15: Laro na

4.7K 31 0
                                    

Rated [18]....


Matapos makamit ng mga manlalaro ang kanilang Jersey ay masayang nag uwian ang bawat isa.

Ngiti ng pagkasabik sa paglalaro sa court.

Sabik ng maghiganti sa mga nang-api ng nakaraang liga.

Naiwan sa locker room si Derek, matagal nya kasing tinititigan ang jersey nya.

May munting luhang pumatak sa mata ng binata.

Matagal nyang pinangarap ito, luha ng kasiyahan, pinunas nya agad ito at ngumiti.

Kung may makakakita sa kanya ay pagkakamalan syang baliw.

"Hi", bati ni Charity mula sa likod nya.

Nagulat pa ang binata at pinunas ulit ng maigi ang matang kanina lang ay may luha.

"Hello" tipid na sagot ng binata at dagling tumalikod sa dalaga.

Pero bago pa man sya makaalis ay tinawag sya ng dalaga.

"Hanggang ngayon ba iiwasan mo ako?" tanong nito garalgal ang boses.

"Cha, hinihintay ako ni Naomi sa labas, di kita iniiwasan" sagot ng binata, naawa sya ng makita si Charity.

Para itong batang humahagulhol.

Naguilty sya, hangang kailan nya dapat parusahan ang dalaga sa kasalanan nito.

Nilapitan nya bigla si Charity.

"Wag ka ng umiyak, smile ka na.

Bukas na ang laban natin, ilalampaso natin yung Liliputh University, trust me" pang-aamo ng binata.

Di naman tumigil sa pagiyak ang dalaga, tiningnan sya ng binata, maganda talaga si Charity, kaya naman hanggang ngayon ito pa rin ang mahal nya.

Pero may kani-kanya na silang kapareha.

Dahan dahan, inangat ni Derek ang mukha ni Charity.

Tila tumigil ang mundo ng magtitigan sila.

Bumagal ang oras, tumahimik ang paligid.

Tanging pintig ng puso nila ang maririnig.

Dahan dahan lumapit ang bibig ni Derek sa naghihintay na labi ng dalaga.

Nagdikit ang kanilang mga labi.

Pangarap na natupad.
Ang pagibig na kay tagal pinigilan ay tila nagwala.

Matagal magkadikit ang mga labi nila, hanggang kusa silang gumawa ng ritmo.

Unti unting naging marahas ang halikan nila.

Namumungay ang mga mata, nangangatog ang tuhod ni Derek, para syang babagsak.

"Mahal kita Derek" pagtatapat ni Charity.

Pinahid naman ni Derek ang luha ng dalaga.

"Alam mo ang totoo di ba, na ikaw lang ang mahal ko, pero magkalayo na ang landas natin, hayaan na lang natin kung san tayo dalhin ng
tadhana" sagot ni Derek.

Masaya ang dalawa sa nalamang pagtatapat.

"Ehem!" biglang sumingit ang isang boses, dagling naghiwalay ang dalawa.

"Bf, ang tagal mo kanina pa ako nasa baba" anas ni Naomi.

Nginitian nito si Charity at gumanti naman ng mapait na ngiti si Charity.

Inatake ng selos si Cha, lalo na ng makita ang suot ng nobya ni Derek, napaiksing short na
nagladlad ng legs nito.

Mas malaman ito kay Charity at di hamak na mas kaakit akit kesa sa kanya, kaya naman napayuko na lang sya.

Basketball [R -18]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant