VII

864 27 2
                                    

"I'll be on your pageant, my princess."

Tumango ako. Inayos ko ang suot kong boyfriend jeans at square neck crop top.

"You're beautiful."

I know. Isasagot ko sana pero nginitian ko na lang siya ng hilaw.

"Daddy will be there too, kami ang nagsponsor ng decorations." Mayabang na sabi niya.

Hindi ko siya pinansin. Nagyayabang na naman.

"Ate Yohan! Tama ako ate. Tama Yaine!" Sigaw ni Yaine habang may dala-dalang back pack, nakabihis na rin siya.

"Baby, wala ka bang school?" Pagbebaby talk ko.

She laughed heartily. "Wala po ate! I want to ti you tinging po!" Natutuwa niyang sabi. I grabbed her and kissed her forehead.

"Ate will be happy that her baby is watching."

"Nye!"

I glanced at Oscar, he was smiling. I shook my head. I know he loves kid. Magkasundo naman sila ni Yaine pero ayoko lang sila pinapalapit kay Oscar.

"Good morning." Nakangiti kong bati kay Thiara na malungkot pa ring nakatingin sa kawalan. Ang aga ni gaga.

"Bitch," bati ni Kim sa akin. Agad niya akong inaya na maupo sa isang silya kaharap ang malaking salamin at mga ek-ek para sa mukha. "I really like your hair, naturally curled. Konting lagay lang ng oil titingkad na ang kulot nito." She added.

I smiled. Thanking my mother for giving me such a beautiful hair.

"Bakit sinama mo 'yang deads na deads sayo?" Bulong sa akin ni Thiara.

Nilingon ko si Oscar na busy kakapakain kay Yaine. Hindi ko alam kung nagsusumbong ba si Yaine kay Oscar tungkol sa pananakit ni papa dahil wala namang nababanggit sa akin si Oscar. Kapag kasi namumula ang pisngi ni Yaine, sinasabi ni Oscar na dahil sa mestiza ito.

"Gustong sumama eh."

Inirapan ako ni Thiara. Umalis na rin siya sa tabi ko nang mag-umpisang ayusan ako ni Kim. Kim is like a professional make-up artist.

"I don't know what Oscar sees in you." Natatawa ngunit seryosong sabi ni Kim.

Natawa ako. Pati ako gustong itanong sa sarili ko kung anong nakikita sa akin ni Oscar o ano ang nakita niya sa akin? I am an ordinary girl who lives in a fucked up life... bakit ako pa? Dagdag problema lang siya eh.

"No offense but I don't see any special in you." Prankang sabi niya.

"Ako rin, Kim. Ewan ko ba sa lalaking 'yan. Sabog ata noong nakita ako."

She laughed. "I don't think you spelled him just for him to love you that hard. I don't think you will do that. He's not your type nor love."

"Kung gagamit lang din ako ng gayuma 'yon ng taong mahal ko kahit hindi ako mahal, Kim."

"I see." Tinanguan niya ako sa salamin.

***
"Ang ganda ate ko!" Sigaw ni Yaine at yumakap sa binti ko. "Nanalo ikaw ate! Nanalo ka!" Natutuwang sigaw niya.

Inayos ko ang buhok niya. "Gagalingan ni ate for you baby, okay? Behave ka lang kay Kuya Oscar mo."

"Otay po, ate. Bebehave ako kay Kuya Otcar." Nakangiting tumango-tango si Yaine.

Nakangiti ako habang sinusuot ang unang dress na gagamitin for introduction. I'm gonna sing...

Kinakabahan kong hinawakan ang microphone. I smiled to everyone. Nanginginig man ay mas pinili kong humugot nang malalim na hininga.

My Possessive Playboy [Saldaviga Series #3] CompleteWhere stories live. Discover now