Day 32

10 3 0
                                    


"Hi, Ivory!" sambit ko..ay ni Haven pala.

"Wait, nasa langit na ako?" gulantang kong sagot after makita si Haven sa panaginip ko at makita ako na nasa totoong katawan ko.

Mahinhin itong tumawa at umiling.

"No. Nananaginip ka lang."

Nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa sinabi niyang iyon.

"So, ibig sabihin buhay pa ako?"

Tumango ito.

Mabilis na nagtungo si Haven sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

"Thank you so much for doing all this for me!" bulong nito habang yakap yakap pa rin ako. Nagtataka man pero hindi ako kumalas o gumawa ng kahit anong galaw.

"I'm really really thankful na ikaw ang napili ko at nakilala ko..." patuloy nito.

Teka, anong napili?

Ano ako 'The Chosen One' sa mga palabas?

"Anong sinasabi mo Haven?" naguguluhang sambit ko

"Hindi na yata ako makakabalik, Ivory." Malungkot itong ngumiti sa akin.

"Ha? Nagpapaalam ka na ba? Teka lang, hindi ko pa nga naaayos lahat.."

"Alam kong maaayos mo, nakikita ko. At maraming salamat sa'yo." Niyakap uli ako nito.

"Basta, tandaan mong si Nixon ang makakatulong sa'yo lahat kaya tama ka ng unang sinabihan. Siya nakakaalam kung paano mo makakausap si Kuya Syn at si Yohann tungkol sa nangyari sa amin ni Irish."

Nawala na lang ng biglaan si Haven at naging itim na lang ang lahat. Narinig ko na rin ang mga nasa paligid ko. Bukod sa makina ng ospital sa gilid ko ay naririnig ko ang mga bunganga ng mga kaibigan ni Haven at pati ni Kuya Syn.

"Anong ginagawa mo rito? Ang tigas talaga ng ulo mo at nagpunta ka pa!"

"Gusto mong makita si Haven? Huwag ka ngang magpatawa, Jad. Halos isuka mo na siya lagi sa school tapos pupuntahan mo ngayon? Hindi porket niligtas ka niya sa kung ano mang kagaguhan ang ginawa mo, magkakaayos kayo at papapasukin kita!"

"Teka, huwag ka ngang manguna diyan, Huss! Linya ko 'yan dahil ako ang Kuya!"

Kumunot ang ulo ko dahil sa mga bunganga na iyon.

Mabilis kong idinilat ang mata ko at sinalubong ako ng nakakasilaw na ilaw at puting kisame.

Dahan-dahan akong tumayo dahil nakakaramdam pa rin ako ng kirot sa tagiliran ko. Inayos ko ang sarili ko na makaupo at sinigawan ang mga maiingay sa loob ng kwarto ko.

"Punyeta, ang ingay! Paano makakapagpahinga 'yung tao rito?!" irita kong sambit.

Bumungad sa akin sila Jad, Kuya Syn at Huss na mukhang mag-aaway na at nasa gitna nila si Nixon na taga-awat. Si Yohann naman nasa sofa lang at parang audience na tuwang-tuwa sa napapanood dahil may nginunguya pa ito.

"Haven?" gulantang na sambit ni Kuya at mabilis akong dinaluhan.

"Kuya naman, ang aga-aga ang ingay niyo," naiiritang sambit ko habang hawak ang tagiliran.

"Haven, alas otso na ng gabi."

Nilingon ko si Nixon na talagang tinama pa ako kaya inirapan ko ito.

Nanatiling nakatayo sa malayo si Huss at Jad sa akin. Si Kuya Syn lang ang nasa tabi ko ngayon na hinihimas ang buhok ko na parang nanay ko.

"Oh. Ano pang ginagawa niyong dalawa? Lumapit na kayo," utos ni Yohann na nakaupo pa rin.

When I Am Still AliveWhere stories live. Discover now