14: Hamon

5.4K 29 1
                                    

Rated [18]
Mas lalong hard ito kaya pasensya na.

...

Nakaupo lang sa harap ng bote na pinapaikot kani kanina lang si Charity.

Pinapanuod nyang mag enjoy sa tubig sina Derek.

Salamat sa bote ng alak na nagsilbing paraan para maging matapang syang harapin ang
katotohanan na mahal nya ang binata.

Iwasan man sya nito, tatangapin nya dahil sya naman ang may kasalanan.

This time ipaglalaban na nya ang nararamdaman, this time magpapakatotoo na sya.

Masayang masaya ang binata habang pinagmamasdan nya, tipong walang nararamdamang pait, kahit ilang ulit na nya itong sinaktan.

Lalo tuloy sya humanga dito.

Napangiti na lang sya at napasinghap, sana'y maibalik nya ang lahat.

"Wag kang mag alala Cha, di na muna kita gagambalain, mahal kita pero hanggang dun na lang yun" bulong ni Derek habang kinikiliti sa tubig si Lovelyn.

Kinabukasan. . .

Lahat ay may hang over sa naganap na inuman kagabi.

Alas diyes na ng umaga ng umuwi si Derek sa kanila.

Lahat ay nagpasya ng hindi pumasok sapagkat Intramurals naman.

Tulog lang halos ang lahat sa kani kanilang
bahay habang si Derek ay busy sa pagsisibak ng kahoy panggatong.

Matapos ang trabaho ay nagpasya syang magpunta kila Kris, maganda ang panahon at kasarapan maglaro ngayon.

Napangiti pa sya ng maisip ang nangyari kagabi.

"Cha, time na para umiwas, masakit na eh" natatawa nyang bulong.

Masaya syang naglalakad ng mapadaan sya sa isang bakanteng lote na may nakatayong basketball ring.

Simpleng laruan lang ito ng mga taga dun sa lugar na yun.

Maganda ang court, masarap paglaruan.

Sa pagsilip nya sa court ay namataan nya ang isa sa taong hinahangaan nya.

Si Rob ng Taladega HighSchool(kathang isip
muli), ang MVP ng huling tatlong taon, magaling maglaro at kinikilalan isa sa pinakamagaling na manlalaro sa lugar nila.

"Hey dude, ikaw!" nagulat pa si Derek ng marinig na tinatawag sya ni Rob.

"Wow. .ako po ba? Damn idol. .di ako makapaniwala na kaharap kita" paghanga ng binata habang lumalapit sya sa idolo.

"Hey, stop that, nakaka adwa, well, you know who I am, and I also know who you are." nakangiti si Rob kay Derek.

Nagtawanan lang ang dalawa at sabay napatingin sa ring.

"No, hinde. .hinde boss, di ko kayo kaya" agad sagot ni Derek, mukhang iisa ang isip nila ng magkasubukan gayong pareho silang kilala sa
larangan ng basketball.

"Tatangihan mo ba ang idolo mo?" hamon ni Rob.

Napaisip naman si Derek, muli napangiti sya,
magandang challenge to.

"Isa pa, malapit na ang school tournament, patikim lang to para pag nagharap ang school natin, magkakilala na tayo" dagdag pa ni Rob.

Hindi na sumagot si Derek, bagkus kinuha nya ang bola kay Rob at hinagis ito sa Ring.

"Game" ika nya.

Nagsimula ang laro sa simpleng toss coin, kay Rob ang bola.

First time tumibok ng sobrang bilis ang dibdib ni Derek ngayon, kabang kaba sya.

Basketball [R -18]Where stories live. Discover now