Chapter 31

182 12 4
                                    

Chapter 31
Aphrodite Wesley

NAKATULALA ako sa kawalan habang hinihintay si Edrix dito sa gilid ng bahay. Today, August 4, i will end my relationship with him. Masakit man pero kailangan ko 'tong gawin. Kailangan kong isakripisyo ang relasyon naming dalawa para sa kaligtasan nya. Hindi ko sya maililigtas, isa lang akong mafia reaper at walang kwenta ang pagiging mafia reaper ko kung wala ang boss ko sa tabi ko. May problemang kinakaharap ngayon ang mga taong lubos na tinitingala at hinahangaan ko kaya wala akong choice kundi sundin si Primo sa gusto nya, kung hindi ay masasaktan ang lalaking mahal ko. Ayoko niyon. Hindi ako makapapayag.

Bumuntong-hininga ako. My head is in total chaos. Ang daming nangyari nitong mga nakaraang araw. Inaalalayan namin si Helleia at Mr. Morfell, nawawala din kasi si Danger at hindi ko alam kung anong gagawin ko.

Hinilot ko ang sintido ko. Sobrang nananakit ang ulo ko sa sobrang kaiisip. Isama pang kaarawan ni Phoenix ngayon at gustong-gusto ko syang dalawin.

“Aphro...”

Dahan-dahan kong hinarap si Edrix. He smiled at me at agad akong nilapitan. Hinawakan nya ang mga kamay ko at hinaplos. “Do you wanna visit him? Maaga pa naman, mamaya na tayo pumunta kina Helleia, ibibilin ko nalang kay Wayne ang lakad natin.”

Umiling ako habang nakatitig sa kanya. Kinakabisado ang kanyang mukha.

“Baby...” he tried to caressed my cheeks pero umatras ako kasabay ng pangingilid ng luha sa mga mata ko.

Fear consumed him, i can see it in his eyes. “A-Anong problema, Aphro? M-May n-nagawa ba ako k-kasalanan?”

Umiwas ako ng tingin at mabilis na pinunasan ang luhang kumawala sa mga mata ko. Bumuntong-hininga ako at tininganan syang muli. “I'm breaking up with you.”

A lone tear escaped his left eye. Kumunot ang kanyang noo. “B-Bakit?” he asked. Almost whispering.

Dahil kailangan. Gusto kong sabihin sa kanya ang totoo pero alam kong mapapahamak sya kung magsasalita ako.

“A-Aphrodite, bakit? Bakit ka n-nakikipaghiwalay? Bakit? Bakit?” he desperately searched for my hand and squeezed it.

Hinila ko ang kamay ko mula sa kanya. Sinalubong ko ang tingin nya at hindi na pinunasan ang luhang pinakakawalan ng mata ko. “Hindi ito ang tamang panahon para sa'ting dalawa, Edrix. Hindi—Hindi pa ako handang magmahal ulit.”

Mali. Kasinungalingan. Kasinungalingan ang sinasabi ko dahil mahal ko na sya. Nakapasok na sya sa puso ko.

Umiling-iling sya. Tears started streaming down his face. “You're lying, Aphro. Nagsisinungaling ka at nasasaktan ka, kitang-kita ko sa mga mata mo, sa mga luha mo.”

Umatras ako at napahagulhol na. Bakit ba ang hirap nyang pakawalan? Kilalang-kilala nya ako kaya alam nyang nasasaktan ako at labag sa loob ang ginagawa ko.

“Edrix...”

Hinila nya ako at niyakap. He caressed my hair at wala na akong nagawa kundi umiyak sa dibdib nya. Hindi ko kaya. Hindi ko kayang makipaghiwalay sa kanya.

“Shhh! Tell me everything, baby. Tell me everything that bothers you. Gagawin ko ang lahat. Lahat-lahat para sayo.”

Mariin akong napapikit. I don't know. Hindi ko alam ang gagawin ko dahil gulong-gulo na rin ako. Hindi ko alam.

“You can tell me everything, Aphro. I will understand everything. Hmm!” muli nyang bulong sa tainga ko.

Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi habang tahimik na umiiyak sa dibdib nya. Anong gagawin ko? Ano? Sigurado akong sasaktan sya ni Primo at tama nga ako. Ilang saglit pa ay dumaing si Edrix matapos syang barilin ng kung sino sa balikat.

Wife Series #3: Scarred Hearts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon