Day 30

6 3 0
                                    

"Sigurado ka bang ayaw mo bumaba rito?" Tanong uli sa akin ni Kuya Syn pero umiling lang ako.

Sinuot ko na ang hoodie at shades pagkalabas ko ng kotse ni Kuya.

Hindi ko alam kung pinagtitinginan ba ako ng mga tao rito pero kailangan kong mag-blend in lang sa crowd. Dahil ngayong araw, papanoorin ko ang sayaw nila Thom.

Oo, si Thom lang ang papanoorin ko at wala muna akong balak magpakita Kay Huss dahil sa nangyari kagabi.

Alam niyo, sa totoo lang, wala naman akong pakialam sa nangyaring IG live ni Huss kagabi. I couldn't care less dahil siya rin naman ang mapapahiya sa ginawa niyang iyon pagkagising niya. So, it doesn't bother me a bit.

Ang kaso putangina, kaninang umaga lumabas ako ng bahay para sana mag-jogging at makalanghap ng hangin kasabay ng paglasap ng balat ko ng araw dahil maaga pa 'yon at may vitamins. May nakita akong tatlong babaeng naglalakad. Hindi ko naman ito pinapansin dahil patuloy lang ako sa pag-jog pero nagulat na lang ako ng biglang sumunod na ito sa akin na mag-jogging din.

"Hindi ba ikaw si Haven? Ikaw yung babae sa ig live ni Hussein?" Tanong ng isa habang hinahabol nila ako.

Nilingon ko ito sa gilid ko habang patuloy sa pagtakbo.

"Sumagot ka girl! Gusto kasi namin malaman!" sambit ng isa habang hinihingal na.

At dahil naawa ako, tumigil na ako.

Nilingon ko sila.

"Anong problema niyo?" Sambit ko habang tinitingnan ang suot kong relo.

"Ang sabi ko...ikaw ba si Haven?" Sambit ng babaeng mayroong mahaba at alon alon na buhok.

"Oo," sambit ko habang nakatayo sa harap nila at nakalagay ang isang kamay ko sa bewang ko.

"Siya nga!" Bulong ng katabi nitong isa.

Nagkatinginan sila at tsaka nagsalita muli sa harap ko.

"Sumama ka sa amin! Hindi porket si Haven ka or maganda ka ay pwede mong gawin kay Huss iyon! Hindi mo ba alam kung ilang taon ng crush ni Geira si Huss?"

"Hindi ko alam," diretsong sambit ko at tinalikuran na sila.

"Manong!" Sigaw ng isa na hindi ko alam kung sino at tsaka may tumigil na isang malaking van sa harap ko.

Lumabas din ang isang lalaki sa tingin ko ay nasa 40's niya na at pinilit na sumakay ako sa van nila.

"Hoy? Ano 'to? Lintek, ang aga aga!" reklamo ko habang nagpupumiglas at hindi nagpapadala.

"Omg! She's so heavy! We need to help!" Sambit nung isa at tinulak din nila ako.

Putangina. Ano 'to kidnapping ng alas singko ng umaga?

At dahil maaga, walang tao sa kalsada at kami lang.

Nakalayo na rin ako sa bahay namin at walang katapat na bahay ang hinintuan namin ngayon.

Habang patuloy akong nagmamatigas, pinagmasdan ko ang mga babae sa harap ko.

Mukhang rich spoiled brats lang naman sila. They seem harmless at nilingon ko ang driver nitong walang suot na kung ano kung hindi ang uniform lang nitong kulay puti.

Mukhang wala naman silang ibang gamit para patulugin or sapilitang isama ako.

Sinipa ko na lang ang driver at tinulak ang mga babaeng nakahawak sa akin. Pare-pareho silang natumba sa sahig at dinaluhan nila ang babaeng may mahaba at alon na buhok.

"Miss Geira! Ayos lang po ba kayo?" Sambit ng driver.

Nagpagpag naman ako ng damit at nilingon ulit sila.

When I Am Still AliveWhere stories live. Discover now