Chapter 5: Truth

743 66 25
                                    

ABBY'S POV

Nasa school na kami no'ng nag message si Gia, sure akong unti unti na kaming mag sasama sama ulit.

Nakapag desis'yon na rin si Belle, nag transfer s'ya rito for Ecka aka Elyse. So magkaklase kami, si Rans iba course n'ya kaya tuwing breaktime lang kami nag kikita.

"Buti na lang may kapit sila Ella kay Ecka 'no, tagal na natin hinahanap 'yong codex e." Sabi ni Belle.

"Kayo lang nag hahanap, ako nag bigay kay Elyse no'ng codex e. Kaya sure akong nando'n 'yon sa mansion nila."

"Abby sakalam."

"Excuse me, Ms. Delos Reyes and Ms. Trinidad, can you two stop chitchatting while I'm teaching y'all our history?"

"We already knew that naman na po e. So don't worry." Pagka sabi ni Belle no'n ay siniko ko s'ya.

"Gago ka ba?" Pabulong kong tanong.

"Mas gago ka, ina mo ang sakit ng pagka siko mo sa'kin."

"Bakit mo naman sinabing alam natin 'yon?"

"Totoo naman kasi diba?"

"Ehem, nag bubulungan pa talaga kayo d'yan. So Belle, alam n'yo na pala ang history ha? Let me try you two kung nakikinig kayo."

"When did Ex Pres. Ramon Magsaysay died? Be specific, where and why did he die?"

Wow, alam ba 'to ni Belle? tinira talaga s'ya ng prof namin.

"He died at March 27, 1857 due to plane crash in Manggal, Cebu." Nice tama s'ya.

"What did Ex Pres. Magsaysay known for?"

"President of the poor." Lez go.

"Pretty great. But what happened in 1899?"

"Which one whould you like to know prof? The day when General Luna, Antonio to be exact killed or when General Emilio Aguinaldo was sworn into office as the president of the Philippine Republic?" Wow, naka bisado n'ya talaga.

"Very well, you may take your seat. Just don't talk when I'm discussing things here."

Bumalik na sa pag turo si prof, nag hairflip pa si Belle. "Pa'nong hindi mo alam history e mas matanda ka pa sa mga nangyaring 'yon."

"Kaya nga basic lang e."

SELA'S POV

"Wow, she knows everything that our prof asked." Ecka stated.

"Ang galing 'no? tsaka may friend pala si Abby. Akala ko wala s'ya magiging kaibigan dahil sa ugali n'ya."

"Ang sama naman Marsela ha, jan nag umpisa lolo't lola ko e."

"Pang b'wiset ka talaga e 'no." Pag tataray ko.

BREAKTIME...

Dito na kami ni Ecka sa cafeteria.

"Mars diba si Abby 'yon? May mga kasama s'ya o."

Napa tingin naman ako. Oo nga may kasama s'yang dalawang babae

"Buti naman at may kaibigan s'ya, siguro pare parehas sila ng ugali. Mga bastos." Pagka tapos kong sabihin 'yon ay siniko ako ni Ecka.

"Hindi naman po kami bastos, si Abby lang." Sabi ni Belle.

"Hi, p'wede bang maki upo?" Tanong nung isa nilang kasama.

"Ay sige ok lang." Ngiting sagot ni Ecka.

Through Your Fangs Where stories live. Discover now