Chapter 41

24 1 0
                                    

Chapter 41


The room was filled in silence after that. Tahimik akong nakaupo sa kama ko habang nakatayo naman si Van at nakatitig sa kawalan. The painful silence is giving me so much time to feel my heart shattering.


Pinaglaruan ko ang mga daliri ko at kagat kagat ko din ang labi ko. It's already bleeding. Mahapdi na dahil sa sugat mula sa pagkakakagat ko pero wala naman akong ibang pagtuonan ng pansin.


Van sighed and I bring up my eyes to him. Nakatitig na sya sa akin at mabilis akong nag-iwas ng tingin. Huminga ako ng malalim.



"Introduce me to him." he said.



Lumunok ako at hindi nag-angat ng tingin sa kanya. Tumango ako sa kanya. Tinakasan na ako ng boses ko para magsalita pa.



I stood up. Umayos din ng tayo si Van. Pumikit ako at huminga ng malalim.


"Giddeon... His name is Giddeon." I said. I took a glance of Van and I saw him clenching his jaw.



"Magf-four na sya sa Sabado. And... He knows about you." pag-amin ko.


Nakitaan ko ng gulat ang mata nya pero hindi ko pinanatili ang tingin ko.



"H-He asked why he doesn't have a daddy. I- I told him you are far away."



Humugot sya ng malalim na hininga. Napatingin ako dahil sa lakas noon. When our eyes met, I cannot read what is his expression now.


"I want to know him." he said.


I swallowed the lump in my throat then nod. Sinigurado ko na maayos na ang itsura ko bago lumabas ng kwarto. Tahimik lang si Van na nakasunod sa likuran ko. Naabutan ko si Giddeon na nakaupo sa mat nya at naglalaro ng mga laruan na binigay sa kanya ni Gab.



Tumigil ako para hintayin si Van. When I looked at him, his eyes are already directed to Giddeon. Kita ko ang mangha at lungkot na pinaghalo doon.


Suminghap ako at naglakad papalapit sa anak ko.



"Baby..." I said.


"Mommy, cocomelon. Open ng TV." he demanded.


Tipid akong ngumiti bago tumango. Binuksan ko ang TV at nang tumunog ang pamilyar na kanta ay nawala ang atensyon sa akin ni Giddeon.


For a moment, I hesitated to tell him that his father is here. I don't know what will be his reaction. Nasabi ko sa kanya na nasa malayo ang daddy nya at alam nya din na hindi nya totoong tatay si Gab. He cried that night. My heart breaks that night and I don't want to hurt my son again.


Lumingon ako kay Van at mas nasaktan ako nang makita kung paano sya tumitig sa akin. His eyes are pleading me... Begging me. Kinagat ko ang labi ko.



"Giddy..." I called my son.


"Hmm?"


"Someone wants to know you." I said. Lumingon sa akin si Giddeon at inosenteng kumunot ang noo. My lips curved into a smile when he resembles more of his father.


"Who?" he asked. Nilingon ko si Van. Nakakuyom ang mga kamao nya at mariin ang titig kay Giddeon. Binalik ko ang tingin sa anak bago ngumiti.



"Giddeon, remember when I told you that your father is away?" I bit my lip.


He didn't answer. Lumalam ang mata nya at gusto ko na lang syang yakapin.


To Fall ApartWhere stories live. Discover now