Chapter 1

222 17 43
                                    

"Go Maze!" Rinig ko ang pag sigaw ng kaibigan ko na si Kheila katabi si Xeilone.

Nagpupunas ng pawis si Khe at umiinom naman ng tubig si Xei. hmm, mukang tapos na sila sa training, huh! Itinutok ko ang baril sa harapan at nagulat naman ako sa biglang pagsulpot ni Lgheim at Sean na pareho pang may hawak na laptop, mukang kakagaling lang sa training kung paano mang hack ng accounts.

"Nako Maze, huwag 'yang karton ang barilin mo, nandito si Lgheim willing daw maging target!" sigaw ni Sean bago siya batukan ni Lgheim.

"Gago ka ba? Ikaw kaya 'yung gawin kong target?" sigaw naman ni Lgheim.

Ilang putok pa ng baril ang pinakawalan ko bago ko tinanggal ang gloves,headphone at glasses ko. lumabas ako habang dala-dala ang baril na walang magazine.

"Tapos na ba kayong mag training at ang ingay ingay niyo?" itinutok ko ang baril na hawak ko kay Lheigm at Sean na agad namang lumuhod at binaba ang laptop na dala.

Halatang natakot sila dahil hindi naman nila alam na tinggal ko ang magazine ng baril, napapikit pa sila at napataas ang kamay na wari mo'y sumusuko sa mga police.

"Sorry Maze, ito kasi si Sean napaka ingay e," natawa ako sa paninisi ni Lgheim at alam kong hindi rin magpapatalo si Sean.

"Gago ka kase! tignan mo tayo tuloy ang gagawing target ni Maze," Paninisi din ni Sean at bahagya pang binatukan si Lgheim.

Bigla naman lumabas sa dalawang magkaibang kwarto si Eizea at Khrystine na agad lumapit sa tabi nila Kheila at pinanood kami. May binulong pa sa kanila si Khe bago tumawa ng malakas.

"Sige Maze, barilin mo na 'yan. Ayan lang ang maingay sa atin na magkakaibigan," natatawang sabi ni Eizea.

Pagdating kasi sa kaingayan ay walang makakatalo kay Lgheim at Sean. Palagi kasi silang nag-aaway at once in a bluemoon lang maging magkasundo. Daig pa mga babae.

"Babe naman, 'di ba mahal mo 'ko? Pero bakit mo ako pinapabaril?" pagpapaawa naman ni Sean na mukang natatakot talaga.

"Sino ba ang uunahin ko sa inyong dalawa?" tanong ko sa kanila bago nilagay sa likod ko ang baril dahil napapansin kong tinitignan 'yon maigi ni Sean.

Hindi mo ako mauutakan.

"Si Lgheim nalang ang ingay niya sa condo." natatawang sabi ni khrystine habang pinapaikot sa daliri ang baril na hawak.

"Hoy Calliope Khrystine kapag ako binaril ni Maze ikaw unang dadalawin ko!" tumawa ng malakas si khrystine sa sinabi ni Lgheim.

"Pagsabayin mo nalang sila, Maze," Nagulat pa ako sa biglang pagsulpot ni Fyxier na nagtatanggal ng gloves. "Nag te-training ako tapos naririnig ko ingay niyo."

Binato ko ang baril at tumawa kaming lahat pwera lang kay Sean at Lgheim. Lagi nila kaming inaasar at iniinis at ngayon lang kami makakaganti. Nakakatawang pag masdan ang itsura nila dahil akala talaga nila ay ipuputok ko ang baril.

"Let's go! 8:00am na, mag-ayos na kayong lahat at magpaalam sa kanya-kanyang trainor tapos na ang training natin." pag papa-alala sa amin ng kakarating lang na si Koleen.

Koleen being Koleen. She's like a mother for us. Siya lang kasi 'yung kayang sumaway sa amin at kapag nagsalita na siya, wala na kaming magagawa.

Umalis kami at iniwan sila Sean bago nagkanya-kanya ng ligo. Nang matapos ako ay inayos ko muna ang gamit sa duffle bag na dala ko bago nauna nang lumabas.

Everyweek ay nag te-training kami kung paano makipaglaban at humawak ng mga armas sa Alphaknight na isang kilalang training school. Hindi naman kami palaaway or what, just incase of emergency lang. More than 3months palang naman kami nag te-training pero baka umalis na rin kami kasi hindi minsan nag fifit sa schedules namin.

The Game of PainWhere stories live. Discover now