Day 29

5 3 0
                                    

Naglahad ito ng kamay sa akin at ngumisi, "Deal." 

Tinanggap ko naman ito at marahas niya itong hinila na ikinagulat ko. 

"Sorry. Akala ko start na."

"Nathan, tigilan mo 'to." 

"Coach, pumayag na si Haven. Hindi ba, Haven?" 

Tumango ako kay Coach kasi naiirita na ako sa mukha ni Nathan at gusto ko na matapos ito. 

"Hindi pwede 'to!" narinig kong malakas na apila ni Kuya Syn sa likod ko pero wala naman na itong magagawa dahil bukod sa ako na ang pumayag ay nagsusuot na ng ilang gears si Nathan sa harap ko. 

"Mapapaalis na rin kita sa team." 

"Hindi mo sure dahil baka ikaw ang umalis pagkatapos nito. Yah!" Sumigaw ako ng malakas at sinipa ang bandang dibdib ni Nathan. 

Mukhang nagulat naman ito sa naging pagsugod ko kaya natigilan sya noong nasipa ko. 

"Mabilis ka ha," daldal nito. 

Nagkatinginan muna kami, sinusukat ang magiging sunod na galaw ng kalaban. 

"Hindi ka ba natatakot?" Ngising sambit nito.

"Sa'yo? Hindi. Pero kung sa mukha mo ang usapan, oo." 

Ngumisi ako dahil nakita ko kung paano ito mainis dahil sa sinabi ko. 

Nakita kong inilagay ni Nathan ang kanang paa niya sa harap ko. Alam kong susugod na ito at bumubuwelo lang kaya binasa ko ang magiging sunod na galaw nito para maiwasan ko. 

"Akala ko ba magaling ka?" Ngising sambit nito matapos niya akong maisahan. 

Kainis. 

May utak pala ang isang 'to. 

Ang akala ko ay sisipa sya pero sinuntok niya ako sa bandang dibdib. 

Hindi ko na ito pinansin at nagpatuloy na lang. Sinipa ko uli ito pero matapos kong tamaan ang ulo niya ay inis nyang hinawakan ang binti Kong sumipa. 

"Hala. Gago ka?" Iritang sambit ko dahil hindi nya ito binitawan. 

Hawak-hawak nya lang ang binti kong nakataas kaya hindi ako makapagbago ng posisyon. 

"Bitawan mo, nangangawit na ako!" Mariing bulong ko habang pinanlalakihan ito ng mga mata. 

Pero parang natabunan na ng luga ang eardrums ni Nathan dahil hindi niya ito ginawa. Mukhang naiinis pa nga ang mukha niya at ayaw pa rin bitawan. 

"Papakasalan mo ba 'yang binti ni Haven at ayaw mong bitawan?" Rinig kong sigaw ni Thatcher sa likod ko. 

Binitawan niya ito pero itinulak niya ng malakas kaya nawalan ako ng balanse at napaupo sa sahig. Medyo nanghina ang mga binti ko. Para kasing tanga 'tong si Nathan, nainis na yata at hindi matanggap na lamang ako ng ilang puntos sa kanya kaya ganoon. 

"Aray! Gago, Taekwondo 'to hindi wrestling!" Iritang sambit ko matapos ako nitong daganan. 

Narinig kong pumito ang ref pero hindi pa rin ito tumitigil. 

"Nathan, putangina mo!" Narinig kong sigaw ni Jav sa hindi kalayuan. 

Huy, marunong pala magmura ang batang iyon? 

Nagkaroon ng komosyon habang nakadagan sa akin si Nathan at ginagawa akong upuan. 

Tarantadong 'to. Hintayin niya lang akong makawala rito. 

Naramdaman kong hinila ni Nathan ang isang kamay ko. 

Nakita ko si Jav at Charles na paakyat na sana pero natigilan. 

When I Am Still AliveWhere stories live. Discover now