9

6.9K 120 2
                                    

Short update. Hindi ko pa kasi matype yung susunod.

Vote.Comment para masaya :))

--------------

Alex's POV

Nandito na kami ngayon sa bahay ni Edgardo Todsa, ang lalaking nangbubugbog kay Stella Isaac.

"Mister Todsa, hindi pa ba kayo nadadala?" Sabi ko.

"La-Lagi nyang pinapainit ang ulo ko." Sagot nya at hindi mapakali ang tingin.

"Alam nyo naman po ang pwedeng mangyari sa inyo kapag pinagpatuloy nyo pa ito. Tama po ba?" Pagpapaliwanag ni Bon.

"Tinatakot n-nyo ba ako?" Biglang sigaw nya.

"Binabalaan po namin kayo, hindi tinatakot." Pagpapaliwanag ko kaagad. "Kapag nakaabot po sa amin na lumapat muli ang kamay nyo kay Stella, alam nyo na po kung saan ang hantong nito." Dagdag ko pa.


"Ang tapang mo ah." Natatawang sabi ni Bon.

"Tama lang 'yun. Nangangati nga ang kamay ko na sapakin sya eh." Natatawang sabi ko.

Didiretso kami ngayon sa tinutuluyan ni Stella. Kailangan naming sabihin sa kanya na nakausap na namin si Edgardo.

Mabilis kaming nakarating at naghintay na lang sa waiting area.

"Martin, maghahanap lang ako ng makakain sa labas." Pagpaalam ni Bon, tumango na lang ako.

Kinalikot ko muna sandali ang cellphone ko.

"A-Alex." Agad akong napatayo sa narinig ko.

"Hello po." Nilapitan ko sya at niyakap.

(Sobs. Sobs) Napahiwalay ako sa yakap namin nang marinig ko syang umiyak.

"Bakit po? May problema po ba?" Nag-aalalang tanong ko.

"Wa-Wala. Salamat. Pero sana huling pagkikita na natin ito." Sabi nya sa pagitan ng pag-iyak.

"Ha? Bakit po?"

"Ayoko na kasing makagulo. S-Salamat." Sabi nya at niyakap ako. Agad akong kumawala.

"Ano po ba ang problema?"

"Wala. Dito na lang siguro ako. Maraming salamat sa tulong nyo." Nginitian nya ako, pero alam kong pilit 'yun.


Lutang ako habang si Bon ang nagdadrive ng kotse.

"Anong problema ni Stella?" Tanong ni Bon habang nakatingin sa kalsada.

"Hindi ko alam. Masisiraan na ako sa kakaisip!" Napasabunot na lang ako sa ulo ko.

Wala akong kaide-idea kung bakit ganun' ang sinabi sa akin ni Stella.

Ayaw nya na daw makagulo? Nakakabuang!

"Paano na 'to? Titigil na tayo?" Tanong ulit ni Bon.

"Sasabihin ko muna kay Chief." Sagot ko at binaling ang ulo ko sa bintana ng kotse.

Wala talaga akong maisip na dahilan kung bakit nagkakaganun si Stella. May nagbanta ba sa kanya? Kaso mukhang malabo. Dahil tinanong ko kanina 'yung nagbabantay sa kanila kung may bumisita sa kanya, wala naman daw.

Hindi talaga ako mapakali.

Kring..

Agad kong kinuha ang phone ko sa bag at sinagot ang tawag.

"Stan?"

[Alex..] Bahagya akong naguluhan sa tono ng boses ni Stan, parang ang lungkot-lungkot nya.

My Brutal Wife 2Where stories live. Discover now