XII

709 22 2
                                    

"5 lang ako Be!" Nagmamaktol na sabi ni Thiara habang hawak-hawak ang 1/8 niya na papel.

May quiz kami na 20 items at hindi siya nakapagreview kaya ganyan siya.

"Okay lang 'yan. Bawi na lang next time." My favorite pampagaan ng loob for her.

"Ikaw ba? I'm sure mas mataas score mo."

I sighed. "18."

She pouted. "Pashare-it ng utak?"

I laughed. I patted her head. "Next time, sabay tayong magreview, hindi 'yong stalk ka lang nang stalk sa mga social media accounts ni Kael ha?"

Her eyes widened and she gasped. "H-hoy, paepal ka 'no? Hindi ko g-ginagawa 'yon. Imbento ka."

Nagkibit balikat ako at nanunuksong pasiring na inalis ang tingin sa kanya. Inaya ko na rin siyang magcr, I want to pee.

Naiwan ako mag-isa sa cr nang magpaalam si Thiara na may babalikan sa room at dahil maaga kaming natapos magquiz ay maaga kaming nakalabas.

Habang naghuhugas ako ng kamay may kumalabog sa main door ng cr kaya napatingin ako roon. Nanlaki ang mata ko sa nakita.

Isaac with a girl, hungrily kissing. I gasped. Bakit dito sa cr ng mga babae?!

"I-isaac...darling...ahh." napatakip ako ng tenga ko. Ang baboy naman.

Napaatras ako nang medyo malapit na sila sa akin kaya naatrasan ko ang basurahan na sinadya sa loob ng banyo namin.

Napatingin sa akin ang dalawa. Napairap ang babae at si Isaac naman ay parang lasing pa dahil sa ginawa kanina.

"A-a-ano...n-naghuhugas lang ako ng kamay." I laughed nervously. "T-tuloy niyo lang..." I added and looked at my hands.

I pinched it repeatedly and glared at it. Pabalang kong pinagpag ang dalawa kong kamay, ni hindi na sinulyapan ang dalawa. Kinuha ko ang panyo ko at nagpunas doon.

"Get out." His baritone voice got me, I looked at him.

Mabilis akong tumango at aalis na sana nang tawagin niya ako.

"Not you, Yohana. Samantha, get out."

Hindi makapaniwalang tumingin sa kanya ang Samantha. Pati ako na ang balak lang ay umihi, nakasaksi pa ng masakit sa mata.

"I'm Sandy, not Samantha!"

Padabog na umalis ang babae sa harapan pero natigilan ulit nang tawagin siya ni Isaac. Anong trip nila?

"Lock the door!" Sigaw ni Isaac. Nilingon siya ng babae na masama ang tingin. "Samantha." Seryoso niyang sabi na mas lalong nagpainis sa babae, padabog na sinarado ng babae ang pinto.

Kinakabahan kong tiningnan si Isaac. Pinapatunog pa niya ang dila niya sa loob ng bibig niya.

"B-bakit naman p-pinalock mo pa?"

Nagkibit balikat siya, tinuro niya ang katabing sink kaya nagtataka kong tiningnan 'yon.

"Sit beside me, Yohan."

I gulped. "A-ano...r-rito na lang." Mas lalo akong kinabahan. Hindi sa nag-aassume akong gusto niya ring mangyari 'yong nangyari sa kanila kanina ng babae pero bakit kailangan pang katabi siya? Hindi pa ba sapat na pinalock niya 'yong pinto?

"Sit.beside.me." parang bata ang kausap niya sa uri nang pananalita niya. Agad-agaran ang pag-iling ko.

"I-isaac, b-bakit?" Nagtataka kong tanong.

Nakarinig kami ng katok kaya nanlaki ang mata ko. Anong gagawin ko?!

Pwede kayang ipasok siya sa inidor? Sa sink? Sa cubicle? Sa faucet? Ano?

My Possessive Playboy [Saldaviga Series #3] CompleteOnde as histórias ganham vida. Descobre agora