17: Game 7 to Final

3.3K 17 0
                                    

<Game 7 to Final>

Ang game 7 sa pagitan ng Harrington at Liliputh ay nagsilbing isa sa makasaysayang laro sa Distrito.

Bago magsimula ang laro ay kinilala si Derek bilang most valuable player ng buong season, pero dahil wala sya, si Kris na lang ang umakyat sa stage at kinuha ang parangal nya.

Sumunod ay ang video na ginawa ni Rob ang pinalabas para magsilbing inspirasyon sa mga katulad ni Derek.

Di halos makapaniwala ang lahat na si Derek ay isang simpleng estudyante lang dati.

Nasa video din ang pag amin ni Mr. Ramos, ang pagpirma nya ng tseke at pag ako nya na anak nya ang dinadala ni Kath.

Sa tagpong ito ay walang kaalam alam ang mga magulang ni Kath tungkol sa pagbubuntis ng dalaga dahil nasa States sila ngunit planong umuwi ngayong buwan.

Marami ang dumalo para saksihan ang
makakalaban ng Taladega University sa finals.

Nandun si Doroy na full support na sa Harrington matapos mamulat sa katotohanan.

Ngunit kapansin pansin na sa lahat ng importanteng tao na dapat manuod ng game, ay wala si Rob doon.

"Team, inaasahan tayo ni Rob, tayo ang mananalo" sigaw ni Kris at saglit na napatingin sa Locker ni Derek.

Di nya namalayan na pumatak ang luha nya sa unang pagkakataon.

"Alam ko nagkamali ako, pero tol Derek, para sayo, igagapang ko ang pangarap ko na nabuhay ng dahil sayo" sigaw nya.
Di din mapigilan ng ilan na maging emotional, puwera lang syempre kay Keith.

Lahat ay handa na, lumakad na sila papunta sa court.

Bumukas na ang ilaw, nag test na ng mic ang announcer, pumunta na sa gitna ang mga player ng isa isang banggitin ang pangalan nila.

Pero lahat ay nagulat ng pag tanggal ng jacket ni Kris ay bumulaga ang jersey ni Derek na suot suot nya.

"Team. Let's play na kasama si Derek, let's win not because magaling tayo, let's win because gusto nating manalo" sigaw ng binata.

Nag simula na ang tip off.

Bawat dribble ng bola, bawat pasa, tira, drive,
cross over, dunk, dun nakita ni Kris ang tunay na Derek.

Kulang ang basketball pag wala ang Derek
Salvador.

Sa wakas, nagising din ang binata, nag mulat ito at nakitang nasa hospital sya.

"Si Kath" agad ang tanong sa Nanay nya na nakaupo at binabantayan sya.

"Anak, nako, salamat po Diyos ko" sabi ng Nanay nya at nag tanda pa ng krus habang pumatak ang luha.

"Nay, sabi ko nasan si Kath," ulit ni Derek.

Ginala nya ang mata nya at nakita sa paligid na wala si Kath, tanging si Rob, Naomi at ang Nanay lang nya ang nandun.

Kusa pa nyang iniwas ang tingin kay Naomi ng magtama ang mata nila.

Maya maya'y dumating na si Kath, agad itong yumakap sa binata.

"Kumusta yung baby natin?" saad ni Derek, ramdam nya ang sakit mula sa pagkakatahi ng tagiliran nya pero di nya to pinansin.

"No, Derek, you must know the truth, di mo ito anak, I'm sorry, I'm so sorry" umiyak na ang dalaga.

"Dude, na set up ka ng matandang principal." dagdag pa ni Rob.

"Ganun ba, pati ba yung kagabi? set up ba yun dude, grabe ang galit sakin ni Charity, kayang kaya nya pala akong patayin" malungkot na kwento ni Derek.

Basketball [R -18]Where stories live. Discover now