III

1.1K 24 2
                                    

Dalawang araw akong hindi pumasok dahil nagkapasa ang pisngi ko. Pero dahil nahuli na ako sa mga subjects, kailangan ko nang pumasok ngayon. Hindi na gaanong namamaga kaya pwede na akong magpakita kay Thiara. Sinabi ko kasi sa kanyang may sakit ako at paniguradong hindi maniniwala 'yon, si Thiara pa?

"Dito na lang ho." Pagpapahinto ko sa driver ng tricycle. Pinababa ko na muna ang dalawa kong kapatid bago ako bumaba at pinatawid sila. "Mag-iingat kayo ha. 'Yong mga baon niyo, baka mawala."

Pagkatapos ko silang paalalahanan at kawayan ay pumasok na ulit ako sa tricycle. Nakarating naman agad kami sa eskwelahan.

Pagpasok pa lang ay bulungan na ang naririnig ko. Sanay na ako pero mas lumala ata.

"Hoy!" Bati sa akin ni Thia, naiiyak ito at niyakap agad ako.

"Bakit? Napaano ka?" Nag aalala kong tanong.

"Baliw ka, Yohan! Bakit hindi mo sinabi? Ayos ka lang ba?"

Nagtataka ko siyang hiniwalay sa akin, umiiyak siya. Kumunot ang noo ko, anong hindi ko sinabi?

"I'm fine. I'm totally okay, bakit ba? Napapaano ka?"

She shook her head. "Huwag mo nang itago! Nagsumbong sa tatay ko ang kapatid mong bunso, si Yaine! Nakita ni tatay noong nakaraang araw, may pasa ang mukha, may dala-dalang sigarilyo, inutusan daw ng papa niyo. Sinabi nga ni tatay sa capitan natin."

Nanlaki ang mata ko. Hindi maaari! Hindi pwede!

Agad akong tumakbo palabas. No...huwag...

"U-utang na loob. H-huwag parang awa niyo na..." pagdadasal ko habang hilam ang luhang tumatakbo.

Uuwi ako! Uuwi ako...

Ang kaninang takbo ko na mabilis ay naging mabagal. Humahagulgol na ako, hindi ko na alam kung anong gagawin ko.

"Are you okay? Miss?" Pukaw sa akin ng lalaking nakabunggo sa akin.

Mabilis akong umiling at nagpatuloy ulit sa paglalakad.

"Miss? Okay ka lan---"

"Okay lang! Okay lang talaga!" Sigaw ko at tumakbo ulit ng mabilis. Nahinto lang ako nang may humatak sa braso ko at pinaharap ako sa kanya.

"You're crying." Mariing sabi niya. Agad akong yumuko. Napakahina mo talaga Yohana.

"H-hindi...hindi ako u-umiiyak. Nab-nabasa lang ng tubig..."

"Sabi mo eh." Malamig na sabi niya. "Saan ka ba pupunta?" Inabutan niya ako ng panyo. Nag-alangan pa ako kung kukunin ko ba o hindi, pero sa huli ay tinanggap ko rin.

"S-sasaktan niya si Y-yaine..." humahagulgol kong sabi. Hinawakan ko ang dalawa niyang kamay.

Kung hindi ko kayang mag-isa, siguro pwede naman akong magpatulong. Kahit...sa pag uwi lang. Kahit 'yon lang...

"Shh." Pagpapatahan niya sa akin. "Where are we going?"

Agad akong tumunghay, nagulat ako nang makitang hindi bago sa paningin ko 'yon. Nakita ko ang pagtiimbagang niya at pag-iwas ng tingin. Marahan akong lumayo at pinunasan ang luha ko.

"P-paano...pa-pahatid na lang sa kanto sa amin..." nahihiya ngunit lakas loob kong sabi. Walang mapapala kung mahihiya pa ako gayong alam kong sinasaktan na ngayon ang kapatid ko!

"Hop in." Sabi niya ng makarating kami sa parking lot. Hindi ko na tiningnan kung ano ang kotse niya. At baka rin hindi ako palabasin kung maglalakad ako palabas ng gate.

"M-makakalabas kaya ako?" Kinakabahan kong tanong sa kanya.

Nahigit ko pa ang hininga ko nang dumukwang siya at kinabit ang seat belt ko. Pinaandar na niya ang sasakyan niya nang hindi ako sinasagot, nasagot lang nang makalabas kami matapos niyang may sabihin sa guard na hindi ko narinig. Mas inuunahan ako ng kaba at takot para sa kapatid ko.

My Possessive Playboy [Saldaviga Series #3] CompleteWhere stories live. Discover now