When I Am Still Alive

41 3 0
                                    

Nakangiti akong naglalakad papasok sa eskwelahan. Nagpababa na kaagad ako sa driver ko dahil gusto kong lakarin ang isang daan na ito papunta sa eskwelahan. Tansiya ko, mga limang minuto o tatlo lang naman ang aabutin kong paglalakad dito.

Malamig ang simoy ng hangin, ang batis na malapit sa eskwelahan namin ay sobrang ganda ng tubig.

Akala mo nasa isa akong palabas at pati mga huni ng ibon ay nakikisama pa sa pag-aappreciate ko ng paligid ngayon.

Maraming mga tuyong dahon dahil sa mga malalaking puno na madadaanan bago ang eskwelahan namin. I could clearly declare this as a fall season, pero dahil nasa Pilipinas ako walang ganoon.

Tumingala ako at natanaw na pabagsak ang isang tuyong dahon mula sa puno ng Narra. Masaya kong inilahad ang kamay ko para saluhin ito. Matama kong hinihintay itong bumagsak sa palad ko nang biglang may bumangga sa akin.

"Pasensya na..." Nagmamadaling sambit nito.

Napapikit ako sandali at ngumiti. Hinarap ko ang taong nakabangga sa akin para kausapin.

"Ayos lang..." Mahinahong sabi ko. "Pero bigyan mo ako ng magandang rason para banggain mo ako." Madiing sambit ko sa lalaking nakabangga sa akin at pinanlakihan ito ng mata. Mukhang nagulat naman ito matapos akong makita kaya nahulog niya ang mga gamit niyang dala-dala. Mukhang project niya pa yata yung isang dala niya pero nasira. Labas ako diyan ha? Wala nga akong ginagawa at tinanong ko lang siya.

"A-Ano kasi Ivory...L-Late na kasi kaya nagmamadali na ang mga tao. Three minutes—Two!"

Sumigaw ito kaya pinanlakihan ko ng mga mata.

Nilingon ko ang sinasabi nitong mga tao na nasa paligid ko. Madami ring mga estudyante ang nagmamadali at nagtatakbuhan. May mga nagbabike pa at may nasemplang. Mga ibang estudyante naman na may mga dala-dala o subong pagkain na almusal yata nila.

Napailing na lang ako at napangisi. Tiningnan ko uli itong lalaki na 'to sa harap ko.

"Sa tingin mo ba hindi ko alam na late na?"

Mukhang natakot naman ito lalo kayo kumaripas na ng takbo nang hindi nagpapaalam.

Hindi naman ako masamang tao. Hindi ako yung tipong bully sa school kaya ganoon ang reaksyon ng mga estudyante sa akin. Siguro, ako lang talaga yung tipo ng estudyante na pasaway.

Nakarating na ako sa gate ng eskwelahan. Sarado na ang malaking gate nito at may mga kasama akong mga estudyante sa labas na nagmamakaawa sa security guards na papasukin sila.

"Sige na po, may exams po kami ngayon."

"Ako po ang magrereport sa grupo namin at nasa akin po ang presentation."

"Baka po ma-guidance na po ako dahil last warning na po ito. Papasukin niyo na po kami."

Huminga ako ng malalim at ngumiwi dahil sa mga pagmamakaawa ng mga taong ito.

I am an adventurous person. I want to try new things everyday so walang point sa akin ngayon ang pagmamakaawa sa guard para papasukin. Tingin niyo ba hindi ko na ginawa iyon noon?

Nilapitan ko ang babae na nagsabing may presentation sila ngayon.

Natigilan ito at gulat na gulat matapos ako makitang nilapitan siya.

"Marunong ka bang umakyat ng pader?"

Kasama ko itong dalawang babae na nagmamakaawa kanina. Isang may presentation at isang may exam. Tatlo kaming nakatingala sa isa pang gate ng school kung saan ginagamit naming labasan. Sigurado akong walang guard ng ganitong oras dito ngayon dahil nililista nila ang mga pangalan ng mga estudyanteng late doon.

When I Am Still AliveWhere stories live. Discover now