Chapter 3

109 12 14
                                    

"KEIFER FYXIER GAVRIEL!"

"DRAKE SEAN XAVIEN!"

"MAZEQUINE ALEJO!"

"LGHEIM XITON ACOSTA!"

"EZEQUILE XEILONE JAVIER!"

"EIZEA MIXTONE!"

"KOLEEN LEIG JIMENEZ!"

Nagising ako sa malakas na ingay ni Khrystine at Kheila sa hallway, mga nagsasalitan at nagpapalakasan nh boses. Hindi ko alam kung anong tama nanaman ang meron sila pero naiinis ako. Umaga na kami nakatulog pero nagsisi-sigaw na sila.

"Ano nanaman ba nakain ng mga 'yan? Ang lalakas na naman ng tama," rinig kong pagrereklamo ng katabi ko na si Eizea at naglagay ng unan sa mukha.

Hindi ako kumibo dahil kahit ako ay hindi ko alam. Hintayin ko nalang na may magreklamo sa kabilang kwarto at hindi nagtagal ay nakarinig na ako ng sigaw.

"Hoy Kheila Denise Rivera at Calliope Khrystine Quizen, kokotosan ko kayo kapag hindi kayo nanahimik, nakakarindi!" rinig ko rin ang pagrereklamo ni Sean na nasa kabilang kwarto.

"Oo nga, dalawang oras pa lang tulog namin kaya manahimik kayo!" sigaw din ng kasama niya sa kwarto na si Lgheim.

"Wala kaming pake," rinig ko ring pagtararay ni Tin.

"Maze, sarado mo pinto gusto ko pa matulog, naririndi ako sa mga 'yan."

Tumayo ako at pikit-pikit na nag-lakad papunta sa pintuan. Pero nang nasa pinto na at isasara ay biglang hinarang ni Kheila ang kamay niya, muntikan ko pa maipit buti nalang ay napigilan ko.

"Bangon bangon mga prinsesa, 11:00 na oh!" inirapan ko siya bago hinila si Eizea pababa.

Nang makarating sa baba ay nagsi-sunod din ang mga lalaki. Lahat kami ay nag-toothbrush muna bago nag punta sa dinning. Naabutan namin na tumatawa si Kheila at Khrystine dahil sa sunog na ham, ang saya saya nilang dalawa, napaka sigla.

"Oh kumain na kayo," nilapag ni Kheila ang kanin sa table.

Umupo kami sa breakfast table at kumain ng hinanda ni Kheila na bacon,ham,hotdog,omelette at brown rice. Habang si Sean naman ay nag se-set up ng music sa speaker.

"May pasok nanaman bukas, kaya huwag kayong magpapaka lasing mamaya sa bahay ni Raizen ha!" Bilin pa ni Koleen bago kami tinapunan ng tingin habang ngumunguya.

"May inuman daw ba?" tanong ni Tin.

"Hello, halos puro lalaki kaya 'yung mga kasama natin, ofcourse may inuman." si Lgheim na ang sumagot habang sinasandukan niya ng kanin si Tin.

Tahimik lang ako habang kumakain at hindi ko sila pinapansin. Ang dami kong iniisip. Paano naging magkaaway si Jav at Raizen? Isa ba si Alyanna sa sinasabi ni Raizen? Mahal niya pa ba si Alyanna? Pinaglalaruan lang din ba niya ako? Ginagamit? Kailangan ko na rin ba gumawa ng plano? Ang daming tanong sa utak ko na hindi ko mabigyan ng kasagutan, At hindi ko alam kung paano sasagutan.

Walang nakakaalam ng totoong rason sa break-up nila katulad ng sa amin ni Javris. At mula nang mag hiwalay si Raizen at Alyanna ay naging malapit sila ni Javris at doon din nagsimula na mawala ang pagkakaibigan nila ni Raizen. So, may nangyari nga na wala akong idea at kasama roon si Alyanna. That means isa talaga si Alyanna sa dahilan kung bakit nasira ang friendship ng dalawa pero sino ang isa? Ako ba? Kung ako nga, paano naman ako nasali?

"Huy!" napabalik ako sa katinuan nang pitikin ni Sean ang noo ko.

"Okay ka lang?" doon ko lang napansin na lahat pala sila ay nakatingin sa akin.

The Game of PainWhere stories live. Discover now