Chapter Seventeen: Visit

63 9 1
                                    

NAPALINGON ang lahat ng nasa Lounge nang pumasok si Mavis sa loob, pagkatapos ng araw niya ngayong araw ay gusto niyang mag-unwind lalo na at busy rin siya buong araw.

"Si Anthony ba hinahanap mo?" tanong sa kanya si Rizza nang lumapit sa kanya bago siya nito iginiya sa may bar counter kung saan nagmi-mix ng drink si Renz.

Nagtatakang napatingin siya dito, saka inilibot ang tingin niya sa paligid parang walang ideya ang mga 'to kung nasaan nga ba ang kaibigan nito.

Umupo siya saka tinanggap ang inabot sa kanya ni Renz. "Umalis si Anthony papuntang Amerika, hindi niyo ba alam?"

Nakamata lang sa kanya si Rizza at Renz kahit si Dan ay napansin niyang natigilan bago muling ibinalik ang atensyon nito sa ginagawa sa may pool table.

Nagtatakang napatingin siya sa mga ito bago niya sinimsim ang Cosmopolitan drink na inabot sa kanya ni Renz. Pansin niya agad ang pagkakaiba 'non sa drinks na ginawa sa kanya ni Anthony dati pero hindi na niya 'yon pinansin tutal naman masarap pa rin namna ang lasa.

"Just a fun fact," nangalumbaba si Renz sa harap niya saka binigyan siya ng kakaibang tingin, it was as if may alam itong isang bagay na hindi niya alam. "Anthony never, ever have a heart na magpaalam sa'min. Ang katwiran babalik pa naman siya."

"Kabute ang isang 'yon, magpapakita sabay bigla na lang mawawala," gatong pa ni Rizza sa sinabi ng kaibigan nito.

"Well isa lang naman ang ibig sabihin niyan, because he already have a reason to make him stay."

Agad siyang pinamulahang ng pisngi sa ibig nitong sabihin, pero okay lang ba talaga sa kanya ang ganito? Yes, she knows they are in a so called relationship, pero sa kung paano ito umakto at sa paraan ng mga kaibigan nito sa kanya alam niyang wala sa 'ni kalingkingan ng pag-arte niya ang kaya ng mga ito.

Isa pa siya ang klase ng tao na madaling makadifferentiate kung ano ang totoo at sa hindi.

She ust can't help but curse herself as she is getting carried with her emotion right now. Sana lang hindi siya masaktan sa pinaggagawa niyang 'to.

"HEY Ella, may balita ka ba kay Anthony? Magtatatlong linggo na rin simula nang umalis ito iyong social media account namna nito ay hindi naman nag u-update kaya wala siyang ideya kung ano ang ginagawa nito ngayon.

Kasalukuyan silang nasa Van habang papunta sa next shooting location niya para ngayong araw.

"Meron po," napatingin siya sa PA niya habang nagte-text ito sa cellphone nito.

"May balita ka kay Anthony?"

Tumango-tango pa ito sa kanya saka ipinakita nito ang phone kung saan kakatext lang nito kay Renz saka binawi 'yon.

"Ano bang gusto mong malaman Miss? Dahil habang may insider pa tayo,, masipag mag reply ang sira-ulong 'to ngayon."

"Tanong mo 'yung schedule ni Anthony next month alam ba niya?

Sandali itong nagtype sa hawak na phone saka muli siyang binalingan. "Oo daw."

Kunin mo, may bubulabugin tayo pagdating nating Amerika," nakangiting sabi niya sa katabi.

"'Ay bet ko 'yan Miss, surprise inspection," anito saka napahagikgik.

Nailing na lang siya sa sinabi ni Ella, saka tumingin sa labas ng bintana, iniisip niya kung ano nga ba ang magiging reaksyon ni Anthony kapag nagkita sila sa ibang banda nang wala itong kaide-ideya.

NAPABAHING si Anthony pagkatapos niyang tanggalin ang suot niyang helmet.

"That's nasty," narinig niyang komento ng crew chief niya.

Perfectly Loving youWhere stories live. Discover now