Part 1: Ikaw at Ako..

236 9 0
                                    

Ilang taon na din ang lumipas ng maghiwalay kami ni Chaeng..
Actually,hindi pala kami naghiwalay, kundi iniwan nia ako ng walang maayos na pamamaalam, walang kahit anong sulat or tawag man lamang sa telepono. Inisip ko nuon, ganun na ba sya galit sakin para iwanan nia ako sa ere? Sa gitna ng mga pinagdadaanan naming problema sa aming relasyon bilang mag-girlfriend? Sapat na bang dahilan ang mga iyon para umalis sya at iwanan na lang ako ng ganun?
Sa totoo lang, hindi ko rin alam ang totoong dahilan, kahit ang mga magulang ni Chaeyong na aking pilit inaraw araw na usisain eh hindi nagsasalita kung asan sya ng mga panahong iyon. Pinilit ko syang hanapin, pinilit kong itama ang anumang naging problema namin nuon, pero bakit hindi pa rin naging sapat ang lahat? ..
Sabagay, siguro nga tama na rin na mangyari ang lahat ng ito sa pagitan naming dalawa. Kasi,eto na ako ngayon..
Ako si Mina, isang kilalang magaling na doctor dito sa isa sa pinakamagandang hospital sa Seoul. Kung tutuusin mo nga daw sabi ng ibang tao, hindi ko na kailangan pang magtrabaho, dahil sa mga natamo kong pagsisikap,isa na
din siguro ako sa mga nakaka angat sa buhay, pero dahil nga hindi naman ako mukhang pera, at ang puso ko talaga ay para sa mga may sakit, ako ay nagpapatuloy pa rin sa aking pagigising isang doctor.
Ganun pa man,sa mga lumipas na mga nagdaang panahon, hindi ko pa rin maiaalis na hanapin at mangulila sa iisang taong aking minahal at minamahal magpaka hanggang ngayon.... si chaeyong...

Flashback 6 years ago..

Mina's Pov:

Unang araw ko ngayon bilang isang Residente dito sa Seoul hospital. Oo,kinakabahan talaga ako kasi unang sabak ko to bilang isang totoong doctor,at dito pa talaga ako na-assign sa medical floor ng hospital. Pangarap ko naman talaga ang maging doctor nuon pa, hindi ko rin alam pero malambot talaga ang puso ko sa mga may sakit, siguro dahil na rin ng mawala ang aking ama ng dahil sa sakit,naging inspirasyon sya upang ipagpatuloy ko ang aking pangarap...

"Hmmm kaya mo to Mina,aba aba hindi ata biro ang dinanas mo sa medical school" nasambit ko sa aking sarili habang ako ay naglalakad papuntang 5B ward kung saan ako magrorounds kasama ng ibang kapwa ko doctor.

"Doc Mina,welcome po sa 5B,dumating na po ung admission natin galing ER, 19 years old female doc,admitted due to pneumonia,currently nakaswero pa doc at walang ganang kumain, Son chaeyong po ang name,room 114.." sabi ng nurse sakin pagdating ko sa ward.

"Hmmm..Son Chaeyong,cute naman ng name..kmusta ang pasyente,bata pa ah.." banggit ko naman sa nurse na aking kausap.

"Matamlay doc ng dumating dito,nilalagnat din po dahil na rin siguro sa pneumonia,39 degrees doc pero ongoing na po ang paracetamol,oxygen saturation nia po 96 percent on oxygen po at 2liters doc,medyo hinahapo po eh,..tara doc mina samahan ko na po kayo.."

Dumiretso kami sa room 114 at marahang kumatok kasama ang nurse na aking kasama,pagpasok ko sa pintuan eh tumambad sakin ang natutulog na batang babae,napakaganda at napaka amo ng mukha nia..ngayon lang ako nakakita ng napakaganda mukha katulad nia, i mean nakakabighani ito, mahaba ang buhok nito at mukhang napakalambot,nakasuot ito ng salamin,maputi at makinis ang balat. Mahimbing syang natutulog,siguro dulot na rin ng pagkapagod nito sa pinagdadaanang sakit, nakaswero ito at nakaoxygen na mukhang hindi sya ganun kasanay at sa twing magagalaw nia ang kamay nia eh halos matatanggal nia ang mga nakakabit sa knya habang sya ay tulog.
Marahan kaming lumapit papunta sa knya at napansin ko ang lalaking tumayo at nakangiti samin. Matipuno ang katawan nito at napakaformal ng suot,halatang edukado at hindi basta basta,lunapit ito samin at nagpakilala.

"Magandang umaga doc..kayo po ba ang titingin ke Ms. Son?" Banggit ng naturang lalaki.

"Yes po sir,I'm doctor Mina,medical doctor po dito sa 5B.and this is nurse Dahyun,it's nice to meet you..ahmm by the way kaano ano po kayo ni Ms Son Chaeyong?" Nakipagkamay ako sa lalaki at tinugon ang mga tanong nito.

"Ako po si Mr. JYP,ang personal buttler ni Ms. Son, dinala ko po dito si Ms. son kaninang umaga kasi wala po syang ganang kumain at ilang araw na rin nilalagnat..kmusta po ba sya doc" sambit ng lalaki..

