4

7.7K 144 6
                                    

Stan's POV

"Mr. Martin, I already check her background. Here's the folder." My secretary said, then he leave.

Ang sakit sa ulo! Bakit ngayon pa sya bumalik kung kailan maayos na ang lahat?

Kinuha ko ang folder at binuksan.

Napasapo na lang ako sa noo nang makita ang nilalaman noon.

"Stella.." Paano ko sya haharapin? Wait-- Sinong may sabing gusto ko syang harapin.

Dalawang babae pa ang pinoproblema ko ngayon.

Malapit na naman akong umuwi dahil ang Daddy na ni Alex ang mag te-take over ng company dito sa U.S.

I already spend 5 years of my life for this company. Hindi nasayang ang limang taon dahil talagang lumago ang hotel na pinamunuan ko.

Dapat sana'y wala na akong poproblemahin pa, kung hindi lang sa Stella na 'yun. Tatawagan ko muna si Alex. Dalawang ring bago nya sagutin.

"Hello.. Alex." May pag-aalinlangan pa ang boses ko.

[Ang dami monh arte, bakit kami pa ang kinuha mong escort?] Lihim akong napangiti. Namiss ko ang katarayan nya.

"Ikaw ang gusto kong unang makita pagbalik ko sa Pilipinas." Pagpapaliwanag ko.

[Tigil-tigilan mo ako Stanley, hindi pa tayo bati.]

"Malapit na akong umuwi, okay? Ilang araw na lang."

Marami akong plano para sa aming dalawa pagbalik ko sa Pilipinas, isa na doon ang muling pagpapakasal namin.

[Ewan ko sayo!-- (Martin! Ang tagal mo naman! Dalian mo!) Oo na! Excited masyado.] Nakarinig ako ng usapan sa kabilang linya, alam kong mga katrabaho nya 'yun.

Hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng selos dahil alam kong mga lalaki ang nakapaligid sa kanya.

"Sige na. Hinihintay ka na nila." May halong pagtatampo ang tinig ko.

Matagal bago sya nagsalita.

[I-I love you, babe.] Mahinang sabi nya. Siguro ayaw nyang iparinig sa mga katrabaho nya.

Pinilit kong ngumiti kahit hindi nya nakikita.

"I love you too."

Ano nang gagawin ko ngayon?

---
Woa~ Sino si Stella?

My Brutal Wife 2Where stories live. Discover now