Part 5: ikaw at ako..

73 7 0
                                    

Nagpatuloy ang magandang pagsasamahan ng dalawang tao,kahit na nahihirapan minsan si Mina na isali ang sarili sa mundong ginagalawan ng kanyang mahal. Alam ni Mina na si chaeyong belongs to an elite family at Seoul. Heredera ng pinakamalaking pharmaceutical company ng south korea,pero ganun pa man, hindi naman ipinaramdam ni chaeyong na napakataas nito over Mina. In fact, pinanatili ni chaeyong ang privacy ng knyang relationship sa babaeng kanyang pinaka mamahal.
Pero katulad ng ibang relasyon,sinubok ng panahon ang kanilang pagsasama..
Naging abala si Mina sa pagiging doctor nito dahil na rin sa pagspespecialista nia,naging madalang ang oras nitong makasama si chaeyong. Nung una naiintindihan naman ito ng dalaga bilang sya rin ay abala sa knyang trabaho.

Naging madalas na nagduduty sa hospital ang doctor Mina hanggang sa makilala nito si doctor Bambam, isang cardiology doctor sa parehas na ospital. Naging malapit ang loob ni mina sa mangagamot at unti unting nawalan ng oras ke chaeyong. Nalilito ang puso ni Mina kung dapat pa ba nitong ituloy ang relasyon ke chaeyong, samantalang kung tutuusin, eh magkaiba naman talaga sila ng mundong ginagalawan. Ang lahat ng ito ay lingid sa kaalaman ni chaeyong, patuloy na tinatawagan ni chaeyong ang kasintahan para ayaing makasama ito, pero parating "busy ako" or " sa susunod na araw na lang" ang parati nitong tugon. Lahat ng ito ay tiniis ng dalaga, dahil mahal na mahal nia si Mina. Kahit pa nga napapagod na ito sa kakatrabaho eh pilit pa rin nitong pinaglala anan ng oras si Mina. Hanggang sa isang gabi na maagang natapos si Chaeyong sa knyang trabaho, ay naisipan nitong puntahan si Mina sa kanyang bahay, dahil nabanggit ng dalaga na magpapahinga ito sa bahay nia dahil wala itong pasok. Dali daling inutusan ni chaeyong si jyp na bumili ng pinakamagandang bulalak para ibigay sa kasintahan..

"Ms. Son,ready na po ang mga bulaklak, gusto nio po bang ipagmaneho ko kayo papunta sa bahay ni doctor mina?"

" huwag na jyp kaya ko naman na,besides ayos lang babalik naman din ako at ibang sasakyan ang gagamitin ko para hindi halata ng tao"

"Sige po Ms. Son,kayo po ang masusunod, magmessage lang po kayo kaagad if may kailangan po kayo"

Agad nagtungo si chaeyong sa bahay nila Mina,dala ang mga bulaklak na binili nia para sa dalaga.

"Magugustuhan sana ito ng baby doctor ko, anuman ang ginagawa nia,sana magkaroon ng oras ito para sakin. Sobrang miss ko na syang yakapin at halikan. Kahit saglit lang.."
Nasambit ni chaeyong sa knyang sarili..
Nang dumating na ito sa tahanan ng kasintahan,agad itong bumaba at mabuti naman at walang tao at medyo gabi na. Dahan dahan nitong kinuha ang extra key na ibinilin sa knya ni Mina kung sakaling dadalawin nia ito. Marahang binuksan ni chaeyong ang pintuan. Sa unang tingin eh napakatahimik ng lugar ng dalaga,.
"Hmm asan kaya sya..mina?" Pagdiretcho nito sa loob ng bahay..walang sumagot dito kaya tumungo ito sa kusina, at duon nakita ni chaeyong ang tagpong babago at gugunaw sa kanyang pagkatao.

Si mina,kasama si bambam..naghahalikan?
Gulat, sakit, paghihinagpis ang biglang naramdaman ng dalaga sa tagpong kanyang nakita. Nabitawan nito ang mga bulaklak na kanyang hawak, sabay tumulo ang mga luhang pilit niang pinipigilang ilabas..nasambit na lamang nia ang mga salitang..

"Mina.."

Agad na natigil ang ginagawa ng dalawang taong gulat na gulat na nakitang andun si chaeyong sa harapan. Biglang pumiglas si Mina sa knyang pagkakahawak ke Bambam..lalapitan sana nia si chaeyong pero..

