Chapter 35

49 5 0
                                    

"Ma, sorry niyaya kasi ako nila Dianne," pagka-usap ni Kuya Zion sa sarili niya.

"Ahm, mommy, ako na bahala sa hugasin dalawang linggo," kahit si Kiel ay gumawa ng rason sa utak niya.

"Pupurihin ko na lang si Daddy na pogi siya at puwede ko na yon maging kakampi para hindi ako pagalitan ni mama," ngumunguya si Gwen ng nuts at chill na chill, may earpods pa na nakasaksak sa tainga niya.

"Ma, Pa, sorry kasi nagulat na lang ako hila na ni Hunt yung gamit ko," sinamaan ako ng tingin ni Hunt nang marinig niya ang pangalan sa gagawin kong dahilan.

"Ma, Pa, sorry kung nagplano kami surpresahin kayo. Kung paghihiwalayin niyo kami ni Arvie ay hindi ako papayag." sinamaan namin ng tingin si kuya dahil sa pagiging overreacting niya.

Pabalik na kami nang Manila dahil nagtext si ate Arvie at sinabing nahimatay si Mamila sa pag-aalala. Nang sabihin ni ate Arvie ang plano kila Mama ay hindi natuwa ang mga ito at sinabing pauwiin kami agad at kung hindi ay sabay-sabay kaming mawawalan ng magulang. Gustuhin man naman surpresahin sila ng isang bakasyon ay hindi naman puwedeng isakrpisyo ang kalusugan ng lola namin kaya mas pinili naming icancel ang buong plani at umuwi.

"Sino ba kasi nakaisip nito?" sabay sabay namin tinignan ng masama si kuya Zi na siyang nagplano ng lahat.

"Ako pala hehe," ngumiti siya sa amin at napakamot sa noo.

Hindi na namin siya pinansin at nagkaniya-kaniya na kami ng mundo. Si Kiel ang nagdadrive katabi nya si kuya. Sa first row naman ay may binabasang article si Hunt katabi si kuya Zi na nag-aayos ng sarili at sa tabi naman ni kuya Zion ay si ate Dianne na natutulog. Sa second row naman ay si Lycel at Gwen na nag kukwentuhan, kami naman ni Joan ay parehong nagamit ng phone.

I was scrolling through my ig account when I saw kuya Daveson's recently post. Its my picture in the island with the caption "Beautiful Creature." Sweet. Sunod ko namang nakita ang post ni kuya Zi na picture naming girls with the caption "Our little girls". Sa isa pang pagscroll ko ay mga post naman ni Hunt at Kiel ang ang nakita ko. Hunt posted our photo with the caption "With Alejo gem." si Kiel naman ay tig-iisang picture namin ng girls na may caption na "Sweet smile in the lonely beach."

"Sweet nila 'no," napatingin ako kay Joan na nakatingin din pala sa phone ko. Yeah, iisipin ng iba na babae nila kami dahil hindi naman nalalayo ang edad namin sa kanila pero para sa amin sobrang sweet nila. Sobrang rare na lang makakita ng mga lalaking ipopost ang picture ng kapatid or pinsan. Masasabi kong maloko talaga ang mga Alejo pero may soft side rin naman sila.

Naramdaman namin na huminto ang Van kaya napatingin kami sa labas, nasa gasoline station pala kami for stop over. Binuksan ni Kiel ang pinto at ginising naman ni Hunt ang mga natutulog bago kami sumunod kay kuya at kuya Zion na nauuna nang maglakad. Malayo pa kami sa Manila kaya bibili muna kami ng makakain.

Pagka pasok namin sa isang convenient store ay naghiwa-hiwalay na kami para umorder, kasama ko naman si kuya dahil kumuha rin siya ng kape.

"Thankyou,"

"For what?"

"For being the best brother," napatingin siya sa akin bago ngumiti. Tinap niya rin ang ulo ko bago kinuha ang mga nasa kamay ko at nagsimulang maglakad para mag bayad sa counter. Hindi siya sumagot pero alam kong naintindihan niya ang sinabi ko.

Nauna kaming nakabalik ni kuya sa Van dahil hinihintay pa ng iba na maluto ang noodles nila. Nang makasakay ang lahat ay nagsimulang paandarin ni Kiel ang sasakyan habang ang lahat ay tahimik na kumakain.

"Nasa bahay daw sila tita Aya," napatingin kaming lahat kay kuya na ngayon ay nakatapat sa phone niya.

"Sa inyo na lang tayo dumiretsyo." tumango kami kay Kiel at nagsimula ulit kumain.

The Game of PainWhere stories live. Discover now