Personal buttler? Nagtinginan kami ni nurse dayhun,mukhang nasa alta sa ciudad ang aming pasyente.Sabagay,kung titignan mo syang mabuti,mukha naman talagang mayaman ang pinang galingan ni Ms. Son,
Makikita mong pati ang kobre kama ay iba mula sa ordinaryong ginagamit dito sa ward,aba naman si dayhun oo,hindi naman ako sinabihang VIP pala ang pasyente..nakapaghanda man lang sana ako.😊
Anyway,sinagot ko si mr jyp..

"Base po sa mga laboratory results nia at chest xray,si Ms. Son po ay nagkaroon ng acute pneumonia,lung infection po ito,siguro po ay naexpose sya sa taong may pneumonia or sa pagod na din po,pero mabuti na lang at nadala nio sya kaagad ng hindi lumala ng ganun kagrabe, kailangan lang po nia ng antibiotic na ipapadaan dito sa swero ng ilang mga araw at habang hindi pa mabuti ang kanyang paghinga eh itutuloy pa din po natin ang kanyang oxygen..may tanong pa po ba kayo sir?"
Banggit ko ke JYP habang ineexamine ko si Ms.Son,hindi ko maiwasan na maamoy ang napakabangong katawan nito,hinawakan ko ng marahan ang braso nia para makita masteady ang position nito habang tulog,at duon ko napansin ang kagandan nito ng sobra lalo na sa malapitan,naamoy ko ang hininga niang napakabango na amoy mint, at kahit tulog sya eh napaka amo ng kanyang mukha.Para akong nawawala sa sarili habang pinagmamasdan ko ang babaeng pasyente ko, biglang bumilis ang tibok ng puso ko at nararamdaman kong parang may iba sa tyan ko,.ang ganda nia...naisip ko sa aking sarili. Bumalik lang ako sa pagiisip ko ng marinig ko si JYP..

"Mabuti naman po doc mina,ahmm sige po kung anong makakabuti ke ms son,.doctor mina..meron po sanang pakiusap ang mga magulang ni ms.son.."

Nagulat ako sa knyang sinabi,pero nonetheless sinagot ko,nahihiwagaan ako ng medyo dito sa ms.son na to,

"Ano po un sir.."

"Pakiusap po ng family Son na kung pede po sana ay confidential ang lagay at status ng kanilang nagiisang anak..para na din po sa safety nia. Sana po ay makakaasa kami sa cooperation ninyo"

Nagulat ako sa sinabi nia,.sino ba itong si ms son at parang ang vip naman masyado? Ganun na ba ako kabusy para diko na kilala ang mga sikat na tao? Artista ba sya? Hahaha or ang family nia?..nagtinginan kami ni nurse dayhun at tumango. Part naman ng work namin ang confidentiality kaya ito ay walang problema.

"Opo naman sir jyp,confidentiality is our utmost priority,so you dont have to worry about it. Anyway i will come back in the evening to check on Ms. Son,baka gising na po sya nuon,pero for the meantime na may need po kayo,ipatawag nio lang po kaMi..thank you sir jyp.."

Tumango at nagpasalamat samin ang buttler ni chaeyong,yan na lang tatawag ko sa babaeng napakaganda. At bago ako lumabas ng room,nilingon ko ulit ang mala anghel na pasyente ko habang mahimbing na nagpapahinga.
I started to feel happy all of a sudden,i knew my kakaibang effect ito sakin,para akong na-love at first sight.😊 hay..mina,control yourself.

Paglabas namin ng room,sabi ni dayhun sakin..
"Doc ang ganda nia no? Parang artista..siguro napakayaman nila..igogoogle ko nga background nian.😊" ngiti nito sakin..

"Uy! Kakasabi nga lang satin db,ikaw nurse dayhun,,wag mo na igoogle kasi baka mawalan pa tayo ng work,basta for sure baka vip nga sila,at hindi natin sila kilala hahaha.anyway maganda nga sya talaga,kaya naman ituloy mo lang ung pag aalaga mo ng maayos sa mga pasyente ha,sa lahat ng pasyente okay? Babalik ako mamaya.." banggit ko ke nurse dayhun na nakangising tumango sakin at nang asar..

"Yes boss!😊 hmmm crush mo un doc no? Hehehe😊.."

Namula ako sa sinabi nia at bumilis na naman ang puso ko,.crush ko ba sya? Baka..ewan ko..basta ang alam ko lang,simula ng makita ko sya eh may kakaiba nakong nararamdaman.
"Huy ikaw ha,nakakahiya..😊 mamaya eh,dyan ka na nga😊 see you later"

Bunalik ako sa office ko at nagisip,baka nga crush ko sya..kakaiba eh,at nahihiwagaan ako talaga sa pagkatao nia. Baka nga kailangang kilalanin ko sya at ang background nitong si son chaeyong,.
Pero kailangan ko munang mapagaling sya at hindi kaya ng puso ko ang makita syang ganun..

Ikaw at ako..Where stories live. Discover now