil sa viral nitong video pagkatapos ay naging laman opa ito ng mga media sites pati na rin ng dyayo dahil sa pag-amin niya sa relasyon nila kuno.

Sa inis niya dahil na rin sa maraming babae ang napapadaan at parang mga tangang naghahakgikan nang malampasan sila, tinanggal niya ang suot na bullcap saka tumingkayad para ilagay ito ang sombrero.

Nakataas ang kilay na sinulyapan siya nito pero hindi naman ito nagreklamo sa ginawa niya saka siya hinatak sa may women's section.

Tumapat sila sa isang rack na puro pantalon kaya nagtatakang napatingin siya dito. "Choose," sabi nito.

"Komportable ako sa shorts." Katwiran niya.

"Hindi ako komportable na nakatingin sila sa sa'yo."

"Wala ka nang magagawa, maganda talaga ko."

Napapalatak na lang ito sa katwiran niya at basta na lang kumuha ng isang pantalong maong sa rack saka hatak-hatak siya papunta sa counter. Binayaran ang hawak at nang maiabot ito rito ng cashier hindi nakaila sa kanya ang maluwang na ngiti ng babae pero hindi naman 'yon pinansin ng kasama niya at saka dinala siya sa may pinakamalapit na C.R.

"Change." Utos nito sa kanya sa huli ay hinayaan na lang niya 'to tutal namna pinagbigyan siya nito na doon sila pumunta sa MOA ay quits na lang sila kapag nagkataon.

Kaso akmang aalis na siya nang mapansin niyang hawak pa rin nito ang kamay niya. Itinaas niya 'yon para mapansin nito ang problema, kita niya ang pagdadalawang isip sa mga mata nito bago nito binitawan ang kamay niya.

Iiling-iling napumasok na siya sa women's CR pagkapasok niya sa cubicle ay tinignan niya ang binili niotng pantalos and for some reason iyon ang size niya. Napataas na lang siya kila saka nagkibit-balikat, tinanggal na muna niya ang isinuot na jacket ni Anthony bago 'yon sinabit saka ang shorts niya saka nagbihis ng pants na binili nito.

It is a perfect fit, maganda ang tela saka ang design na hindi na rin siya nakapagreklamo. Inilagay niya ang suot-suot niyang shorts kanina napatingin sya sa jacket ng lalaki for some reason ayaw niyang ibalik 'yon sa kasama kaya sa huli ay muli na lang niya 'yon na isinuot ang beywang niya.

Pagkalabas niya ng CR ay nakita niyang nakasandal lang si Anthony sa pader habang naka-krus ang dalawang kamay sa dibdib. Bahagyang nakayuko ito para hindi masyadong makita ang mukha pero kahit na ganon ay nakakakuha pa rin ioto ng atensyon sa kahit na sinong naglalakad.

Pero dahil na rin siguro sa presensiya nitong ayaw makipagusap sa ibang tao walang magawa ang iba kung hindi ang tahimik na titigan na lang ito sa malayo.

"Let's go?" aniya.

Kaswal lang na kinuha nito ang dala niyang paper bag saka muling hinawakan ang kamay niya palayo.

"Saan mo gustong pumunta?"

Sandali siyang napaisip, sa totoo lang ay mainit pa sa labas kaya hindi pa sila pwedeng pumunta sa seaside. "Hmm, let's go on an arcade."

Perfectly Loving youOnde histórias criam vida. Descubra agora