Part 16: Ikaw at ako

65 8 4
                                    

Natapos ang matagumpay na meeting ni chaeyoung sa kanyang business partners. Dali dali itong umuwi pabalik sa penthouse nito upang ayain lumabas ang kanyang nobya. Habang asa daan si chaeyoung, kinuha nito sa bag nito ang isang box kung saan nakalagay dito ang isang diamond ring na pamana ng kanyang ina. Tinitigan niya ito at naisip ang bilin ng ina na ibigay ito sa babaeng gusto niyang makasama sa habang buhay.

Napaisip si chaeyoung na baka ito na ang tamang oras upang ialok na ito ke Mina at wala naman itong gustong makasama kundi siya. Naisip niyang dalhin si Mina disneyland at dun magpropose. Alam niyang ito na ang tamang pagkakataon. Hindi makaantay si chaeyoung at tinawagan nito ang mga assistant nito na gawing pribado ang isang area ng disneyland kung saan may river dito at palibutan ito ng mga magagandang rosas. Dali dali naman itong ginawa ng kanyang mga tauhan. May enough time pa si chaeyoung na aliwin ang doctora habang inihahanda ang lahat. Gagawin niya itong simple ayon sa gusto ng nobya.

Nang makarating ang dalaga sa penthouse nito, nagmamadali itong pumunta sa kwarto nila at naabutan niya si Mina na natutulog. Marahil ay napagod ito sa byahe at sa kaninang activity nila. Marahan nitong nilapitan ang dalaga upang gisingin. Tumabi si chaeyoung sa tabi ng dalaga at hinagkan ang labi nito. Hinawi niya ang mga buhok ng dalaga. Maya maya nagising na ang doctora.

"Hmmm love andiyan kana pala. Kanina ka pa ba? Sorry nakatulog nako" mahinang banggit ng doctora. Nakangiti naman ang chaeyoung at nagsabing.

"Kakarating ko lang love. Actually umuwi ako agad para ayain ka ng lumabas at kumain. Kaya wake up na." Paglalambing ng Chaeyoung. Agad naman tumayo si Mina at umupo sa kama saglit.

"Ay oo nga pala hahaaha. San ba tayo pupunta love? Do you have a place in Mind? Magbibihis lang ako ng mabilis"

"It's a surprise love and yeah magbihis ka na at magbibihis na din ako ng casual wear natin. Gusto mo kasi simple so gagawin nating simple. Suot mo yung hoodie mo na nakapack sa suitcase mo, inayos ko na yun."

"Uhmm okay, ikaw puro bago naman ata itong inayos mong damit love. Terno terno,hindi ka naman handa ah"

"Hahaha hindi masyado so c'mon lets get ready"

Maya maya pa after 30 minutes nakaready na ang dalawa at umalis na sila. Si chaeyoung ang nagmamaneho. Kasunod naman ang mga tauhan nito para hindi halata. Napakasimple lang ng dalawa. Nakapants lang sila at naka sneakers with hoodie and cap. Maya maya pa itinawag na ke chaeyoung ng mga tauhan nito na handa na ang lahat ayon sa iniutos ng dalaga.

"Love where are you taking me ba. " banggit ng Mina.

"Cool ka lang love,were almost near. See andito na nga tayo."

"Wow!!! Disneyland!!! Hahahaha ayos gusto ko dito talaga pumunta! Wow! Ang ganda talaga nito sa gabi. Thanks love" sabay halik sa pisngi ng dalaga.

"Hahaha love teka lang nagpapark ako eh."

"Aw sorry hahaha excited kasi ako"

Nang makapark na ang dalawa. Agad naman silang bumaba sa sasakyan at inumpisahan ang paglibot sa lugar.

Mga kalahating minuto na din silang naglilibot ng makarating sila sa river park na ipinahanda ni chaeyoung.

"Love dun tayo upo maganda dun oh daming flowers." Banggit ni Mina. Masaya naman si chaeyoung at nagustuhan ng dalaga at duon nagaya. Umupo sila sa bench na napapalibutan ng rosas. Maya maya pa,may lumapit ke Mina na isa isang babae at inabutan ito ng rosas, nagulat si Mina pero tinanggap naman ito. Habang tinatanggap nito ang 24pcs na rosas na, nakangiti ito at kinakabahan, nakangiti ang chaeyoung pero si Mina naiiyak na. Nang may mapansin si Minang miniboat na marahang dumadaan sa river at may banner at music na nagsasabing..

"Doctor Myoui Mina..will you be my wife and Marry me?..Son Chaeyoung.."

Hindi alam ni Mina ang gagawin at hindi siya makapaniwala sa nababasa niya. Bigla siyang humarap ke chaeyoung pero nagulat siya na nakaluhod ito at binuksan ang maliit na box na naglalaman ng kumikinang na dyamante..

"C-chaengg.. a-ano to?" Naluluhang banggit ni Mina..

"Love,babe, doctor Mina my one and only. I know nagulat ka pero hindi ko na kaya pang patagalin na aminin na gusto kitang makasama sa araw araw kong nabubuhay. Alam ko andami na natin pinagdaanang dalawa. At lahat yan nalampasan natin dahil mahal natin ang isat isa. There is nothing i could wish for now and forever kundi ang makasama ka. You have been my strength and my will to live. You have captured my heart big time that i cannot imagine my life without you. Kaya naman Mina, will you marry me and be forever stay in my life?" Naluluhang banggit ng chaeyoung.

Hindi na napigilan ni Mina ang umiyak habang hawak ang mga bulaklak nito at nagsabing..

"Yes! Yes! One hundred percent yes! I will marry you and be with you love. I love you chaeyoung! I love you so much" naiiyak na sabi ni Mina at tumayo si chaeyoung at isinuot ang singsing sa kamay ng dalaga. Inakap nito si Mina at umilaw ang mga fireworks kasunod ng pagoo ng dalaga.

"Thank you for saying yes to me love. I love you so much more babe" at hinagkan ang labi nito ng marahan.

"Wag ka ng umiyak tahan na. Kakain pa tayo oh,ipinahanda ko to for us" banggit ng chaeyoung. Pinunasan ni chaeyoung ang luha ng doctora at inakap ito ng mahigpit.

Inalalayan ng chaeyoung ang Mina sa picnic blanket na niready nito habang tuloy tuloy pa rin ang fireworks.

"Love thank you for this wonderful date. This is one and the most memorable dates we have" banggit ng Doctora.

"Lahat ng ito ay for you my wife. You deserve but the best. I love you so much.."

Nagpatuloy ang dalawa sa pagkain at pagmuni muni ng mga nangyayari at ito na ata ang pinakamagandang gabi para sa magnobya...

Ikaw at ako..Where stories live. Discover now