Chapter Sixteen: Post

64 6 0
                                    

UMIKOT na lang ang mga mata ni Mavis nang mabasa niya ang mga negative comments na nakita niya sa comment section ng kakapost niyang picture. May shooting kasi siya ngayon kaya hindi niya agad nakita ang sinabi ng mga followers niya.

Hindi na niya pinansin pa ang mga sinasabi ng bashers niya as she scrolled up on her phone. Natigilan siya nang makita niya ang isang followers niya na nagtatanggol sa kanya. Hindi niya maiwasang mapangiti nang makita niya ang kung sino 'to. Hindi niya napansin na nakafollow pala ito sa kanya.

It was Rizza, hindi niya napigilan ang sarili niya na buksan ang profile nito only to see it na naka-private. Hindi na siya nagtataka pa 'don but she like that kind of privacy kung siya nga lang baka ganon din ang gawin niya sa profile niya but she's a public figure. Kaya nag-follow siya dito, wala pa sigurong segundo nang i-accept nito ang request niya.

Napataas ang isang kilay niya nang makitang online pa rin pala ito, isang bagong post agad ang pumasok sa feed niya at nakita niya ang bagong in-upload nito.

Nakita niya ang pamilyar na itsura ng Lounge habang may dalwang bulto na nasa may bar counter Agd niyang nakilala ang bulto ni Anthony at ni Rizza na parang may pinagkakaabalahan sa cellphone na hawak ng mga ito.

Someone got jealous nang makita ang itsura namig dalawa, parang nagpapaturo lang ng social media 'yung tao may selosong Fiance na agad na humarang sa gitna hahahaha

Nang i-scroll niya ang photo ay nakita niya ang tatlo na ang nasa picture at sa tingin niya ang isa ay ang Fiance ni Rizza.

Napatingin siya sa caption

Photo courtesy ni @Renzpogi as much as I hate that freaking username, palitan mo na 'yan huy!

Natawa siya sa kulitan ng mga 'to sa comment kaya naman parang mas gusto niyang doon na lang tumambay kaysa sa mismong wall niya.

Hanggang sa may napansin siyang notification siyang nakita, someone who recently followed her.

Napakunot siya ng noo nang makit aniya ang pamilyat na pangalan ni Anthony. Napansin niyang imbes na mukha nito ang makiktia sa profile pic nito ay ang kamay nitong may hawak na baso ng alak, but te one thing that is most noticeable on his wrist ay ang couple bracelet na ibinigay niya dito.

Napangiti siya, saka agad na napansin na mukhang kakagawa lang nito ng account at ang tanging picture lang na nandon at ang profile picture nito na nakita niya.

Iisang tao lang din finafollow nito at iyon ay walang iba kung hindi siya. Masama bang makaramdam siyang espesyal siya dito? Kahit na ba pareho silang aware na matatapos din ang palabas na 'to ay magpapanggap naman silang wala silang kinalaman sa isa't-isa.

Napabuntong-hininga na lang siya, ano kayang magiging reaksyon niya kung nagkataong ipinakita na nila sa lahat na nag-break na silang dalawa? Baka hindi niya mapansin na totoong luha na pala ang iiya niya kapag nagkataon.

Agad siyang nag follow dito, at kasunod 'non ay naging private na ang profile nito. Na para bang siya lang ang inaantay nito para hindi ito makilala ng fans niya.

Hindi niya alam kung bakit nga ba ganito na lang ang nararamdaman niya pero kahit na papaano ay gumaan ang dibdib niya sa ginawa nito.

Narinig niyang tinawag na sila ng assistant director kaya naman binitawan na niya nag cellphone saka ibinigay 'yon kay Ella. Not knowing na isang panibagong trending na naman ang makikita nila sa social media.

"ANO BA 'YAN!" narinig ni Anthony na reklamo sa kanya ni Rizza pero hindi niya 'to pinansin saka nag scroll sa profile ni Mavis, kung saan halos araw-araw ata ay may bagong post ito.

Perfectly Loving youWhere stories live. Discover now