Chapter 20

237 10 0
                                    

Happy holidays, mafias :* have a blessed and safe christmas, everyone!

-
Chapter 20
Aphrodite Wesley

“Si Edrix?” bungad ko kay kuya nang pumasok siya sa bahay. Tanghali na kasi nang magising ako kinabukasan at wala sa buong bahay si Edrix. Si kuya naman ay mukhang ngayon lang umuwi. Napapadalas ang pag-uwi niya na umaga na.

“He called a while ago, pupuntahan lang daw ang kabanda nya.”

Tumango-tango lang ako. Ano kayang pinagkakaabalahan nila ng kabanda nya? Biglang pumasok sa isip ko si Mia. Parang gusto kong sumugod sa bar at hanapin si Edrix.

“Nakausap ko nga pala si officer Herrera, nahuli na ang mga tauhan ng sindikato pero walang umaamin kung sino ang lider nila.”

Bumuntong-hininga ako. Mahihirapan talaga silang paaminin ang sindikato.

“Sa kwarto lang ako.”

Tinanguan ko lang si kuya. Pabagsak akong naupo sa sofa kapagkuwan ay muling tumayo. Ganito kaboring ang buhay ko kapag si kuya ang kasama ko. Napailing ako. Biglang kumalam ang sikmura ko kaya dumiretso ako sa kusina, napansin ko ang nakaayos na mesa, may nakahandang plato at kutsara, sa gitna ay may natatakpang pagkain. Napangiti ako at dumulog sa mesa, binuksan ko ang takip at humalimuyak naman kaagad ang mabangong amoy ng kaning sinangag, itlog, hotdog at bacon.

Magana akong kumain. Malamig na ang kanin pero masarap pa rin naman. Mabilis din akong natapos. Malakas pa akong dumighay dahil sa kabusugan.

Nang matapos ako ay agad kong hinugasan ang pinagkainan ko. Bumalik ako sa kwarto saka kinuha ang cellphone ko. Tamang-tama naman na tumunog ito kaya agad kong sinagot ang tawag nang mabasa kung sino ang caller.

“Edrix..”

[Miss Aphrodite?]

Nangunot ang noo ko. Tiningnan ko muli ang screen ng cellphone. Si Edrix naman ang caller, sino tong sumagot?

“Yes? Who's this?”

[This is Chico from Code Zero, Ed's friend.]

Napatango-tango ako. “Where is he?”

[In the hospital, miss Aphrodite, may lalaking bigla nalang syang sinagasaan ng motor e. Pumunta ka dito sa Cortez Medical Hospital.]

Nabitawan ko ang cellphone ko. I unconsciously balled my fist. Nakamotor. That's Primo! Sigurado akong si Primo 'yon!

Dali-dali akong lumabas ng kwarto. Nakabanggaan ko pa si kuya na papunta yata sa kwarto ko. “Kuya!”

“Si Edrix!” magkapanabayang sabi namin. That's our cue. Mabilis kaming bumaba. Dumiretso sya sa garahe samantalang binuksan ko naman ang gate.

Nang makalabas ang kotse ay isinara kong muli ang gate saka sumakay sa kotse. Hindi ganoon kabilis ang pagpapatakbo ni kuya sa kotse ngunit hindi rin naman mabagal. Sapat para makarating kami ng ligtas at mabilis sa sinabi ni Chico na hospital.

Mabilis akong lumapit sa nurse station, “Nurse, Edrix Alzona.”

“Just a second, ma'am.”

Mahinang pinatok-patok ko ang daliri ko sa pasamano habang patingin-tingin sa paligid.

“Nasa emergency room pa po, ma'am.”

“Thank you!”

Lakad takbo kong tinahak ang mahabang pasilyo hanggang sa makita ko ang malaking sign ng emergency room. Bumagal ang paglalakad ko nang matanaw ko ang mga kaibigan ni Edrix sa labas ng emergency room. A-Anong...

Wife Series #3: Scarred Hearts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon