3

9K 160 2
                                    

Two days akong nagstay sa hospital, at pag uwi ay hindi muna ako pumasok. Nakatengga ako sa bahay.

"Hija, gusto mo ba ng makakakain?" Napatingin ako kay Manang.

"Hindi po. Manunuod na lang muna ako." Tumango lang si Manang at umalis na.

Boring. Anong gagawin ko dito? Wala namang magandang palabas.

Napatingin ako sa phone ko na kanina pa pala nag rring. Napakakulit talaga.

Inisnob ko lang 'yun.

(BEEP BEEP) Ano ba? Hindi ba matatahimik ang buhay ko?

Tatayo na sana ako ng magsalita si Manang.

"Ako na, Alex." Sabi nya at lumabas na ng bahay.

Maya-maya lang ay pumasok na ang magugulo kong pamangkin.

"Titaa~~" Sigaw ni Pia sabay kiss sa pisngi ko.

"Tita Alex!" Ganun' din ang ginawa ni Alfie.

Mga anak ni kuya Alfred. Nakipag beso ako sa asawa nya na si Ate Perry.

"Kumusta ka na?" Sabi ni Kuya Alfred.

"Ok naman na ako." Sagot ko habang kayakap si Pia.

"Tita, sabi sa akin ni Kuya nabaril ka raw po?" Si Pia sabay tingin sa akin ng may pag-aalala.

"Yeah, baby pia. Natamaan nga si Tita. Ito oh." Sabi ko sabay pakita sa kanya ng binti ko na may bandage pa.

"Aw~ Masakit po?" Tanong naman ni Alfie na talagang nakatitig sa binti ko.

"Noong una, oo. Pero ngayon hindi na masyado." Nginitian ko pa sila.

"Alex, tumawag sa akin si Stan, hindi mo daw sinasagot ang tawag nya." Biglang sabi ni kuya.

"Kids! Doon muna tayo sa kitchen!" Sabi ni Ate Perry sa mga bata.

Naupo si Kuya sa tabi ko.

"Sya kasi eh. Pinagreresign ako."

"'Yun din naman kasi ang gusto nila Mommy." Isa pa 'to eh.

"Oo na! Magreresign ako, pero hindi pa ngayon!"

Naiintindihan ko naman na nag-aalala sila sa akin per malaki na ako! Alam ko na ang ginagawa ko!

Hapon na noong umuwi sila Kuya. Katatapos ko lang kumain ng tumawag ulit si Stan. Sinagot ko na.

[Thanks God, Woman! Bakit ngayon mo lang sinagot?] Hindi ko alam kong matutuwa ba ako o maiinis dahil nag-aalala sya sa akin.

Hindi ako nagsalita.

[Hey, babe. I'm sorry ok? Pag-uusapan natin 'to pag uwi ko.]

"Kailan? Next year?" Tanong ko.

['Wag ka namang ganyan Alex. Nahihirapan din ako dito.]

"Pareho lang tayo Stan! Nahihirapan din ako! Ganito na lang lagi!" Nakakafrustrate.

[Woman, malapit ng matapos 'tong ginagawa ko. Malapit na akong bumalik.]

Napahilamos na ako sa mukha ko sa inis.

"Stan naman eh! Lagi na lang ganyan sinasabi mo! Nalulungkot na ako dito!" Hindi ko na mapigilang sumigaw.

[Alex, ikaw naman may plano nito diba? Na magtrabaho muna tayo.] Alam ko na nalulungkot din si Stan.

"Oo! Ako nga nagplano! Pero wala naman sa plano na umalis ka!" Singhal ko.

[Give me one week.]

"Ayoko na!"

[A-Anong ayaw mo na?]

My Brutal Wife 2Where stories live. Discover now