Chapter 33

48 4 0
                                    

"Doon na tayo sa meat section," tumango ako kay Kheila at marahang itinulak ang cart para makasabay sa paglalakad niya.

Kasalukuyan kaming namimili ng mga lulutuin para sa mangyayaring party mamaya. Napagkasunduan kasi namin magkaroon ng kasiyahan bago tuluyang maikasal si Kheila. Actually, noon pa raw nila iyon pinaplano pero palaging hindu natutuloy dahil nangangapa rin sila sa pag-uwi ko galing Canada at ngayon na nandito na ako ay matutuloy na.

Pagkuha namin ng meat ay pumunta naman kami sa drink section. Kumuha ako ng soju pero nang mailagay ko sa basket ay ibinalik niya ulit sa pinagkuhanan ko.

"Gaga! bakit soju? Ano ka dalaga?"

"Ayaw ko maghard drink, Khe." pagtanggi ko pero inirapan niya lang ako.

"Walang mag ma-mild, lahat hard." pinal na sabi niya.

Wala akong nagawa dahil siya naman ang magbabayad. Mula nang mangibang bansa ay hindi na ako nasanay sa lasa ng alak. Umiinom lang naman ako ro'n kapag umuuwi sila kuya at may okasyon. Madalas ay kape ang sandalan ko dahil hindi naman ako nagkaroon ng nga kaibigan para lumabas at mag night out. Natuto ako mamuhay ng mag-isa at tangin bahay at school lang at noong nakagraduate at namatay sila lola Minerva ay mas lalo kong ginawang busy ang sarili sa pagtatrabaho.

Nang makumpleto ay siya na ang pinapila ko. Pumunta ako sa cereal section 'tyaka kumuha ng dalawang box ng coco crunch at  apat na malalaking dutchmill. Kung nagdadalang tao ako ay ito ang cravings ko. Pagbalik ko ay nagulat siya nang mag lagay ako ng wala sa listahan. Nginitian ko lang siya bago ko kinuha ang phone ko dahil nag vibrate, nag text pala si Khrystine.

From:Tin

Samahan mo kami sa hospital bukas, susunduin ka namin. I don't take no as answer.

May magagawa pa ba ako? Siya na nag desisyon e. Napa-irap nalang ako at hindi na nireplyan ang kaibigan.

Pagkakuha ng mga pinamili namin ay nagpunta naman kami sa bilihan ng mga pang decoration. Balak kasi namin lagyan ng design ang condo para naman magkabuhay.

"Bakit ba kasi ako ang nahatak mo? Nasaan ang magaling mong asawa?" tanong ko nang pareho kaming hindi makapili ng kulay para sa bibilhin na mga lobo.

"Magiging asawa palang, hindi pa naman kami kasal," sabi niya nang hindi ako tinitignan.

"Tigilan mo nga ako. Buntis ka na at doon din ang punta niyan. Hindi ba't kaya ako nandito kasama mo dahil ikakasal ka na." ngumiti lang siya at mahinang pinisil ang pisnge ko.

Mula nang makarating ay kapansin-pansin ang pagiging madikit sa akin ni Kheila at kahit madaling araw ay binubulabog niya ako para lang makita. Hindi ko tuloy mapigilan mag-isip na baka pinaglilihian niya ako lalo na't nasa first trimester pa lamang siya.

Namili lang siya ng mga letter baloon habang nakasunod naman ako sa kaniya. Nahihilo na ako dito, ha, kanina pa kami ikot nang ikot sa store na 'to at hanggang ngayon ay iilan pa lang ang nasa basket namin.

"Bakit nga ako ang nahatak mo?" inilagay ko ang nakuha kong party poppers sa basket at itinulak 'yon sa direksyon na tinatahak ni Kheila.

"E, kasi nga may inasikaso siya kasama si Jav, gusto kasi namin na ang cafe nila ang mag deliver ng cupcakes sa kasal. Masarap sila gumawa ng cakes dahil madalas kami tumambay doon nila Koleen, alam mo naman, may discount lalo na kapag may kasamang chismis galing sa Canada." nakangiti siya ngayon sa akin at sinamaan ko siya ng tingin.

"Chinichismis niyo ba ako?"

"Ay feeling mahal pa ng ex! Hindi lang tungkol sayo ang chismis na handang pakinggan ni Javris." pinitik niya ako sa noo nguniti hindi nawala ang malokong ngiti sa labi niya. "Miss mo ba? Tagal mo walang balita sa kaniya ah,"

The Game of PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon