Chapter 15

218 16 0
                                    

Chapter 15
Aphrodite Wesley

5 days later. Ngayon na ang uwi ni Edrix, nauna lang ako sa kaniya ng dalawang araw. Nandito ako ngayon sa sala habang kaharap si kuya na busy sa kung anong ginagawa niya sa kaniyang laptop. Nasa kabilang sofa naman ang kuting ni Edrix na sarap ng tulog. Pinagmasdan ko ang pensyonadong hayop. Hindi na sabog ang balahibo niya, maganda at makapal na ito pero pangit pa rin siya dahil itim na itim niya.

“Aphro..”

Napatingin ako kay kuya. Tutok pa rin ang mga mata niya sa laptop niya na para bang mas kaaya-aya iyon. Umismid ako. “What?”

“Hindi naman sa iniisip kong magpopropose sayo si Edrix pero kung magpopropose siya, anong design ng singsing ang gusto mo?” tanong niya saka dahan-dahang lumingon sakin.

Umawang ang labi ko at napatitig sa kaniya. Magpopropose? Napalunok ako. Hindi ko maintindihan kung bakit bigla ko nalang nakita sa isip ko si Edrix, nakaluhod habang may hawak na box na may lamang singsing. Kumabog ng husto ang puso ko, saka ko naman nakita sa bandang likuran niya si Phoenix, nakatingin sa akin habang malungkot ang mga mata.

Gumagap ako ng hangin at dinala sa baga ko. Ipinilig ko ang ulo ko saka pilit na itinuon ang atensyon ko kay kuya. Tumikhim ako. “W-What do you mean?”

“Halimbawa lang naman. Anong design ng singsing ang gusto mo?”

Yumuko ako. Gusto ko? Iyong simple lang kahit nga plain lang basta galing sa taong mahal ko.

“Ano, Aphro?”

“Simple. Iyong simple pero galing sa taong mahal ko.” diretsong sagot ko.

Tinitigan niya ako. Maya-maya pa ay muli niyang binalingan ang laptop niya. Nangunot naman ang noo ko. Teka bakit nga pala siya nagtanong?

Naningkit ang mga mata ko habang nakatingin kay kuya. “Bakit mo natanong?”

Sinulyapan niya ako saka balewalang umiling. “Wala naman.”

“Kuya!”

Bumuntong-hininga siya saka isinara ang laptop niya. Hinarap niya ako. “Kapag ba nag-asawa na ko magiging okay ka lang?”

Umawang ang labi ko dahil sa gulat. Hindi ako nakapagsalita. Anong sinasabi niya? Mag-aasawa na siya? Pakiramdam ko ay may mabigat na dumagan sa dibdib ko. Hindi pa ako handang pakawalan ang kuya ko. Hindi ko pa kaya na ako lang. Nasanay na akong kasama siya sa lahat ng oras kaya hindi ko alam kung kaya ko siyang pakawalan.

Nangilid ang luha ko. “K-Kuya..”

Ngumiti siya. “Shh! Wag kang mag-alala, hindi pa ako mag-aasawa.”

Tinitigan ko lang siya. Hindi ako kampante sa sagot niya. Iba kasi ang pakiramdam ko.

Akmang magsasalita ulit ako nang bumukas ang pinto ng bahay. Pumasok si Wayne kasunod si Edrix. Wala na ang cast niya sa braso pero ang peklat ng hiwa ng bubog sa pisngi niya ay nandoon pa rin at sigurado akong hindi na iyon mabubura.

Ngumiti siya nang makita ako. Agad siyang lumapit sakin at naupo sa tabi ko. Natigilan ako nang ipatong niya ang baba niya sa kanang balikat ko.

He winked at me, “Hi, baby.”

Pakiramdam ko ay lumobo ang ulo ko. Nakaramdam ako ng kung anong kiliti sa sikmura ko at bumilis ang tibok ng puso ko. Baby...masarap sa pandinig.

“Hoy! Anong baby?” si kuya na agad umupo sa pagitan naming dalawa ni Edrix.

Gusto kong mairita kay kuya pero ipinagpapasalamat ko rin na pumagitna siya sa amin dahil nangangamba ako na baka marinig ni Edrix ang mabilis na pagtibok ng puso ko.

Wife Series #3: Scarred Hearts (Completed)Where stories live. Discover now