Chapter 23

592 21 0
                                    

Tuloy pa rin naman ang buhay. Hindi lang naman sa ibang tao umiikot ang buhay ko kaya nagpapatuloy pa rin ako kahit paminsan minsa'y---mali, kahit araw araw naiisip ko ang lahat...lahat lahat.

"Pakiabot ng straw, Thia." Utos ko kay Thia habang nagsasalin ako sa bote ng buko shake, ito kasi ang binebenta namin. Actually marami, kaso ito lang ang mabenta dahil wala pa kaming naiisip na gimik para sa mga customers.

"Salamat." Ani ko at inabot na rin sa bumili na senior high school student.

Ngumiti ito sa akin. "Ate, alam mo may naisip ako para mabenta niyo rin yung mga foods." Palakaibigan siyang umupo malapit sa akin. Hindi ko siya pinagtuonan ng pansin pero alam naman siguro niyang nakikinig ako dahil nginitian ko siya. "Why don't you sing ate? I saw you before, you're the one who won in our foundation day. You sang right?"

Agad na tumabi sa kanya si Thiara. Napailing iling na lang ako ng siya na ang dumaldal sa batang babae.

"She really have a nice voice po, kaya sinuggest kong kumanta s---"

"Anong suggestion mo para sa akin?"

"Hmm. Ano po, ahm... maupo na lang po kayo---"

"Ay bastos." Biglang sabi ni Thia kaya natatawa ko silang binalingan. Ngumuso ang bata at tinapunan ako ng tingin, agad na ngumiti ito sa akin.

"Joke lang po! Magaling ka pong sumayaw diba? Kasali ka sa dance troupe?"

Humalakhak si Thiara at pabirong pinalo ang bata sa braso. Napangiti ako.

"Nakikita mo pala ako? Grabe, malambot ba katawan ko? Magaling ba ako---"

"Suggest ko pong sumayaw ka while ate Yohana's singing, para po mabaling sa inyo ang atensyon ng iba. Ang ikakanta naman po ni ate Yohana is yung pang broken dahil mas naeengganyo po ang mga kabataan sa mga sad songs, like Paubaya by Moira."

"Gaga, paano ako sasayaw? Hindi naman kasayaw sayaw ang Paubaya, niloloko mo ako 'no?" Masungit na tanong ni Thiara na tinawanan lang ng bata. "Gora na girl, akitin mo sila sa boses mo!" Gumiling giling pa siya. I laughed and nodded.

I can sing that...pero nahihiya ako. Yung mga broken lang ang lalapit sa amin. Napatingin ako sa mga tao, mas dinudumog nila ang mga sosyaling pagkain, ang mga palaro at iba pang booth.

Huminga ako ng malalim. Tumayo ako sa may gilid ng mga paninda ng section namin at marahang ngumiti sa mga tumitingin sa akin. I pinched my fingers.

[Saan nagsimulang magbago ang lahat?
Kailan no'ng ako ay 'di na naging sapat?
Ba't 'di mo sinabi no'ng una pa lang?
Ako ang kailangan, pero 'di ang mahal]

Ngumiti ako ng makitang napapalingon sa akin ang iba. May mga lumapit na rin.

°

[Saan nagkulang ang aking pagmamahal?
Lahat ay binigay nang mapangiti ka lang
Ba't 'di ko nakita na ayaw mo na?
Ako ang kasama, pero hanap mo siya]

°

Isa. Dalawa. Tatlo. Apat. Lima. Hanggang sa hindi ko na mabilang. Halos mapuno ang booth namin. Mga nagpapapicture or kaya nagvivideo, marami na rin ang bumibili.

"Ate! Wala bang libreng kiss?" Anang isang estudyante.

I laughed and shook my head, continue singing.

My Possessive Playboy [Saldaviga Series #3] CompleteWhere stories live. Discover now