27

7.2K 128 1
                                    


It's been 3 days simula ng nalaman kong buntis ako, syempre nakapag pa check up na rin ako and it's positive!

Kakagaling ko lang sa OB gyne ko at dumiretso na ako sa grocery store para mamili ng ipanghahanda mamaya sa surprise dinner ko kay Stan.

I'm busy picking some item ng may bumangga sa akin.

"Oh shoot." Bulong ko. Napaatras ako sa pagbangga nya.

"Paharang harang kasi." Sabi nung nakabangga sa akin.

"Excuse me?"

"Paharang harang ka sa kukunin ko!" Sigaw nito.

"Aba miss, customer din ako dito. Pati ang dami-daming coffee oh! Kaya hindi mo na kailangang manulak!" Ganting sigaw ko.

"Eh sa gusto ko dito eh, pakialam mo ba?" Muling pagtataray nya sa akin.

Inirapan ko na lang ito at umalis na. Pasalamat sya at medyo good mood ako at ayoko ng gulo.

Agad na akong pumila sa counter, at kung minamalas nga naman ako, nasa likod ko kasi yung babae na nakaaway ko kanina.

"Miss baka naman pwedeng paunahin mo na lang ako. Isa lang naman ang sa akin, sayo ay napaka rami." Sabi nito sa akin. Hindi ko alam kung nakikiusap ba sya o ano.

Luminga-linga muna ako sa paligid.

"Miss maraming bakante sa ibang counter, doon ka na lang pumila kung nagmamadali ka." Sabi ko dito.

"Opo ma'am. Dito po sa kabila." Sabi nung kahera sa pinipilahan ko.

"Customer ako dito at cashier ka lang kaya 'wag mo akong mautos-utasan ha!" Nageeskandalo na yung babaeng palengkera.

"Hey! Ilugar mo nga yang ugali mo! Nasa grocery ka at wala ka sa kalsada!" Hindi ko na napigilan ang pag sigaw.

"You shut up!" Dinuro-duro pa ako nito.

"No, you shut up! Umaayos ka ng asal mo ha!" Tinabig ko pa ang kamay nyang nakaturo sa akin.

"Anong nangyayari dito?" Napalingon kaming pareho sa nagsalita.

"Ramirez?" Sabi ko.

"Oh Martin." Sumaludo pa ito sa akin kaya sumaludo na rin ako.

"Anong nangyayari dito? May problema ba?" Tanong nito sa akin.

"Wala lang 'to. Misunderstanding lang. Mauna ka na." Baling ko sa babaeng palengkera na nakatulala na.

"Ikaw, anong ginagawa mo dito?" Tanong ko kay Ramirez.

"We own this store." Nakangiti nitong sabi sa akin.

"Talaga? Mayaman ka pala ah." Pang aasar ko dito.

"Hindi naman. Camille, after mo dyan i-punch mo na 'tong kay Martin ah? 'Wag mo na rin syang singilin, tawagin mo na lang ako kapag tapos ka na." Sabi ni Ramirez sa kahera na pinipilahan ko.

"Opo sir."

Tinignan ko naman 'yung babaeng palengkera, at ang sama ng tingin sa akin.

"Salamat Martinez." Nginitian ko na lang siya pati na rin ang cashier.

"Walang anuman. Mauna muna ako." Sabi nito at umalis na.

Napaka swerte nang magiging girlfriend nitong lalaki na 'to.

----

Pagkauwi ko ay agad na akong nagsimula na magluto para sa hapunan namin ni Stan. Excited na akong ibalita sa kanya ang pag bubuntis ko.

Hindi naman nagtagal ay nakarinig na ako ng busina ng sasakyan sa labas ng bahay. Inayos ko muna ang damit ko bago lumabas ng bahay.

"Woah~ Anong meron? Ang ganda mo ata ngayon." Sabi ni Stan sabay  halik sa pisngi ko.

"Wala naman." Pagpasok namin sa loob ay nagulat pa sya sa candle light dinner.

"May nakalimutan ba akong okasyon ngayon?" Natawa ako ng makita ko ang mukha nya, ang lalim ng iniisip nya.

"Walang okasyon ngayon. I just want to surprise you." Sabi ko habang tinutulungan syang tanggalin ang coat nya.

"Really?" Tumango lang ako.

Nagsimula na kaming kumain at talagang masasabi ko na nasarapan sya dahil naubos nya ang hinanda ko.

Ngayon ay naisipan naming uminom ng wine sa labas ng bahay.

"Hayy~ Ang sarap ng ganitong buhay. Almost perfect na ang lahat. Tayong dalawa, happy together." Napalingon ako sa sinabi nya.

"Yeah. I have something to tell you." Matamis na ngiti ang binigay ko sa kanya.

"What is it?" Nilingon nya ako.

"Magiging tatlo na tayo." Maiksing sabi ko.

Napakunot naman ang noo nya.

"I'm pregnant." Dagdag ko.

Lalo namang kumunot ang noo nya. "Are you sure?" Alinlangang tanong nya.

"Oo." And with that, bigla nyang ibinaba ang wine glass na hawak nya at niyakap ako ng mahigpit.

"Alex! Babe! You make me happy! Thank you babe." Sabi nito.

Bigla naman akong naluha. "Hey, why are you crying?"

"I-I'm just happy." Pinahiran ko na ang luha ko.

"I love you Alex."

"I love you too Stan." Sagot ko.

"And I love our baby."

---------

My Brutal Wife 2Where stories live. Discover now