"Akala ko,marami kang ginagawa. Kaya naisipan kong surpresahin ka at dalahan ng bulaklak,.ito pala ang ginagawa mo doctor mina" bumontong hininga si chaeyong at sabay tumalikod ng mahinahon,sabay lumakad palabas ng bahay pero hinabol sya ng dalaga.
Bakas sa tinig ni Mina ang pagiyak nito at hinawakan ang balikat ng kasintahan,pero hindi na lumingom pa si chaeyong..
"Chaeng..magpapaliwanag ako."

Hindi na napigilan ni chaeyong ang lungkot at pighating nararamdaman nito kasabay ng pag agos ng luha nia,rinig na rinig ni Mina ang pagtangis ng luha ng kasintahang mahal nia, ang taong ayaw niang masaktan pero ginawa nia. Hindi alam ni Mina ang gagawin,gusto niang yanapin si chaeyong pero alam nia ang kanyang ginawa..

"Maging masaya ka sana sa knya Mina,"
Nagpatuloy na lumakad si chaeyong na umiiyak at sa huling pagkakataon bago sya sumakay ng kanyang kotse ay sinulyapan nia ang kasintahang sobra niang minahal,nakita niang umiiyak si Mina habang nakatingin sa knya, isang napakalungkot na ngiti ang ibinigay ni chaeyong sa dalaga sabay sakay ng kotse at umalis na.

Makalipas ang ilang araw simula ng masakit na pagtatagpong yun, pilit na inayos ni Mina ang relasyon nito ke chaeyong. Araw araw nitong tinatWagan si chaeyong sa kanyang telepono pero hindi nito sinasagot. Nilinaw din ni Mina ang namagitan sa knila ni Bambam at ipinaliwanag nito na si chaeyong ang kanyang totoong mahal. Alam ni Mina na walang kapatawaran ang nagawa nito ke chaeyong, dahil alam niang nagkamali sya dito. Ilang beses man sisihin ni Mina ang kanyang sarili sa nagawa nito ay wala na syang magagawa, kundi siguro ay ayusin ang kung ano mang natitira sa relasyon nila ni chaeyong.

Araw araw pinupuntahan ang opisina ng kasintahan upang magpaliwanag at humingi ng tawad,pero parating si jyp lang ang humaharap dito.

"Doctor Mina, kayo po pala. Ano pong satin"

"Si Ms. Son,andian ba sya? Pwede ba syang makausap? Kahit sandali lang jyp..please.."

" doctor Mina, im sorry po pero mahigpit po ang bilin ni ms. Son, hindi pa po nia kayo kayang makausap. I hope you understand doc, what you have done hurt her the most. Alam mo ba, alam ko hindi ko dapat sasabihin ito, pero the day she surprise you, pinaghandaan nia yun, in fact she bought tickets for both of you to spain, to have a vacation. Pero wala, nabalewala mo yun doc.. she loves you so much and she still does pero nasasaktan sya, please."

Umiiyak si Mina na marinig ito, kasalanan nia ang lahat, napakasama nitong tao para deserve pa si chaeyong. Umalis si Mina na bigong makausap ang pinaka mamahal.

Lumipas ang ilang buwan, nabalitaan na lang ni mina sa tv ang balitang umalis si chaeyong ng bansa.

"Son Chaeyong, the heiress of Son's Industries were reportedly seen at the incheon international airport,leaving the country. Reports said it was the heiress decision to leave Seoul for no definite time to settle some matters. The Son's industries for the meantime will be taken cared of by her parents."

Halos magunaw ang mundo ni Mina sa knyang napanuod sa tv, hindi nito akalain na ang kanyang minamahal na chaeyong na kanyang nasaktan eh sya namang aalis para iwanan sya.
Galit at matinding kalungkutan ang naramdaman nito sa sarili, kung hindi sana sya naging pabaya sa relasyon nila ni chaeyong, sana kasama pa nia ito hanggang ngayon. Miss na miss na nito ang mga ngiti ng dalaga,ang mga halik at mga matang sa knya lamang iniaalay ng dalaga. Pero lahat un ay binalewala nia. Hindi man sya kinausap ni chaeyong eh sana dumating ang araw na mapatawad sya nito,dahil alam ni Mina na si chaeyong lang ang taong mamahalin nito habang buhay.

Ikaw at ako..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon