Day 21

14 3 0
                                    

"Kidnapping 'to!" Malakas na sambit ko matapos nitong tanggalin ang kamay sa bibig ko.

"Unang-una hindi ka na bata para sa kidnapping. At hinding-hindi magbibigay ng ransom money ang Kuya mo dahil baka siya mismo ang pumatay sa nangkidnap sa'yo." Sambit nito at pinahid ang kamay sa suot na damit. "Kadiri yung laway mo ampota." Bulong nito at inirapan ko na lang siya.

"Bakit dito pa natin siya dinala?" Bulong ni Nixon.

Nandito lang naman kami sa sinasabi nila Kuya na haunted na naging bahay ng Janitor sa school.

"Kita mo namang ang lakas ng bunganga ng babaeng 'yan. Ewan ko ba kung anong nangyari, hindi naman ganiyan si Haven dati." Sagot nito at mabilis kaming nagkatinginan ni Nixon.

There he goes again giving me that look he gave me sa office niya. The look that he knows something and he's going to find it out no matter what.

"Tss. Ako nga 'to si Haven na mahal na mahal si Hussein." Sarkastikong sambit ko pero hindi nila ako pinansin.

Nakikita kong magbubulungan sila pero hindi nila ako sinasali. Kaya ang ginawa ko, tumayo ako sa kinauupuan ko at tsaka dahan-dahan na nagtungo palapit sa kanila. Nakinig ako sa usapan nila.

"Sinabi mo ba sa kaniya, Nix?"

"Hindi. Wala akong sinasabi sa kaniya about kay Irish bukod lang sa alam ni Madison. Mabuting yung kay Madison muna ang malaman niya at huwag 'yung sa'yo."

"Bakit? Ano ba yung kay Yohann?" Pagsingit ko sa kanilang dalawa kaya pareho silang nagulat.

Pumikit sandali si Yohann na parang nauubos ang pasensya at pareho kaming nagkatinginan ni Nixon. Inayos ni Nixon ang salamin niya at tumikhim.

"Haven, bakit hindi ka muna umalis?" Sambit ni Nixon sa isang mahinahong tono pero na-offend ako.

"Excuse me? At bakit?" Sagot ko at napahawak sa dibdib.

Alam kong mabait si Nixon, actually sa kanilang lahat na magkakaibigan siya na ang pinakamatino sa lagay na 'yan. Pero nakaka-offend sya today ha?

"Hindi, 'wag na, Nix." Pagpigil at pagsasalita bigla ni Yohann. Nilingon ko ito sandali at tinaasan ng kilay. Nagkatinginan kami at tinaasan din ako nito ng kilay. "Gusto mo talaga malaman?" Seryoso ang boses nito at sobrang lamig ng ekspresyon. Sobrang puti na nga, tapos ganito pa itsura. Walang pinapakitang emosyon, multo yarn?

"Hindi ikaw ang may kasalanan ng lahat, okay? Hayaan mo na lang si Jad, baliw lang 'yun."

Kumunot naman ang noo ko.

"Alam mo, wala namang malinaw sa sinabi mo."

Tumango lang si Yohann at pinagpag ang suot ni puting t-shirt at itim na slacks.

"Good, 'yan kasi talaga intensiyon ko, ang maguluhan ka." Sagot nito at dahan-dahan na ngumisi.

Kumunot naman ang noo ko at nilingon si Nixon sa gilid ko para sana humingi ng tulong pero mukhang isa rin itong naguguluhan.

"Ngayon, pwede ka na bang..." Tumigil ito at iniangat ang kamay at iminuwestrang umalis na ako.

Sinamaan ko ito ng tingin at nagmartsa palabas. Malapit na ako sa pintuan pero may nakalimutan ako kaya nagmartsa uli ako palapit sa kanilang dalawa. Tahimik at nagtataka na nakatingin sila Nixon at Yohann sa akin, siguro iniisip kung ano na namang trip ko sa buhay.

Pero, totoong may naiwan ako kaya babalikan ko lang.

Sinungitan ko nang tingin si Yohann at inirapan. Matapos ay hinawakan ko ang braso ni Nixon.

When I Am Still AliveWhere stories live. Discover now